A/N:
Noted that, this is just a filipino activity/project.
Don't report please.
Just saying what my opinions are.
At ang iba dito ay mga facts. I mean, mga facts tungkol sa akin.
Sobrang gulo po nito so bahala na kayo ang umintindi.
Bigla bigla ko nalang kasing ipinapasok ang isang subject or yung pinaguusapan.
Hehehehe.
--------
Ito ay isang hindi gaanong popular na opinyon.
Ito'y nanggaling lamang sa isang kabataang katulad ko.
Wala akong pinatatamaan.
Sadyang mga obserbasyon ko lang talaga sa buhay.
At dahil wala rin naman akong panahon para i-share ito sa iba, buti nalang nagpa-activity sa'min ng ganito so, medyo mailalabas ko na ang kung ano mang napapansin ko sa paligid.
Isang beses, may nabasa akong isang article sa facebook na kung saan, yung lalaki nagsasabi siya ng opinyon niya.
Sabi niya, "Mahirap ang maging pilipino sa makabagong henerasyon." Hindi iyon ang eksaktong mga salita ngunit iyon ang aking pagkakaintindi.
Noong una ko iyong nabasa, tinanong ko ang sarili ko.
Bakit kaya?
Bakit niya nasabi 'yon?
At sa pagiging interesado ko ay binasa ko ang buong artikulo.
Ako'y magbibigay lamang ng ilang halimbawa ng kanyang sinabi.
"Dito, kapag lumabas ka sa bahay ng naka-shorts, pokpok na tingin sayo."
Eto pa,
"Magkamali ka lang ng grammar, katakot-takot na ang mga taong maninira sayo. Akala mo naman hindi din nagkakamali ng ilang beses."
Alam mo yun? Yung mga taong kung makapag-correct kala mo perfectionist. Sarap nilang itapon sa mars.
Mga tao tayo. Hindi tayo perpekto. Natural lang ang magkamali.
Mga pagkakamali, na pwedeng pwede naman nating itama, diba?
(Hindi lang yan mga orb, marami pa kong baon dito.)
Bakit ang hirap para sa ibang tao ang mag-sorry?
Ako, magsosorry ako kahit hindi ko kasalanan.
Talk about pride, peeps.
Bakit ayaw ng iba sa strict na guro?
Para sa akin kasi, mas gusto ko talaga ang mga guro na may pagka-strikto.
Hindi sobrang strikto pero yung tama lang.
Yung kaya nilang i-handle at disiplinahin ang mga estudyanteng kagaya ko na medyo pasaway hahaha.
Pag sobrang bait naman, minsan na-abuso na rin yung kabaitan niya.
Ako yung nahihirapan para sa kanila eh.
Tungkol naman sa politika...
Karamihan sa kabataan, ang ginawa lang noong bakasyon ay pag-usapan at minsan pa nga ay pagnasaan ang mga anak ng mga politiko.
Nung eleksyon, mainit pa sa araw kung ihawin nyo ang mga idolo ko. (Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, everyone.)
You even compared Sandro Marcos to my Daniel Padilla.