Hindi ko alam kung bakit ko ikinu-kwento 'to. Alam ko naman sa sarili ko na ngayon ay wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero bakit sa tuwing nakikita ko siya, sa tuwing lumilitaw yung pangalan niya sa phone ko, sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, ang pangalan nila na masayang pinagkukwentuhan ng mga kaibigan ko ay apektado pa din ako?
I am only 15 years old, I thought it was just an infatuation. Pero bakit nasasaktan ako? Bakit umiiyak ako? Siguro nga, mahal ko na siya. MINAHAL KO NA SIYA.
Summer vacation, every year kumukuha ang school namin ng dancers para ipang-laban sa competition. Sa competition na dapat puro ka-lalawigan lang namin ang dapat na sumali. Festival ang genre ng sasayawin. I admit that I am not a good dancer, pangarap ko kasi talagang maging singer. Pangarap na pilit binababa ng karamihan.
Wala naman talaga akong balak sumali e. Kasi SAYAW yun, SAYAW. Oo, nung elementary ako, hilig ko ang pagsasayaw pero lahat kasi nagbabago.
I heared a news na maraming dancers ang nag quit. Busy daw kasi sila sa paghahanap ng mapapasukan na school pag dating ng Senior High. E, hindi naman pwedeng walang representative ang school namin kaya nag recruit na ang choreo. Since close friends sila ng ate ko, my ate suggested me na isali ako. Since, kasali din naman siya. Sisters goals right? :) Honestly, nag da-dalawang isip talaga ako kung sasali ako o hindi. Kasi nakakapagod yun, at hindi rin ako pwedeng mapagod dahil baka sumumpong ang hika ko.
My friend told me na kapag hindi ako sumali, kakalimutan niya na ako. Blockmailing right? At dahil gusto ko rin naman na ma-experience, sumali na ako.
Ramdam ko lahat ng hirap at pagod. Hirap na umaabot ako sa 300 push ups, sa 100 pumpings, at sa sabunot. Ganun kasi talaga ang pag disiplina sa amin. Oo, masakit pero I know that it will be worth it. Oo, masakit pero natitiis ko kasi palagi siyang nandoon, nanunuod sa practice namin.
Siya yung lalaking hindi ko kilala kasi transfered student. Yung lalaking feeling ko na love at first sight ako. Una ko siyang nakita noong may Search for Mr. and Ms sa school namin. Naaalala ko pa na sumayaw siya nun, yun yung talent niya. Ang hot ng pag model niya, ang gwapo niya, halos lahat na yata. By that time, I admires him a lot. Nabigyan pa kami ng pagkakataon na magkausap dahil sa sayaw na pinasok ko.
Alam mo? Ang sakit nung una niyang sinabi sakin. Hindi man mismo sa akin, pero alam kong para sa akin. Sinabi ko sa co-dancers ko about sa gusto ko siya simula pa lang nung makita ko siyang sumasayaw sa stage. Pero I am not that desperate girl na sumisigaw sa kanya na nagpapapansin sa kanya. Pero tunay na kaibigan yung mga pinagsabihan ko tungkol sa kanya. Sinabi din naman agad sa kanya. At alam mo yung reaksyon niya? "So what?" "What do you want me to do?" Sabagay, wala naman pala siyang paki kasi kagagaling niya lang sa break up. Nung nalaman ko nga yung dahilan ng break up nila, nasabi ko na lang na "Ang tanga naman nung babae." Syempre, dahil lang sa contest na yun, makikipagbreak siya. Kung ako yun? Pero hindi e, hindi ako yun. HINDI MAGIGING AKO YUN.
Nasundan yung pangaasar ng mga co-dancers ko, inaasar kaming dalawa. Aaminin ko, some part of me ay natutuwa. Pero siya kaya? Siguro nga hindi. Madalas na pumupunta siya sa bahay. Pero hindi dahil sakin, dahil sa ate ko na kapatid kapatid niya.
Naalala ko nung tinutukso ako ng mga kaibigan namin na suklayin yung buhok niya, ginawa ko naman hanggang sa makatulog siya. Nilagyan ko pa nga ng hair clip yung buhok niya e. Gusto ko sana na sa kanya na lang yun. Pero nakauwi na sila, nakita ko yung hair clip na yun na nakakalat sa sahig. Haaaay, bakit ba ako nasasaktan? :(
Isang araw, nagkagusto yung kibigan ko sa kanya. Hindi na ako yung tinutukso ng mga kaibigan namin sa kanya. Tinukso na nila yung kaibigan ko na may gusto sa kanya. Alam ng kaibigan ko na may gusto ako sa kanya e, pero bakit? Ganun ba talaga kapag wala namang KAYO? Bawal mo na ipagkait ang lalaking pinakamamahal mo? Maganda ako, pero mas magada siya. Mabait ako, pero mas mabait siya. Sa lahat yata ng pagkatao namin mas lamang siya e.
Uwian na, nag good bye yung lalaking mahal ko sa kaibigan kong yun. Gusto ko mang magalit at magselos, pero anong karapatan ko? Hindi ko na lang inisip yun, malapit na kasi yung laban kaya nararamdaman ko na rin yung kaba.
Akala ko hindi siya darating. Akala ko hindi ko siya makikitang manonood, sa amin. Ang gwapo niya, ang macho niya, ang hot niya. He's wearing black fitted sleeveless. Nakikita ko yung muscles niya. Iisang jeep lang ang sinasakyan namin paguwi. Nasa kabilang dulo siya, at ako naman ay nasa kabilang gitna. Hindi ko mapigilan ang pag sulyap sa kanya. Hanggang sa na-realized kong nakabalik na pala kami sa school.
Hindi man kami nanalo, pero atleast we did our best. Manalo, matalo, tuloy ang celebration namin. Which is night swimming. That was the day na pinaka-favorite part ng pagsali ko. Magkasama lang kami, kasi parehas kaming hindi marunong lumangoy. Naglaro kami ng basketball. Solo namin yung whole court. Sana nga hindi na natapos yung gabing yun e. Kaso kailangan, darating na naman yung araw na parang walang nangyari.
Pero sulit naman e, atleast yun man yung last na nakapag usap kami, nasulit naman kahit papaano.
Malapit na magpasukan, completer na ako. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Nasa bahay sila nun, nag videoke kami. Lahat ng kanta ko para sa kanya. May "Kung ako ba siya", "Teardrops on my guitar", "Kung akin ang mundo", "Someday". Yun din yung araw na nalaman ko na may something sa kanilang dalawa ng isa ko pang kaibigan. Bakit ganun? Nandito naman ako. Pero bakit hindi pa naging ako? :(
Lumipas yung araw na pilit ko na siyang kinakalimutan. Hanggang sa dumating yung araw na, biniro ko siyang ilibre ako at sineryoso niya. Ang mali ko lang, nagbigay ako ng meaning sa ginawa niya.
Kasabay ng pagulan ang pagpatak ng aking mga luha. Sinabi niya na hindi niya daw sinasadyang saktan ako. Pero ako rin naman ang may kasalanan e. Binigyan ko ng meaning lahat ng ginawa niya para sakin. Umasa ako na hindi lang friendship ang kaya niyang ibigay sa akin.
Heto ako ngayon, pilit na kinakalimutan siya. Palagi na lang kasi e. Sa tuwing makakahanap ako, palaging wrong timing. Anong nangyari sa kanilang dalawa? Hindi man sila pero may label na sila. Mutual ang feelings nila. Ako? Ngumingiti na lang sa tuwing sila ang usapan.
Someday, someone's gonna love me ♪♪
- Thank you for reading my true story. God bless you! :*
![](https://img.wattpad.com/cover/76329966-288-k863696.jpg)
YOU ARE READING
Wrong timing
Short StoryThis is a one shot story. May mga part na totoong nangyari sakin kaya siguro na-inspired ako na gawin 'tong story na 'to. Hope you'll like it. God bless you!