Chapter 5
Sister"I want to volunteer at SMHS too!" busangot na saad ni Maggie noong sinabi ko ang ibinigay na gawain sa 'kin ni Mommy.
"Sabihin mo kay Tito doon ka na lang, please? We can exchange task." pagkumbinsi ko.
Mas lalo lang siyang naasar at ganoon din ako. Maggie wants to do volunteer work at SMHS kaya siya naiinis, ako naman ay naiinis dahil ayaw ko ang doon mag volunteer work. Ano naman ang gagawin ko doon?
To think that every other day every week akong pupunta doon para gawin ang kung ano ay hindi ko maimagine.
"Bakit hindi nalang ako doon. Anong gagawin ko sa daycare?!"
Gusto kong matawa naman ngayon sa reaksyon niya. Compared to mine, Maggie's tasked to teach at the daycare center every weekends. Unlike me, Maggie does not like kids. Sabi niya ay evil spawn daw ang mga bata, that they are toxic because they will terrorize you by throwing tantrums then next minute will act lovey dovey and sweet towards you.
Gusto man naming dalawa na magpalit ay wala nang nagawa noong papuntahin na kami ng campaign manager ni Lolo sa kanilang headquarters para ibigay ang mga materials.
"May mag-aassist naman sa 'yo sa center, Maggie. Nasabihan na rin naman 'yon. Tapos sa 'yo Ramon, nasabihan na rin ang principal. Ineexpect ka na niya sa Friday." sabi niya at binibigay ang ilang list of tasks yata na gagawin namin.
All of us are given tasks. Si Maggie ay sa daycare, ako ay sa SMHS, sila Leo at Trevor ay naghehelp out dito sa headquarters. Sancho and Leucio are with Lolo attending meetings. Si Niana lang iyong walang ginagawang work dahil na rin ayaw nila Tito at Tita na maexposed dahil nga sa kanyang asthma.
Come Friday ay gusto ko nang magback-out but Maggie's stopping me telling me how bad she wanted to be in my position. Marami kasi siyang kilala sa SMHS kaya niya gusto rin na doon magvolunteer work. Unlike me, she's a social butterfly na maraming kilala kahit na saan.
"Text me updates!" she said as she drops me off the SMHS campus. Sa sobrang supportive niya ay inihatid pa nga ako.
I sighed and waved goodbye. Mas lalo akong kinabahan nang umalis na ang sasakyan nila Maggie at naiwanan akong mag-isa sa may school gate.
Okay, here comes nothing.
Kinakabahan man ay naglakad na ako papunta sa may entrance. A guard wearing his uniform stopped me before I could even went inside. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at medyo naguluhan. Siguro ay naiisip na anong ginagawa ng isang St. Augustine student sa kanilang school.
"Uh.. May letter po ako." sabi ko, nilalahad ang letter na bigay sa 'kin ng campaign manager ni Lolo. May pirma ito ni Lolo at ng kanilang school principal.
Kinuha niya iyon mula sa kamay ko at binasa. Nakita ko pa kung paano siya nagulat noong makita ang pirma sa ibaba. Tinupi niya iyon at binalik sa 'kin bago niya niluwagan ang pagkakabukas ng gate.
"Tuloy kayo, Ma'am. Welcome po sa SMHS." ngumiti siya.
Ngumiti ako pabalik at tumuloy na papasok.
Dahil maaga pa naman ay tingin ko hindi pa nila uwian kaya walang mga estudyante sa baba. Medyo nawala ang kaba ko habang naglalakad papunta sa main building nila. Sabi kasi sa 'kin ay doon ako dumiretso para kuhanin ang gate pass ko para makakapasok ako every time at hindi na kwestyunin ng guard.
Medyo namangha pa ako habang nag-iikot at hinahanap ang main building. Akala ko ay maliit lang ang kanilang campus, sa labas kasi ay hindi naman kita ang buong lugar, pero pagkapasok mo ay doon mo makikita.
They have wide field too, hindi lang nga kasing lawak ng sa St. Augustine but it's still spacious enough na kasya ang football field. There were four buildings inside the campus. Papunta ako doon sa nasa gitna na tingin ko ay ang kanilang main.
I was quietly walking towards the main building when the bell rang. Agad akong kinabahan lalo na noong makakita ako ng mga estudyante na naglalabasan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta at halos takbuhin ko ang main building pero ang ginawa ko nalang ay gumilid ako ng daan at naglakad.
I was biting my lips while feeling the stares of the students at me. They were probably wondering why I was in their campus, for sure. Nginitian ko na lang ang iba at mas binilisan ang lakad ko.
Luckily, I found the office. Nasa first floor lang ng main building at mukhang inaasahan naman ang pagdating ko dahil may nag-iintay na sa 'kin doon agad.
"Magandang Hapon, Miss Villegas." bati noong babae sa 'kin. "I'm Miss Lopez. And.... Here's your gate pass." ngumiti siya.
Inabot ko nga ang gate pass at tinignan. It was made of plastic, parang ID iyon na may nakalagay lang sa harapan na 'Visitor'.
"You are required to wear it all the time while you're inside the campus." she said. "Iyong books pala, nadeliver na rin kanina. It was already in the library."
Tumango ako.
Marami pa siyang sinabi na sinusundan at inaalala ko lang. After the reminders ay inaya niya naman ako na lumabas para i-tour ng kaunti sa campus. Tinuro niya ang office ng Principal, the comfort rooms, tapos ay ang Library na nasa main building lang din naman pala.
"We're really thankful to your grandfather. He's been genuinely supporting us." sabi ni Miss Lopez. "Actually, iyong isa sa mga building dito ay donation niya. It was completed this year, pasasalamat niya raw dahil kay Romino."
Kinagat ko agad ang labi ko nang mabanggit ang pangalan ni Kuya.
"Romino's not the easiest, kaya siguro nagbigay si Mayor..."
I didn't ask more details. Kilala ko naman si Kuya, but I didn't know that he was 'that' famous here. Hindi ko nga alam ano ba ang mga pinaggagawa niya sa school. I just know that he caused a lot of troubles, but I didn't dig much of what troubles those are.
"And here is the Library." sabi niya habang pumapasok kami sa isang kwarto na mukhang renovated dahil compared to the interior outside, mas mukhang bago ang pintura dito.
"Newly renovated din ito. Was only completed last year." biglang sabi niya. "Mayor Villegas also funded the renovation after Romino accidentally set the room on fire way back his last year here."
Wait.. What?
Sa sobrang gulat ko sa mga nalalaman ko ay hindi na ako nakapagreact. Ang tanging nararamdaman ko na lang ay ang kaba dahil sa mga nalalaman ko.
If Kuya is like that, I wonder kung anong klaseng mga estudyante pa ang nandito. Siguro naman ay wala nang kapantay ni Kuya? Or are there students here that are worse than he is?
"Here are the boxes.." sabi ni Miss Lopez, humihinto sa tapat ng mga boxes nga na may mga sulat na hindi ko mabasa masyado kung ano ang nakalagay.
"What days are you here? Para masabihan ko rin ang Librarian na nandito ng ganoong araw." Ngumiti siya at may inilabas na notebook. She wrote something there then looked at me again. "Hindi ko pala nakuha ang full name mo, isusulat ko na lang din para sa records."
Pilit akong ngumiti, hindi sigurado kung sasabihin ko ba ang pangalan ko. I thought it was already given when they were informed that I'm coming?
Nagdadalawang isip man ay sinabi ko na ang buo kong pangalan.
"Ramona Klair Villegas."
I watched and saw a glimpse of surprise immediately crossed her face. Mabilis din iyong nawala.
Alam ko. Alam ko kung bakit.
"You are Romino's.. sister?"
Kinagat ko ang labi ko at tumango.
BINABASA MO ANG
You Make My Dreams
RomanceRamona's life was all easy. Para sa kanya, ang tanging hamon lang ng buhay ay ang aplido na mayroon siya. She's thankful, yes. But sometimes she can't handle the pressure that comes with the surname she's carrying. Iba ang pananaw na mayroon siya ku...