Dedicated for @Daisuki_21
Here na, Aiden. Enjoy ♥♥
--
JOAQUIN
Ako nga pala si Joaquin Lucas Reyes. Syempre, gwapo ako. Matangkad, mabango, famous... pero sabi ng ibang babae, snob ako.
Bakit ba? Eh, sa ayaw ko silang pansinin eh. Ano? Kung kakausapin nila ako, dapat kakausapin ko rin sila? Sus. Hindi kami close nuh! Masyado silang feeling close!
"Joaquin!" Tawag sakin ni Raine.
"Oh?" Irita kong sabi. Bakit niya ba kasi ako tinatawag? Hindi ba obvious na busy ako sa paggawa ng assignment? Psh.
"What's with the face, huh?" Tanong niya then she pinched my nose.
"Argh! Raine, tell me what you want!" Irita kong sabi at inilayo yung kamay niya sa ilong niya. Nanganganib ang matangos kong ilong XD
Nagpamewang siya sa harap ko. "Okay. Pinapapunta ka kasi ni Nash sa cafeteria. Sabay na daw kayong mag-lunch." Sabi niya.
I sighed. Yun lang naman pala ang pinunta dito eh. Kung nag-straight to the point siya kanina? Edi sana wala na kami dito ngayon. Mga babae nga naman -_-
Tumayo ako at inayos yung uniform ko. "Ge, dyan ka na." Walang gana kong sabi sa kanya at lumabas para puntahan yung apat.
Habang naglalakad ako, nilagay ko yung dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pants ko. Para cool ang dating ko! XD
Pero papalapit na ako sa pintuan ng cafeteria nang biglang may bumangga sakin.
Tinignan ko siya para sana humingi ng "sorry" sakin. Ganun din siya. Tumingin siya sakin ngunit bigla niyang iniwas yung mga mata niya at naglakad paalis.
What the hell?
Anong problema ng babaeng yun?
Pipi ba siya? Ni hindi man lang humingi ng sorry! Tss. Mga babae nga naman -_-
Pumunta na ako sa table nina Nash. Uy! Himala! Makakasama namin sa table sina AC at yung kaibigan niyang si Janna na hindi pa rin nagsasalita pagkatapos ng nangyaring confession.
"Hi Joaquin!" Bati sakin ni AC.
God! She's so pretty. Lalo na kapag nakangiti! Ang kinis-kinis ng mukha niya at bagay sa kanya yung mahaba-haba niyang buhok!
Pero kay Brace yan eh. Baka patayin ako ni Brace. Hahaha.
Tumango lang ako. Diba nga, wala ako sa mood nang dahil dun sa babae kanina? Psh.
Umupo ako sa tabi ni John. "Dude, bad mood ka ata?" Bulong na tanong sakin ni John.
"Wala 'to, bro. 'Wag mo na lang ako pansinin." Sabi ko. Ang babaw naman kasi ng magiging dahilan ko kung sasabihin ko sa kanila yung totoong dahilan kung bakit ako bad mood.
"Oh, ikain mo na lang yan. Gutom lang yan!"
"Siguro nga." Natawa ako tapos kinain ko na yung fries na bigay niya.
Nag-usap-usap sila. Oh! Mukhang may namumuong HEART kina Brace at AC ah. Pansin ko lang na parati silang magkasama at nag-uusap.
Destined? Argh. So gay.
Habang nag-uusap sila, biglang may sumulpot na babae.
Nagtama pa nga yung tingin namin eh. At muntik na 'kong mabilaukan nang makita kung sino yung babaeng sumulpot.
Teka nga, teka nga. Eh, bakit parang ako itong guilty? Ako ba yung nakabangga tapos hindi man lang magso-sorry? Aba! Hindi ako yun nuh!
Anong kayang problema ng babaeng 'to? Wala man lang emosyon yung mukha. Tapos naka-eyeglasses pa. Maganda na sana. Pero hindi marunong mag-sorry eh. Nevermind na lang.
"Uhh... AC, tawag ka ni Mrs. Ramirez. Pinapapunta ka sa room niya."
Oh! Hindi siya pipi! Hindi lang talaga siya marunong mag-sorry! Wow. Just wow.
Pinunasan ni AC yung gilid ng labi niya gamit ang tissue. "Samahan mo naman ako, Angelique. Ayokong mag-isa eh." Nahihiya pang sabi ni AC.
"Okay." Tipid niyang sagot.
Uminom ako ng coke habang naniningkit ang mga matang tumitingin dun sa babae. Ay, Angelique pala yung name. Hindi bagay sa kanya :P
"Guys, alis na muna ako ah." Paalam ni AC habang kinukuha na yung mga gamit niya.
"Okay." Sagot namin. Nakita ko namang napasimangot si Brace. Boom! Napaghahalataan na talaga ang lokong 'to. Hahaha!
Nakatingin pa rin ako dun kay Angelique. Tapos bigla siyang napatingin sakin sabay...
BINELATAN AKO!
Aba't--! Sumusobra na 'tong babaeng 'to ah! Ano ba kasing problema niya sakin? Gwapo lang ako! Isama na rin ang pagka-cool ko..
"Huy, ayos ka lang?" Tanong ni Brace.
"Huh? Oo nuh." Tapos tumingin ako ng masama dun sa likod nung Angelique. Hmp! Madapa ka sana.
"Sus. Hindi ka okay eh! Ano yan ah? Inlove?" Tanong niya.
Nag-act naman ako na nasusuka. "Huuuh? Hindi nuh!"
What the hell? Ako? Inlove sa babaeng yun? Hindi nuh! HINDING-HINDI.
Pero teka nga, may sinabi bang pangalan si Brace? Wala naman, diba?
*face palm*
Patay tayo neto.
--
Bitin.com
Sensya po. Antooook na antooook na talaga ako! And mamaya kailangan ko pang gumising para gawin yung mga assignments namin.😭😭
Sige, share ko lang. Pake niyo ba? Hahaha.
To @LAngelicatBraceQuin , Don't worry! Tuloy ang love story mo. I feel you talaga. Hanggang story lang talaga tayo..*sigh*
Okay! Do vote and comment :)
Also, be a fan.Please follow me on my twitter account @jhelachan
Okay! Thanks.
Aishiteru♥
—Jhelaii♡
BINABASA MO ANG
ULTIMATE CRUSH
FanfictionThis is the Book 3 of Aking Prinsesa. Starring Gimme 5 and Andree Camille Bonifacio.