PART 45

5.7K 110 3
                                    

Fierce wife.




He left the house after that fight. He never went back. He made so many excuses to my daughter for the past four weeks. Oo. Apat na linggo na. At sigurado akong umuwi na siya galing sa conference na sinasabi niya. Kung totoo man iyon. With that thought, biglang sumakit ang ulo ko at bumigat ang dibdib ko sa daming hinanakit at galit na naipon doon. Wala ni isa ang nakakaalam kung gaano ako kadurog at upos na upos ngayon. Ayoko ng madamay pa ang pamilya at mga kaibigan ko. Tama nang ako lang ang nakakaramdam at may alam nito. My father will surely kill Wayne once he'll know this. I chose to stay still and keep my mouth shut. Maging si Bryan ay wala ding kaalam alam. And about Dylan, hindi na siya muling nagparamdam simula noong.. Napabuntunghininga na lamang ako sa naisip. Ipinilig ko ang ulo ko at ipinagpatuloy ang trabaho dito sa opisina. I came back at work last year. Hands on din ako kay Yra. Bago at pagkatapos ng trabaho ko ay sinusundo ko sila ng kinuha kong kasambahay sa may eskwelahan kung saan ko siya inenroll. My daughter is really smart and she's so excited to go to school and she's an eager learner, too kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na ipasok siya doon tutal maglilimang taon naman na siya this coming August.



"Ma'am. Ms. Brooke is looking for you." Nabalik ako sa huwisyo noong tawagin ako ng sekretarya ko telling me that Brooke is looking for me. Sinabihan ko siyang papasukin si Brooke na agad naman niyang sinunod. Brooke came in wala pa mang isang minuto.





"Bestfriend. May pasalubong ako sa'yo fresh from Los Angeles. Eto." Iniabot niya iyon sa akin bago siya umupo. Inilabas ko naman ang pasalubong niya galing sa paperbag.   Napangiti ako noong makitang mga damit pambata ang laman.




"Thank you. Yra will surely like these. You should visit her minsan.. masyado ka namang busy sa trabaho mo. Buti hindi nagtatamponang asawa mo." Napairap siya pagkabanggit ko sa salitang asawa. Yes. She got married. Two years na din siyang kasal doon.






"Don't mind him. Magdusa siya." Mayabang niyang sabi. Napailing na lamang ako sa kanya at natawa. May mga pinag usapan pa kami at sabay na lumabas for lunch bago siya tuluyang nagpaalam. Kagagaling lang niya L.A for her work as a cabin crew.




Pagkatapos naming mag usap ay bumalik na ako sa trabaho. Natapos ang araw na hindi ko pa nakakalahati ang pinipirmahang mga papeles pero pinili kong umuwi na dahil susunduin ko pa si Yra. Inilock ko ang kotse at tuloy tuloy na pumasok sa eskwelahan nila Yra. Pero natigil ako noong makita siyang buhat ni Wayne. Mahigpit itong nakayakap sa ama na tila ba miss na miss niya ito. Pinagmasdan ko silang dalawa. Yra is in her uniform. While Wayne? Naka blue long sleeves siya na nakatupo hanggang siko at nakablack pants. Tingin ko galing din siya sa opisina. Pero may iba pang pumapasok sa isip ko pero binalewala ko na. Lumapit ako sa kanila at tumikhim.







"Yra." Tawag ko dahilan upang kumalas si Yra sa pagkakayakap sa ama. Luminga ito sa akin at agad na lumawak ang ngiti bago tumingin sa ama niya.





"Sabi sa'yo daddy eh. Susunduin ako ni mommy." Biglang may umahong kaba sa dibdib ko sa narinig. Kumunot ang noo ko at mapang akusang tinitigan si Wayne. Kinuha ko si Yra sa kanya na agad naman niyang ibinigay sa akin.  Ibinulsa niya ang mga kamay at pagod na tumitig sa aming dalawa ni Yra.







"If you're planning something. Stop it. Don't even try Wayne. Don't eben try. You can never get my daughter. If you wish for an annulment? Then fine. I can give you that, but not my daughter. Magkita na lang tayo sa korte." Malamig pero may halong galit kong sabi sa kanya. Tumalikod na ako pero agad niya akong nahawakan sa braso habang buhat ko ang nalilitong si Yra. Hindi ako tumingin sa mga mata ni Wayne dahil alam kong isang kalabit na lang ay mawawalan na talaga ako ng lakas. I just waited him to speak.







"Hindi ko siya kukunin sa'yo at walang annulment na mangyayari dahil hinding hindi kita bibitawan. Mahal na mahal kita Selena. At kahit hindi mo ako paniwalaan, hinding hindi ako magsasawa at mapapagod na kumapit. There are things I need to keep from you. And I am sorry if you judge it all wrong. I am sorry. I love you." Bulong niya sa akin sabay halik sa noo ko. Ni hindi ko naramdaman iyong paglapit niya ng tuluyan sa akin. Umalis siya pagkatapos nun. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa kanya.







Dalawang araw. Dalawang araw ang dumaan bago ako tuluyang nagkaroon ng lakas ng loob na puntahan ito. Huminga ako ng malalim pero ang pagkuyom ng kamao ko ay hindi na kumalma. I knocked on her door thrice pero walang nagbukas. Sa pang apat na katok lang, doon nabuksan ang pintuan. There, I saw her. Chantal. So it's really true. Huh. Hindi ko napigilan ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Gulat na gulat ang mukha niya noong makita at makilala ako. I stepped forward. She stepped back. Hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa unit niya. Pinunasan ko ang luha ko bago nagsalita.







"So it's still you. Huh. How does it feel living a block away from where we live? You happy? Masaya bang katalik ang asawa ko? Masaya bang may sinisira kang pamilya? Masaya ba ang ginagawa mo? Masaya bang maging kabit? How can you swallow this kind of shit Chantal? How can you stoop so low just to have my husband? How can you ruin my family? How does it feel huh?" Bulyaw ko na sa kanya. Kuyom na kuyom ang kamao ko at konting tulak na lang ay gusto ko na siyang kalbuhin.! Ilang minuto kaming nagkasukatan ng tingin. Tahimik lamang siya at ni walang mababakasang guilt sa mukha niya. God! How can this woman be so cheap and desperate like this?!








"Wayne wants an annulment from you Selena. Hindi ka na niya mahal! Ako. Ako. Ako ang mahal ni..." Hindi ko siya pinatapos pa. Gaya ng ginawa ko kay Wayne ay sinampal ko siya. Nanginginig ang buong katawan ko sa galit.






"If you think you'll get my sign after this. Think again Chantal. No annulment for Wayne. And oh. Don't you know, he doesn't want to annul too? Kawawa ka naman. You'll forever be his mistress. How sad could that be on your part? Hanggang kama ka na lang ba? Hanggang init ng katawan? And oh by the way. May anak kami. I know Wayne informed you about that since close naman kayo hindi ba?" I smirked after I said those words. I know I angered her because her eyes told me so.








"Hindi siya makuntento sa'yo Selena. Isa lang ibig sabihin nun. Hindi buo ang pagmamahal niya. Dahil kung buo? Hindi basta basta matitibag ang pundasyon ninyong dalawa. Hindi ka niya mahal. He fell out of love. And you can't do anything about it but to accept and sign the papers." Nawala ang ngisi sa labi ko. Something pricked at the deepest part of my heart but I ignored the pain. I smiled at her and spoke up.








"Oh yeah? How sure are you? Let's see my dearest Chantal. Let's see." Hamon ko sa kanya bago inilabas sa bulsa ang cellphone ko para tawagan si Wayne. Isang ring pa lang au sinagot na niya. Pinantaasan ko ng kilay si Chantal habang malapad ang ngising nakatitig sa kanya. Naka loud speaker din ang phone ko kaya rinig na rinig niya si Wayne.






"Baby. Let's talk now please. I love you so much Selena. I'm going nuts thinking how to make it up to you. Please baby. Selena please." I didn't expect him to say that. Kumalabog ang puso ko pero pinanatili kong matigas ang ekspresyon ko. Ibinaba ko ang tawag at nginisihan si Chantal na ngayon ay tulala na.






"Now. Sabihin mo sa akin ulit ang sinabi mo kanina." Natawa ako noong  tulala lang siyang nakatingin sa akin. Tumalikod na ako pero bago ko pihitin ang hawakan ng pintuan ay nag iwan muna ako ng mga salitang hinding hindi niya makakalimutan.





"Try to steal what's rightfully mine again, and you'll feel my wrath Chantal. Don't wait for it. Stop third  wheeling. You don't deserve that. Don't beg for a person's love. And don't try me. Don't ever try a fierce wife because you won't like it. You won't." I warned and left her speechless. No. I will not give up Wayne. Kahit gaano pa kasakit lahat. Para sa pamilya ko. Susubukan kong buuin ito kahit pa gaano kahirap. I will build my family. I will not let Yra experience a broken family. I will not let that happen.

Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon