Reaching a Star (One Shot)

211 7 0
                                    

Title: Reaching a Star

Author: LorenAhne6

Genre: One-shot, Comedy, Romance


Enjoy reading, Jewel and Lily sa side <3

----

"Lily!" Ay anak ng tinapa, kita nang ang sarap ng higa ko dito sa sanga ng puno eh!

"Anak ng teteng ka Miya! Ano ba? Kita mong ang sarap ng higa ko eh!" Bulyaw ko sakanya. Habang inaayos ang sarili ko paupo sa sanga ng puno.

"Chillax! Eto naman high blood agad. May naghahanap sa'yo kanina pa."

"Aba'y sino bang letse yang naghahanap sakin?"

"Aba'y sino pa nga ba? Edi si Jewel Buenafe po."

"Pakisabing inaantok pa ako at di pa ako handa sa pangbwi-bwiset niya. Salamat!"

"Okay mahal na Reyna!" sigaw nya mula sa baba ng puno. Note the sarcasm. Lihim akong napangiti. Si Jewel nanaman. Napapikit ako at napangiti ng biglang mag-flashback ang una naming pagkikita ni Jewel.

* Flashback*

[ Soccer Field ]

" Wah! Sis! Ang galing talagang maglaro ni Jewel!"

"Anong magaling dun? Eh puro sipa lang naman alam niyan tignan mo oh! Parang kabayo lang!" sabi ko kay Miya nanunuod kasi kami ng training ng mga soccer players. Eh sa walang magawa.

"Kabayo ka jan, tignan mo nga kapag sumipa parang lumilipad oh." Pagpipilit nya.

"Yeah r---" Di pa lang natatapos yung sasabihin ko eh biglang...

*tuggshh* sound effect yan ng pagbagsak ko walang aangal! :D.

"Ouch!" haplos haplos ko yung ulo ko na natamaan ng kung ano.

Dahan dahan kong itinayo ang sarili ko para makita kung sino mang walang hiyang, walang modong matigas ang mukha at bakulaw ang may kagagawan ng pagbagsak ko. At para makita eh yung punye*ang Jewel Buenafe ang may kagagawan.

"Sorry miss. Di ko sinasadya. Kung saan saan ka kasi nakatingin eh." sabi nya.

"Pinagloloko mo ba ako Jewel Buenafe?! Hindi sinasadya pero tumatawa ka?! Sinong niloko mo aber?" wala na akong pake kung sino ang kinakalaban ko. Balita ko sikat tong bakulaw na to eh.<

"Alam mo miss maganda ka sana  kung di ka masungit." Sabi niya aba't sinusubukan ako nito.

"Alam kong maganda ako MR. Kahit masungit ako. Eh ikaw, OK kana sana eh kung di ka lang antipatko! sisipa ka na nga ng bola yung tabingi pa! Pwe nakakawala ng gana!" Bumaling naman ako kay Miya na parang natulala na doon.

"At ikaw!  HOY BABAE! Tara na nga!" Sabay hila ko sakanya. Pero di palang kami nakakahakbang palayo ng. humawwak siya sa braso ko para pigilan ako ..

"Uy tek--- ARAYYYYYYYYYY!" Sigaw niya eh ayun nga iapakan ko ng malakas yung paa niya. Napa-aray tuloy.

"Kung ayaw mong makatikim ng sipa ko wag na wag kang lalapit sakin kung hindi  di lang yan ang aabutin mo!" Sabay kaladkad ko dun kay Miya..

Reaching a Star (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon