Simple lang akong tao. Walang Arte sa katawan, di naman kagandahan. Yung bang tipong ordinaryo lang. Bukod sa mahaba ang buhok, may salamin din akong suot, hindi ako nerd, mahilig lang talaga na magbasa ng libro, hindi libro sa pag-aaral kung hindi mga libro na Romance .
Nandito ako ngayon sa lugar kung saan kami magkikita ng boyfriend KO, three months na kase kami ngayon, February 18 ang day na naging kami. Hihihi kinikilig parin ako kapag binabanggit ko ang salitang 'Boyfriend KO'. Matagal na akong may gusto sa kanya.
One day kase habang naglulunch ako ay naki-upo sya, tumingin ako sa paligid non baka meron pang ibang pwesto, pero wala na, since nag-iisa lang naman ako eh pina-upo ko na sya. Grabe yung kilig ko non. Like OMG! Like OhMyGosh! Kilig sagad to the bones hahaha. Since that day ay palagi na kaming nagkikita, nagsasabay kapag lunch. Naging close kami sa isa't-isa, then one day....
Pumasok na ako sa gate ng school namin. Nagtaka ako kung bakit walang pakalat kalat na mga estudyante. Tumingin ako sa relo na regalo sakin nung best friend ko. Hindi pa naman ako late ah. Habang naglalakad ako bigla nalang may tumakip ng panyo sa mata ko, tapos may humawak sa magkabila kong kamay.
"Bitiwan nyo ako! Ano ba!" Sigaw ko sa kanila. Pilit akong nagpupumiglas pero wala, malakas sila eh.
Habang kinakaladkad nila ako may bigla nalang ako naririnig na nag-bubulungan.
"Saan nyo ba ako dadalhin ah?!" Tanong ko sa kanila pero wala paring sumagot.
Play the music: Born For You- David Pomeranz..
Too many billions people ~
Pagka-start nung music binitawan na ako nung mga nagdala sakin dito.
Right here around the planet~
What is the chance in heaven~
Dahil hindi naman nakatali yung mga kamay ko eh tinanggal ko na yung panyo sa Mata ko.
That you've find your way to me~
Tell me what is the sweet sensation~
Its a miracle thats happens ~
Pagka-tanggal ko ng panyo sa Mata ko, nagulat nalang ako na nasa harapan ko sya!
"Anong nagyayari?" Tanong ko sa kanya. Pero ngumiti lang sya, yung ngiting naging dahilan nang pagkagusto ko sa kanya.
"Oh I search for an explanation~
Only one thing it could be~" kung kanina ay may tugtog pa, ngayon naman ay sya na yung kumakanta."That i was born for you~ And its written in the star~ Yes I was born for you~" Tapos ngumiti sya. Hindi na nya tinapos yung kanta at biglang sabing---
"Nung dumating ka sa buhay ko, nagbago ako, kung dati napaka-rude ko ngayon hindi na, nabawasan lang pala ng konti haha." Sumabat na ako.
"Uy! Anong ginagawa mo, anong mero--"
"Teka lang. Patapusin mo muna ako hahaha." Okay patapusin daw eh.
"Kinakabahan ako sh*t!" Bulong nya, pero ng dahil sa nakamic sya eh dinig na dining namin. Hahaha!
"Ahhm ano.... Salamat kase dumating ka sa buhay ko, binago mo ako. Kahit na minsan ang bad ko sayo eh nakaya mo parin akong pakitunguan. Hindi ko alam kung ano yung ginawa kong mabuti para ibigay sa akin ang isang anghel, ibigay ka sa akin. Hindi pa man tayo katalag magkakilala pero merong kakaiba dito oh *sabay turo sa dibdib kung saan naroon ang puso* akala ko nung Una may sakit ako sa puso, pero habang tumatagal nalalaman ko na yung dahilan kung bakit. Hindi ko alam na may gusto na pala ako sayo--" naiiyak na ako, hindi ba panaginip to? "--habang tumatagal lumalalim yung gusto ko sayo, then one day I found out na hindi na lang pala basta basta yun isang gusto. Mahal na pala kita ng diko namamalayan."
"Can I be your boyfriend?" Tanong nya.
"Teka! Ako ba?" Tanong ko. Baka kase hindi ako yung kausap nya. Mapahiya pa ako.
"Hahaha oo ikaw, wala ng iba pa." Natatawang sagot na. Ok ako daw. OMO ako talaga?! Gezz I can't Imagine na mangyayari toh!
"I'll ask you again. Can I be your boyfriend my Angel?" Tanong nya ulit sakin.
Speechless.
"Sino ba naman ako para humindi." Sabay ngiti ko.
"Yesss!" Sabay lapit nya sa akin tapos niyakap nya ako ng mahigpig.
"Thank you." Sabay kiss nya sakin na noo.
"I love you." Sabi nya.
"I love you too." Sagot ko.
Since that day mas naging close kami. Pinaramdam nya sa akin kung paano mahalin. Lagi kaming nagdedate. Napakilala ko narin sya sa parents ko. Pero sya hindi pa ako pinapakilala, dahil sabi nya wala yung parents nya sa Pinas.
Maraming naiinggit sakin magmula non. Biruin mo naging boyfriend ko sya?! Ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko. Until now Hindi parin ako makapaniwala. Lagi kong tinatanong sakanya kung Hindi ba yun panaginip lang then lagi nya kong kinukorot sa pisngi para sabihin na hindi yun panaginip.
**********************************
BINABASA MO ANG
Different Ways On How To Break Someone's Heart
Teen FictionHi! I'm Aiden khyne Villarta, the one who's going to break your heart.