Prologue

4 1 1
                                    


"Nakita mo ba si Emma?"


"Napunta ba diyan sa inyo si Emma?"


"Alam mo ba kung saan siya pwedeng pumunta?"


"May nasabi ba siya sayong kahit ano?"


Paulit ulit ko na yang tinatanong sa mga kakilala pero wala akong nakukuhang sagot. Hindi nila alam kung anong nangyari kay Emma.


"Ah ganon ba... sige kapag nakita o nagparamdam man lang siya sayo, sabihin mo lang sakin." Nandito ako sa bahay ng isa sa kaibigan niya. Pero ganon pa rin. Hindi niya alam. "Sige salamat." Nagpaalam na ako at napagdesisyonan kong umuwi at magpahinga muna.


Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang magisip isp. Bwiset. Kaibigan ba talaga sila? Bakit wala silang alam kung anong nangyayari kay Emm.


Nakunot na lang ang noo ko sa naisip kong iyon. Naiinis ako sa mga kaibigan niyang napagtanungan ko pero kung tutuusin mas wala akong kwenta sa kanila.


Ako ang pinakamalapit sa kanya pero binalewala ko siya nitong ma nakaraang buwan. Tangina, kasalanan ko ito eh. Kung hindi ko inatupag ang kung ano anong bagay, sana natanong ko siya kung may pinagdadaanan ba siya.


--------------------------------------


Nang makarating ako sa bahay ay nagtungo agad ako sa kwarto. Agad kong ibinagsak ang sarili ko sa malambot kong kama. Pagod ako pero medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginhawang naramdaman sa pagkakahiga ko.


*ring ring ring


Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nagising na lang ako ng tumunog ang phone ko.


"Hello. Bakit?" Ako.


"Pre baka matulungan kita." Siya.


"Anong ibig mong sabihin?" Ako.


"Kay Emma pre. Tutulungan kita." Siya.


"Alam mo kung nasaan siya?" Ako.


"Hindi pero may alam ako." Siya.


"Magkita tayo..." Ako.


7:48pm. Bumangon ako agad at umalis ng bahay. Hindi ako pwedeng magaksaya ng panahon. Marami na akong nasayang bago ba mawala si Emma.


Kailangan ko siyang mahanap.


Hahanapin kita Emma.


____________________________________________________________________________________


End of prologue.


Tin's note: hello. this is my first story. sana magustuhan niyo at basahin hanggang sa matapos. sorry nga pala sa mga pinaghintay ko at sa natagalan. thank you kay jochelle(INLOVEWITHAGUY) sa book cover. next week chapter 1

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Missing: Broken JewelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon