Chapter 6 ~ Starry Night

87 5 3
                                    

Chapter 6 ~ Starry Night

Dara, I like you.”                                   

Nakatayo lang ako na parang estatwa.

Feeling ko parang tumigil ang buong mundo, tumahimik ang palagid at nawala ang mga tao. Nakikita ko lang ang mukha ni Kiel, tanging siya lang, at naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Nakakarindi ang pagtibok na naririnig ko. Ang lakas-lakas talaga, feeling ko sasabog na ‘yung puso ko sa dami nang na-pump na dugo sa pagtibok.

Hindi ko alam ang gagawin ko at kung anong sasabihin ko. He caught me off guard, I wasn’t ready. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita kong inabutan niya ako ng flower. Rose, isang napakagandang bulaklak. Kinuha ko ito ngunit hindi pa rin ako nagsasalita.

“…”

“Dara, okay ka lang?” tanong n Kiel sakin.

“A – ”

“Ayaw mo ba sakin?” tanong ulit niya at sumimangot siya.

“H-hindi sa gan’on.” Sa wakas nakapagsalita na rin ako.

“Eh ano?”

“Parehas lang tayo Kiel” sabi ko ng mahina kaso biglang sumabay ‘yung bell ng school at nagsigawan ang mga kaklase ko dahil uwian na.

“Wooh, uwian na!”

“Yes, kalayaan!”

“Tara na’t umuwi!”

Biglang nagkagulo ulit ‘yung room namin.

“Anong sabi mo?” tanong ni Kiel sakin.

“Ah-eh. Wala-wala.”

“May sinabi ka eh, hindi ko narinig kasi ang iingay ng mga kaklase natin. Ano nga ‘yon?”

Sasagot na sana ako kaso may humila sa akin. Teka, hindi ito hila, kinakaldkad niya ako. Sinong – teka! Raine? Oo nga si Raine. Anong ginagawa niya rito at paano siya nakapasok sa school at room namin?

Tumigil kami sa may tapat ng Science Lab na medyo malapit sa room namin.

“Hi Apryl!” bati niya sakin.

“Baliw ka Raine, bakit ka nanghihila?” sagot ko.

“Because I’m curios and I want to hear the news.” Sagot niya na medyo tsismosa ang dating.

“News?”

“Yeah. Tell me, kayo na ba ni Kiel?”

“Ha? Hindi ah. Ni hindi nga nanliligaw ‘yun eh.”

“What? I heard a while ago na haharanahin ka raw niya. Nasa canteen ako kanina and I heard him talking to Nicole. I thought na sinagot mo na siya.” Baliw din talaga ‘tong babaeng ‘to eh, hinarana lang sinagot na agad.

“Actually, hindi nga ako nakaresponse sa kanya or nakapagsabi man lang ng salamat.”

“WHAT?” ang OA naman nitong si Raine.

“Oo.”

“Don’t tell me na basted ang pinsan ko. Oh no, poor Kiel.” Sabi niya na parang nango-ngonsensya

“Sira, hindi ako nakapagresponse sa kanya kasi hinili mo ako.”

“Me?”

“Yes, hinila mo kaya ako. May sasabihin pa nga ako dapat sa kanya eh.”

“Oh, I’m sorry. I think I’m the one who ruined Kiel’s efforts.”

“’Wag mo na intindihin ‘yun. By the way, bakit nandito ka?”

I Will Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon