Chapter 45 : Rain In A Sunny Day

244 7 4
                                    

"The number you have dial---" argh! operator nalang ang sumasagot sa mga tawag ko kay Angeline! Usapan namin na sasamahan nya ako sa fashionshow ng Swane Fashion. Si Gaven dapat ang nandito eh, at ako dapat ang nagbabantay sa anak ko! Ako nalang daw ang umattend dito tutal naging trabaho ko naman daw ang pagmomodelo. Sinigurado nya pa sakin na hindi naman daw pupunta si Tyron dahil may iba itong lakad.

"Gab!" agad ko naman syang nilingon. Nakita ko itong humahangos palapit sakin. May ideya kaya sya na wala na syang poise sa ginagawa nyang pagtakbo? "late na ba ako? Sorry naipit ako sa traffic tapos nalowbatt pa ako."

"its ok, tara na mag-uumpisa na"

"wait lang ha, pwede magpahinga?" reklamo nya. "by the way, you look stunning Gab. Hindi ba naiipit yang boobs mo?"

"Manahimik ka nga dyan Angeline." then i rolled my eyes.

"Pwera biro Gab, i'm sure pagnakita ka ng asawa mo siguradong maglalaway yun na parang aso. Ang hot mo sa suot mo"

"Angie!" impit na sita ko sakanya. Nagkibit nalang ito ng balikat habang naglalakad kami papasok sa paggaganapan ng Fashionshow.

Sa kabila ng pagkakaroon ng anak ay hindi ko naman pinabayaan ang katawan ko, tulad nga ng sinabi ni Angeline mas lalong lumaki ang dibdib ko. One of the perks of being a mother.

I'm wearing a black helter top dress showing off my killer figure in a thigh-high slit and a neckline plunged down almost to my navel as i stood tall in my pair of black high heels. Hindi pa man kami lubusang nakakapasok sa loob ay sinalubong na kami ng mga media na nandoon. Yung iba nagtatanong ng kung anu-ano samantalang yung iba naman ay nais lang makakuha ng litrato. Agad din naman nagsilapitan ang mga security kaya nakaalis agad kami ni Angeline sa spotlight.

Sa may left side sa bandang unahan kami nakapwesto ng pinsan ko, dun kasi ang reserved seats namin.

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang fashionshow.

Kahit ako ay namamangha sa mga lingerie na gawa mismo ng kumpanya namin. Swane Fashion hired some of the best artists in the world...jewelry makers and pattern makers to create an outfit for lingerie, one piece might have to pass through ten or more different hands.

Malapit nang matapos ang fashionshow nang nakaramdam ako ng pagkailang na tila ba may mga matang nanonood at nakatingin sakin, I was starting to feel uncomfortable in my seat.

"What's the matter Gab?" Umiling lang ako bilang sagot sa tanong ni Angeline.

Hindi na ako nakaiwas nang magtama ang mga mata namin, he was sitting at the front row of the right side of the runway.

Tyron.

Mataman lang syang nakatitig sakin habang ako ay hindi alam kung paano babawiin ang mga mata ko mula sa pagkakatingin sakanya. Hindi ko na alam kung ano na ang itsura ko samantalang sya ay titig na titig lang sa direksyon ko, tila kanina nya pa akong pinapanood.

"Gab, ok ka lang ba talaga? para kang binabad sa suka." Sa pagkuha ni angeline sa atensyon ko dun ko lang nagawang iiwas ang tingin ko sakanya. "Gusto mo na bang umuwi?" Tiningnan ko muna ang kaganapan sa stage bago ako tumango. I think last model walking na ang isang iyon.

---

sh*t sh*t sh*t! I cursed for the nth time. Bakit ba ako pumayag na pumunta sa event na yon?

"Gab, i saw him too." from out of nowhere na saad ni Angeline. "He was looking at you."

"Bullsh*t Angie, that's bullsh*t. Bakit ba kasi ako pumunta sa event na iyon?" sa wakas ay naisatinig ko. Nagkibit lang ito ng balikat.

"You know what Gab, i'm sure naman na magkikita at magkakaharap din kayong dalawa eh. Yun nga lang dun sa event na pinuntahan natin ang una nyong pagkikita." Aniya habang nakatutok pa rin ang mga mata sa daan. Sya na ang pinagmaneho ko dahil wala na ako sa sarili para makapagpatakbo ng maayos. Alam kong magkakatagpo rin kaming dalawa pero hindi ganito kaaga. Simula ng pamahalaan ni Gaven ang Swane Corp sa Legaspi Group na raw nag-focus si Tyron kaya bibihira nalang itong tumungo sa builing namin, at yun ay sa tuwing magkakaroon sila ng meeting. Kaya nga sabi ko malas nalang kung magkita kaming dalawa.

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon