[ * Blush * ]
Tumili ako! "Waaahhh"
Nagtinginan sakin ang mga tao. Kaya naman napatago ako sa likod ni Clarence.
"Sino ba yun? Ang sakit sa tenga" sabi ng mga tao!
Wah. Buti nalang sinagip ako ng likod ni Clarence
"Let's go guys!" Sabi ni Ej
"Okay tara na!" sabi naman ni Patrick.
Ang kulet talaga nya ^^ nginitian ko si Patrick.
"Ang cute mo talaga" sabay kurot sa pisngi ko!
"Wahh! Ang sakit" tinapik ko ang braso nya. Ang sakit kaya!
"Ooooyyyy! Dyan nagkatuluyan ang Lola't Lolo ko" sabi naman ni Tristan.
"Ewan ko sa inyo" sabi ko naman sa kanila!
Inaamin ko pogi si Patrick pero hindi ko sya gusto. Ahmp! Konte pero konti lang *crush*
Hindi na ko umimik! Nagtatawanan silang lahat except Clarence. Ano ba yan? May red alert ba sya?!
Kaasar kanina nya pa ko di pinapansin. Hindi pa din nya ko inaasar! Kabuang naman -.-"
Sumakay na kami sa bus!
Si Patrick at si Ej magkatabi
Si Ace at si Tristan naman ang magkatabi.
Ako naman tinabihan ko si Clarence!hihi
Dun kami sa pinakadulo umupo. Epal kase yung mga kasama namin eyy
"Oy" sabi ko kay Clarence sabay siko sa braso nya
pero hindi man lang nya ko pinansin. At tinulugan nya pa ko! Oh diba ang pogi nyang kausap? -__-'
Maya maya lang sinandal nya ang ulo nya sakin.
"Oy, Clarence gumising ka nga tinitignan tayo ng mga tao" pabulong kong sabi sa kanya
Pano ba namn pinagtitinginan na kami ng mga tao tapos sya naman natutulog pa din! Pero wait bakit bigla syang ngumiti
Ehmeghed! Ano ba? Edi ako na kinikilig
Yuyugyugin ko na sana sya pero bigla syang nagsalita
"Ayokong gumising! Dito lang ako sa balikat mo! Hanggat di tayo bumababa" hala ka! Ano ba talagang nangyayari sa kanya?
"Heee! Manahimik ka! Alisin mo na nga yung ulo mo sa balikat ko. Ang init init ehh" sabi ko sa kanya
"Ayaw!" bata? Bata? Sabi nya habang nakapikit at nakasandal pa din sakin
"Bahala ka nga -__-" ayan na lang ang nasabi ko! Ano pa nga bang magagawa ko? Eh alam ko namang pinagtitripan nya lang ako
"Mas bagay sayo kapag nagbablush" Napalunok laway ako! At? Ano nagbablush ako?!
Oo na! ako na kinikilig.
Bigla na lang tumibok yung puso ko ng mabilis habang sinasabi nya yun!
Nakakahiya. Hindi pa din sya umaalis sa pagkakasandal ng ulo nya sa balikat ko! At ako naman SpeachLess =___=
Wala nang kimibo samin. Matapos ang ilang minuto ginising ko na sya
at bumaba na kami!
Nilapitan ako ni Patrick.
"Andito na tayo Loranee ^__^"
Wow! andito na nga kami!
Sa isang bistro.