KB: PINAASA #1

188 3 2
                                    

Dear ate/kuya Exel,


Para akong sinampal ng paulit-ulit tuwing naaalala ko ang ginawa niyang kagaguhan saakin. Sa dinami-dami ng tao sa mundong ito.. Bakit ako pa ang niloko niya? Ang iniwan niya? Ang sinaktan at pinamukha akong tanga?

Nagsimula po kami sa pagkakaibigan. Nameet ko po siya sa school namin. Transferee po siya samantalang ako po ang president ng classroom kaya ako po ang kailangan na magentertain sa kaniya. Siya ang naging kasakasama ko ng mga ilang buwan. 'Elian' ang tawag ng mga classmate ko sakanya pero 'Yanyan' gusto niyang itawag ko. Nagtaka ako ng una ngunit hindi ko na pinansin.

So, ayun na nga.. Hindi siya masyadong malapit sa mga lalaki sa room namin. Hindi siya bading o ano.. Para kasing siya yung tinatawag na 'Gwapong disente' ang dating. Siya narin lagi ang kasama ko sa lunch, sa break, hanggang sa paghatid niya saakin sa bahay paguwian..

Lumipas ang ilang months nang nagiba ang tingin ko sakanya.. Yung mga mata niyang kumikinang pagtinititigan ako imbes na ang kanyang kwaderno.. Ang mga ngiting para lang saakin. Ang atensyon niya na dapat ay nasa math equation na nakasulat sa board pero nasa akin pala. Yung tuwing Calculus ay nakapahinga ang kaniyang siko sa mesa namin at ang nakapilig niyang ulo papunta sa direksyon ko (Opo, seatmate ko rin siya).

Sobrang gulo niya pag minsan wala ako sa room. Minsan nga eh nagsisisigaw siya ng kung ano anong lessons namin nang naabutan ko siya, nahuli niya ako sa pinto ng room nang bigla siyang tumigil at ngumiti ng malaki saakin sabay sabing, "Oh putek..". Tumatawa lang ako at umiiling pero siya nangungulit parin ang paulit-ulit na humihingi ng paumanhin..

Lahat ng nararamdaman ko, lahat ng paru-parong nagwawala tuwing ginagawa niya lahat ng iyon.. Lahat ng abnormal na tibok ng puso.. Lahat ng iyon ay naliwanagan ako ng umabot sa prom namin..

Nahulog na ako sakaniya..

At napalakas ang impact ng pagkahulog ko..



One week before Prom, naalala kong niyaya niya ako sa mga tindahan ng bulaklak. Pinapapili niya pa nga ako kung ano ang mga magagadang bulaklak na gusto ko. Sobrang saya ko no'n.. Yung tipong gusto ko nang gumamit ng time machine at ipunta agad sa prom day. Doon ko narin naisip na..

Nagpaparating ba siya ng mensahe? Na... Parehas kami ng nararamdaman?


I can't wait na magprom na. Sinamahan ko siya sa pagpili ng susuotin niya at gano'n rin ako. Siya ang pumili ng gown ko.


The night before the prom day.. Nagtaka ako habang chinecheck ang program...

Hindi niya naman ako niyaya bilang date niya o ano ano.. Pero isinatabi ko lahat ng iyon.. Basta ang importante ay siya ang first dance ko.. Siya ang kasama ko bukas..



Prom day. Halos hindi gumana ang utak ko sa saya.. Kahit nagkaproblema ang gulong namin papunta sa event ay hindi napahid ang ngiti ko.. Basta isa lang ang alam ko.. Pagdating ko doon ay naroon na si Yanyan dala-dala ang mga bulaklak na paborito ko.. (Ganoon kasi saamin, kaniya-kaniyang transpo paa daw surprise)

Narinig ko na ang malakas na ingay na nanggagaling sa loob. Mas lalong kinabahan ang puso ko nang nakita ko na ang ilang kakilala ko. They greeted and sent some compliments about my face and my white off-shoulder laced gown picked by him. Parang feeling ko tuloy ay ikakasal na ako.. 'This is it' bulong ko sa sarili ko. I put my first step infornt of the door..

but then..

After a millisecond, everything changed.

Everything.



Lahat ng pananaw ko tungkol saaming dalawa. Ang mga rason..

Ang rason kung bakit siya nagsisisigaw tuwing wala ako.. Dahil gusto niya ng atensyon .. Hindi saakin kundi..



Sa kabilang silid kung saan naroon ang Gurong mas maganda kaysa saakin..




Ang rason kung bakit siya nakatitig saakin.. Dahil pinagseselos niya ang gurong iyon..



Ang rason kung bakit niya ako pinapili ng mga bulaklak..



Ang rason kung bakit ako..

Ako ang hinuli niya...


Ang ginamit niya..


Ang rason kung bakit pinili niya ang pinsan kong guro imbes na ako.


Ang sakit palang itapon lang pag hindi ka na kailangan..




Naguguluhan po ba kayo sa istorya ko? Ako rin po kasi eh..


Sana po maipost niyo at maishare ang istorya ko.. Maraming salamat po..





Ressia.








------------------

Sended (date): March 21, 2016
From: Philippines

Ang Libro ng Paasa at PinaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon