Wag mo na sanang ipilit pa..

2.4K 48 18
                                    

 

****

(Play the music)

Sana intindihin po ninyo lahat ng sasabihin ko :)

Kamusta kayo?

Kayo ng crush mo?

Kayo ng ex mo na mahal mo pa?

Eh ung puso mo? Kamusta pa kaya?

Topic: CRUSH

Ung iba ata sa inyo sineryoso talaga yung mga past na chapters ng librong ito tungkol sa mga crush nila.

Sinulat ko lang naman iyon, dahil trip lang. Katuwaan lang.

Pano nga ba talaga malalaman kung may feelings din sayo ang isang tao.

Ang gagamitin mo lang naman dyan... PUSO.

Yun lang, pero kung halatang wala naman talaga. Bakit mo pa ipipilit?

Bakit mo pa isisiksik yung sarili mo sa kanya..

Yung mga crush na yan dumadating yan satin kapag kelangan natin ng inspirasyon, para kiligin tayo at para ngumiti tayo.

Pero kung nasasaktan kana, bitiwan mo na lang..

Kasi sa oras na nasasaktan ka na. MAHAL mo na.

Hindi naman kasi porket SWEET din sya sayo. Eh may feelings din sya para sayo.

Masakit malaman ang totoo? Ok lang masaktan kung totoo naman. Ok lang masaktan ng isang bagsakan lang.

Kesa naman unti-unti ka ng nasasaktan sa kasinungalingan at pinapaasa mo parin yung sarili mo sa bagay na hindi naman talaga..

Yeah, i know mahirap mag move-on. Pero kung handa at gusto mo naman talaga, makakaya mo yan.

Wala sa mga taong gusto natin ang problema, kung hindi tayong mga may gusto sa kanila ang may problema.

Wag na nating lokohin pa yung mga sarili natin.

Maaring wala silang feelings satin, pero wag mong pangunahan yung magiging takbo ng buhay mo.

May MAS OKAY na tao para sayo at NAKALAAN para sayo.

WAG KANG MAGMADALI. Lahat ng nag mamadali, nadadapa.

Yun lang naman eh, maniwala ka lang.. wag mong hayaan umikot ang mundo mo sa taong WALANG PAKE sayo.

Sana naintindihan nyo.

Topic: EX MO NA MAHAL MO PA.

Bakit nga ba nag kakaroon kayo ng mga Ex? (Kayo lang NBSB si otor :3)

Bakit ba tinawag na EX? Kasi sila yung mga taong HINDI para sayo.

Dumadaan lang sila sa buhay mo, para turuaan ka ng aral at turuaan ka mag paka tatag.

Dahil kung hindi ka masasaktan, hindi ka pa pwedeng mag mahal.

Mahal mo pa? Nasasaktan ka pa rin?

Alam mo, hindi mo na sya mahal.. na mi-miss mo lang sya.

Bakit ko nasabi?

Kase nasanay ka na nandyan sya lagi sa tabi mo, nasanay ka na na may katext, ka chat ka.

Nasanay ka na sa buong pag katao nya..

Nasasaktan ka pag may bago na sya, may iba na syang gusto or kung ano man.

Feeling mo lang yon..

Kasi dati ikaw lang naman ang gusto nya, nasanay ka na ikaw lang ang mahal nya at nag papatawa sa kanya, at nasanay ka na ikaw lang yung nialalambing nya. Kaya ka ganyan..

Hindi mo na sya mahal kung ganon... na mi-miss mo lang yung dating kayo.

Hindi mo naman maiiwasan yung mga ganyan, natural lang yan dahil nag karoon kayo ng relasyon..

Laging nyong tatandaan, maling ipilit ang bagay na walang pag asa.. dahil may mga taong nasasaktan at handang maging tanga para sa inyo. ♥

> Note: Kung may tanong kayo na gusto nyong masagot. Comment lang :) 

Note: Please read my new story A Twist In Our Fairytale. Thankyou in advance ♥

Bawal yung mga PAMPAM at HINDI OPEN MINDED dito.

Signs na Crush ka ng Crush mo atbp.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon