53: The Mark

8.8K 177 15
                                    

"Why?" Owen asked while wiping my tears on my cheeks

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Why?" Owen asked while wiping my tears on my cheeks.

Tulad ko tumtulo ang mga luha sa mata niya. This might be the worst of all, seeing him cry for me when instead I was the one who put him to death. Buti na lang nakuha ko ang cellphone.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Chan?" Bahagyang lumayo siya sa akin para hubarin ang suot niyang t-shirt. Ginawa niya iyong pamunas sa mukha ko, sa leeg ko, sa braso ko hanggang sa napatigil siya.

Yumuko siya sa harapan ko. Yukong yuko na nakalapat ang ulo niya sa sahig. Paulit-ulit ang pagmumura niya. Pinagsusuntok niya pa ang sahig.

"Owen, tama na." Pinilit ko siyang mag-anagt ng mukha sa akin. "You don't have to blame yourself. It's me... I'm sorry." Nagbalik sa alaala ko ang photo sa cellphone. Sa sobrang takot ko noong pinakita iyon sa akin ni Prof. Adolfo wala na akong nagawa. Ayokong madamay pa si Owen dito.

"Damn it! You're not saying sorry to me. Wala kang kasalanan! Ikaw ang biktima dito!"

Mali, siya ang biktima dito. Siya ang dinawit ko sa katanagahan ko.

"Let's go," tumayo siya at kumuha ng hospital gown at pinasuot sa akin. Pinulot niya ang box at akmang bubuhatin na naman niya ako.

"No," pagtutol ko. Kaya ko nang lumakad.

Pagtayo ko nanghina uli ang tuhod ko. Shit!

Walang pasabing binuhat niya na ako. Dinala niya ako sa kotse niya at kaagad naman niyang pinaharurot ng takbo.

Sa byahe pilit kong binubuksan ang cellphone. Kaso may password ito.

"Magpahinga ka muna." Saway ni Owen.

"I can't. Owen, he took a picture..."

"Fvk! He took a picture of you?" Huminto kami sa gilid ng kalsada.

Tumulo na naman ang luha ko. Umiling ako. Hindi ko magawang sabihin sa kaniya kung ano ang nasa mayroon sa photo na 'yon. Sisisihin niya ako sa sandaling kumalat ito at mapahamak ko siya.

Inagaw niya sa akin ang cellphone. Binuksan niya ang bintana at hinagis iyon sa labas. "Gone! You don't have to worry about it."

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Paniguradong durog-durog ang cellphone na iyon.

Talaga bang wala na ang kinatatakutan ko?

***

Na-confined ako nang dalhin ako sa ospital dahil na rin sa lumalala kong hyperventilation at sa takot na baka magkaroon ako ng STD. The thought of it made me terrified. But when the police asked for the details made me wanted to kill myself. Ang sakit ulit-uliting ikuwento ang ayaw mo nang maalala.

Buti na lang nasa tabi ko si Owen at hindi binibitawan ang kamay ko hanggang sa makaalis ang mga imbistigador. Sinabi ko ang lahat bukod doon sa pang blockmail ni Prof. Adolfo sa akin. Natatakot akong pag may nakaalam madadamay pa si Owen.

My Painkiller✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon