Kahit saan ako tumingin, lahat nakaitim. Sa totoo lang natatakot na ako. Hindi ko alam kung saan pupunta. Hindi ko alam kung sino ang unang taong kakausapin. Ganito pala sa unibersidad. Talagang nakakatakot. Bakit hindi man lang kasi sinabi sa akin ni Nanay na dapat itim ang suot, iyan tuloy nagsuot ako ng kulay berde na damit na paborito ko na kulay kasi kakulay siya ng mga halaman.
Unang araw ko ngayon sa unibersidad kung saan ako ipinasok ni Nanay pero yung mga estudyante, hindi nila unang araw. Ako lang ang may unang araw. Unang araw ko pumasok sa isang unibersidad, sa paaralan, sa lugar kung saan daw natututo ang mga estudyante.
Sabi ni Nanay dapat pumasok na ako sa isang unibersidad kagaya ng ibang mga normal na kabataan kasi tumatanda naman na ako at dapat daw matuto na akong makisalamuha sa ibang mga tao. Noong una natuwa ako pero ngayon nandito na talaga ako sa unibersidad, parang gusto ko na lang tumakbo.
Sa mga nababasa ko na libro dati, sabi doon na masaya daw dito sa unibersidad pero bakit ngayong nandito na talaga ako, mukhang mali naman ang sinasabi ng libro?
"Aray!" sigaw ko nang may bumangga sa akin. Nahulog pa tuloy yung bag na binili sa akin ni Nanay. Pinulot ko ito at tinignan ko yung bumanga sa akin o mas magandang sabihin na mga bumanga sa akin.
Nagtatawanan pa silang apat na para bang aliw na aliw sa pagkabagsak ko.
"Hindi man lang ba kayo hihingi ng patawad?" tanong ko sa kanila.
Dahil sa pagsasalita ko, nakuha ko ang atenyson nila kaya't natigil sila sa pagtatawanan.
"Aba, siga pala ito eh!" maangas na sabi nung gitnang lalaki.
Lahat sila ang iitim ng gilid ng mata. Bakit kaya nila nilalagyan ng uling yung mga mata nila? Kamukha tuloy nila yung malaking unggoy sa kagubatan na nakita ko minsan. Ang itim din kasi nung gilid ng mata niya. Pagdating ko ng gabi sa bahay, hinanap ko agad ang tawag sa unggoy na yun sa mga libro ko at napagalamanan ko na ape pala ang tawag doon. Ape kaya ang pangalan ng mga lalaki na ito?
"Ape ba ang pangalan mo?" nagtatakang tanong ko. Bigla namang nanlisik yung mga mata ng lalaki at tinignan ako ng matalim habang yung tatlo niyang kasama ay humagakhak sa tawa. Yung isa hawak pa yung tiyan niya sa kakatawa.
"Tarantando ka pala eh! Pinagloloko mo ba ako?! Ha?!" sinugod ako ng lalaking Ape siguro ang pangalan at hinawakan ako sa may kwelyo ko. Ang angas ng dating niya. Para siyang leon kung umasta.
"Nagtatanong lang naman ako eh." kinakabahan na sagot ko. Ayaw ko naman mapaaway ngayon lalo na at unang araw ko pa man din.
"Pinaglololoko mo lang ata ako eh!" sigaw niya ulit sa mukha ko at nilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko.
"Totoo iyon. Nagtatanong lang talaga ako." sagot ko ulit at pinipilit ko na ilayo ang mukha ko. Ang baho kasi ng hininga niya. Amoy usok na hinihithit ng mga mangangaso. Sabi sa akin ni Nanay sigarilyo daw tawag doon at huwag daw ako gagamit noon dahil masama daw yun sa kalusugan.
"Hoy Ray! Sino na naman ba iyang pinagtritripan niyo!" sigaw ng isang babae sa likod ng lalaking nakahawak sa kwelyo ko at yung mga kasama niyang nagtatawanan.
Binitawan ako ng lalaking nakahawak sa kwelyo ko at tumingin sa babaeng sumigaw. Kahit yung tatlong lalaki ay napatingin din dun sa babae. Hindi ko makita yung mukha niya kasi natakpan siya ng mga lalaking may uling ang mata.
"Ang halimaw naman ng mga ito" bulong ko sa sarili ko habang tumitiyad at pilit na tinitignan yung babae. Ang tatangkad naman mga to.
"Rain! Wala lang ito. Ano---"
"Anong wala? Sino yung hawak mo ang kwelyo kanina?" mapanghinalang tanong nung babae. Nakakainis naman! Hindi ko man lang siya nakita.
Inayos ko na lang ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko at tumalikod na sa kanila. Aalis na lang ako para iwas away. Ayokong malungkot si Nanay dahil lamang malalaman niya na napaaway ako sa unang araw ko ng klase. Sabi pa naman niya magulo dito kaya dapat magingat talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Witchy Bitchy Witch
FantasyYung nakaitim na babae. Yung maganda. Yung maputi. Yung kumain ng pusit kaya itim ang labi. Sabi niya, "Whooshie, hooshie, hooshie, whoosh!"