Chapter 46
[Rafael's POV]
"Alis na po kami, tito, tita, Macey..." sabi ko sa kanila, habang si Mama eh may kausap sa phone.
"Mag-ingat kayo ha. Ah teka, hindi nyo na ba iintayin si Marjorie?" tanong ni Tita.
"Hindi na po siguro, baka mahuli po kami sa byahe. Nakapag-usap na din naman po kami ni Joreng eh, hehe."
"Ah ganun ba, oh sige, mag-ingat kayo ha. Balitaan nyo na lang kami kapag nakadating na kayo." si tita ulit. Si tito kasi eh hindi nagsasalita, nakakatakot tuloy >_<
"Opo, salamat sa pagampon sakin ng ilang linggo tita, hehe. Sa uulitin."
"A-anong sa uulitin?? W-wag ka ng babalik dito!" sigaw naman ni Macey.
"Eyyy, hindi mo ba ko mamimiss, ha Maymay?"
"Miss? Tss, asa ka naman. Medyo makapal talaga no?"
"HAHAHAHA. Naku Raffy, pagpasensyahan mo na tong si Macey, likas na sa kanya yan. Tsaka alam ko namang sanay ka na din sa kasungitan ng anak ko eh."
"Hehe, oo nga po eh. Pero kahit ganyan yan, mamimiss ko yan. *wink*" sabi ko sabay kindat kay Maymay.
"M-miss mo mukha mo!" sabi nya sabay takbo papasok. Haha, pikon talaga yun.
"Haaay, pasensya at kinausap lang ako ni Ate." bungad ni Mama nung natapos syang makipag-usap.
"O pano, alis na kami. Salamat sa pag-alaga sa pasaway na to." sabay akbay sakin ni Mama.
"Wala yun, Mare. Mag-ingat kayo ha."
"Oo, salamat ulit. Mauna na kami."
"Mag-ingat kayo." tipid na sabi ni Tito at sinamahan ng matipid ding ngiti.
Lumabas na kami at sumakay na sa taxi.
Binuksan ko yung cellphone ko at ikinabit ang earphones ko.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]
Teen FictionMay pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababaihang lubos na nagkagusto sa isang tao? "Bakit hindi ako crush ng crush ko?". Yan ang kaisa-isang tanong na gustong masagot ni Marjorie. Masa...