[ Catch me! ]
Lorane's POV
nakakainis bigla nalang nila akong binuhusan ng tubig!!
Lagi nalang akong napapahiya ng dahil sa kanila
"Ano bang problema nyo?" tanong ko sakanila!
"Problema namin? Ikaw dahil malandi ka! Masyado kang papansin kay Clarence feeling mo mapapansin ka nya? Ehh ang pangit pangit mo nga ee! Isa kang nerd isa kang Loser!!" - Lyssa
tinakpan ko ang tenga ko hindi ko alam pero bigla nalang tumulo yung luha ko
"Tama na! Hindi totoo yan!!"
Sabi ko sa kanila
"Ano! Ayaw mong marinig kasi totoong malan--"
hindi na natapos ni Leana ang sasabihin nya nanlaki ang mata nila at halatang halatang gulat na gulat sila at pati ako nagulat din!
"Eh ano namang paki nyo kung may gusto sya sakin? Wala kayong karapatang magalit sa kanya!"
Sabi ni Clarence habang nakaakbay sakin! Wah! Nagiinit ang mukha ko!
"Clarence-" chorus silang tatlo. Ang daming taong nanunuod samin
"Eh pano kung sabihin kong gusto ko din sya? May magagawa ba kayo?" sabi ni Clarence !
Wnsjalsdfks! WTH? May gusto sakin ang poging nilalang na to?!!
Umalis na kami sa cafiteria ng nakaakbay si Clarence sakin!shemayy pinagtitinginan kami ng mga tao!
May mga babaeng umiiyak, nanggigigil at naiinis!
Nakarating kami sa parking lot at pinasakay nya ko sa car nya.
Andito na kami sa loob ng car nya
"Bakit ba napakaiyakin mo?" tanong nya hindi ako sumasagot bigla nalang tumulo ang luha ko!
Sa pagtulo ng luha ko, may mga balikat na sumalo dito! Hindi ko alam pero bigla ko nalang syang niyakap ng mahigpit
"Wag mo kong iiwan"
ayun na lang ang tangi kong nasabi sa kanya!
Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak! Hindi naman sya umiimik halatang nagulat sya sa ginawa ko
"Salamat huh? Lagi nalang ikaw ang sumasalo sakin sa mga ganitong pagkakataon! Salamat kasi ikaw ang sumalo sakin nung nahimatay ako sayo! At sa mga sumunod na nangyari sakin .sabi ko habang umiiyak. Babayadan din kita! Salamat talaga"
"Walang anuman, umiwas ka na lang sa kanila"
sabi nya! Bakit ba ang gaan ng loob ko sa kanya?
Tinanggal nya ang kamay ko mula sa pagkakayakap ko sa kanya
"oy, yung kanina hindi totoo yun ahh yung line ko na - Pano kung gusto ko din sya - Palusot lang yun para matulala sila" sabi nya na medyo namumula
Pinunasan ko na ang luha ko at ngumiti ng konte
"So, pwede na ba kitang maging official friend?" tanong ko
"Ahh.. Hindi! alam mo bang swerte lang nagiging kaibigan ko?" sabi nya!
Maartihan nga to!
Umiyak ako ulit ng malakas
"Oh sige na nga!"
sabi nya!haha ang galing ko talaga!
Oy, baka akala nyo tsinachansingan ko lang sya kanina? In he's dreams!
Totoo yun! Ngayon lang yung arte kase gusto ko talaga syang maging friend! Hihi
Ngumiti ako at ngumiti din sya!
Kinuha ko cellphone nya at kinuha nya din cellphone ko!
Sinave nya no. Nya! At sinave ko din no. Ko
Inabot ko na cp nya sakin ganun din sya
Wah! Nakasave sakin na name nya 'My Mr.Catcher' haha! Kakatawa
Akala nya ahh! Nakasave naman sa kanyang name ko 'My iyakin girl' ayan ang ganda diba?
Nagtataka ba kayo kung bakit ganyan yung sinave kong name ko?
Di ba nga sabi nila ako lang daw friend nyang babae,
tas lagi nya kong sinasabihan ng iyakin kaya sinave ko My iyakin girl :)
oh astig diba?