2:01 AM
Gab: Charice?
Gab: Charing ko.
Gab: Charice maawa ka naman na o.
Gab: Sorry.
Gab: Sorry kung napaka-insensitive ko.
2:02 AM
Gab: Sorry kasi kailangan mo ko kanina pero di kita pinapansin.
Gab: Sorry kasi mas inuna ko pa yung barkada kesa sayo.
2:03 AM
Gab: Alam kong online ka at nakikita mo 'to.
Gab: Ikaw na si Ice ngayon oh. Kasing lamig na ng yelo kung ituring mo ko.
2:04 AM
Gab: Please. Maria Charice Paulina Furto.
2:10 AM
Gab: Kahit isang K lang?
2:13 AM
Gab: Di ko matanggap, Charice.
Gab: Charice, mahal mo naman ako diba?
Gab: Kahit kaibigan lang.
2:15 AM
Gab: Charice, hindi ko man nasabi sayo kanina.
Gab: Pero mahal kita. Mahal na mahal kita.
Gab: Sana nababasa mo 'to.
2:20 AM
Gab: Kahit isang K lang dyan?
2:23 AM
Gab: Promise di ako matatakot.
Gab: Di ako magiisip ng kahit na ano.
Gab: Alam kong nandyan ka.
2:39 AM
Gab: Mahal kita, Charice.
2:45 AM
Gab: At ngayon magkakasama na tayo.
Gab: Nandito na ko. Malapit na.
Gab: Mahal na mahal kita.
2:50 AM
Gab: Kahit nasa kabilang buhay ka na.
Gab: At ngayon, sasamahan na kita.
2:58 AM
Gab: I love you, Charice.
Seen 3:00 AM
Charice: K.
![](https://img.wattpad.com/cover/76417893-288-k26591.jpg)