Chapter 34 - Must Be Love

1.1K 14 5
                                    

Chapter 34 - Must Be Love

Official Soundtrack - When You Look Me in the Eyes by Jonas Brothers


Zoey's POV


Saturday nga pala ngayon and instead na magpahinga ako sa bahay, heto kailangan kong gumising ng maaga para sa Volleyball practice ng Lady Griffinettes. This Friday na nga pala ang laro namin at expected na puspusan rin 'yung training this week.


Just like my early morning routine, I washed my face, at tsaka bumaba na rin to eat my breakfast.


Nang makababa na ako, ready na nga 'yung breakfast, pero nagtataka lang ako kung bakit parang ang puno naman ng kusina. Ano bang meron? Agad naman akong nagtanong nang tumayo sa gilid ko ang isa sa mga katulong namin.


"Ate, ano nga palang mayroon bakit parang ang dami naman yatang pinambili?" tanong ko sabay lagay ng kanin sa plato ko.


"Sabi ng parents mo may dinner daw kayo dito mamaya, pinabili 'yan ng mommy mo kaninang umaga para presko pa," paliwanag naman ni yaya.


Actually marami naman talagang pinapahanda si mommy kapag may dinner na magaganap sa bahay.


"Ah ganun ba, ay! Oo nga pala," sabi ko na napabitaw nalang sa hawak-hawak kong kutsara't tinidor.


Muntik ko pa tuloy makalimutan ang tungkol sa dinner na sinabi nina mommy at daddy para pasalamatan 'daw' si Drake. Well, let's say 'safe' nga ako with that asungot, pero hello?! Alam naman nating puro perwiso lang 'yung dala sa akin ng lalakeng 'yon eh.


After eating my breakfast, I immediately went back up tsaka naligo at nagbihis na rin. Nang matapos na ako sa lahat ng mga gawain ko, agad naman akong inihatid ng driver sa Pacific International Academy.


Pagkarating ko sa school, napansin ko naman na kaunting tao lang 'yung nandoon. Well, mostly college students lang naman.


Well at least, it seems like there is no sign of that asungot around.


Agad akong naglakad patungo sa gym dala-dala ang gym bag ko. Nabigla naman ako nang may biglang kumuha ng bag ko mula sa likod.


Ano ba 'yan, wala naman yatang magnanakaw dito. Pero hinablot ko pa rin ang bag ko. Siyempre nandito lahat ng mga kailangan ko ngayon 'no.


Pagkalingon ko, nabigla nalang ako sa nakita ko.


"Easy ka lang. Tutulungan lang naman kita eh," sabi ni Drake with a mischievous smile.


"Drake?!" sabi ko na nabigla nang makita ang asungot.


Tss, speaking of the devil, nandito rin pala 'to. Pero for what purpose? Sa pagkakaalam ko, kami ang gagamit ng gym ngayon.


The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon