Let him/her go.
Masaya ka na? Narealize mo na ba ang happiness mo ay hindi nakadepende sakanya? Now let him/her go.
Sa Step 1 sinabi ko na okay lang magalit or isumpa siya yes oo okay lang yun dahil kakagaling niyo lang sa break up at fresh pa yung sugat sa heart mo ngayon learn to let go lahat ng sakit, galit o love na nararamdaman mo sakanya.
Kung nasaktan ka niya talaga sobra pagaralan mo patawarin siya kasi kahit anong gawin mo nasaktan ka na niya tapos na yun eh. Kahit magalit ka for life hindi na nun maibabalik yung dati na kung saan hindi ka pa niya nasasaktan. Patawarin mo siya hindi para sakanya kundi para sa sarili mo.
Ang pagmomove on kasi ito yung pagsisimula ulit. Yung parang pagrerefresh ng puso mo. Pano ka makakapagsimula ulit kung may baon kang galit o hinanakit diyan sa puso mo? Pakawalan mo na lahat ng nararamdaman mo para sakanya galit man yan o pagmamahal.
Masarap magsimula ulit pag wala ka ng baon galing sa past mo. Yung tipong pag nakasalubong mo siya wala ka ng nararamdaman na kahit ano yung kaya mo na siyang ngitian ng walang halong kaplastikan kasi nalet go mo na lahat ng nararamdaman mo para sakanya.
Uulitin ko hindi to madali. Walang nagmahal ng totoo ang nakalimot ng instant lang. Ang paglelet go hindi naman yan yung bago ka matulog nagdecide ka na maglelet go ka na sa feelings mo para sakanya tapos kinabukasan wala ka na agad nararamdaman na kahit ano. Hindi ganun yun. Again it's a process. It takes time. Gasgas nga sa tuhod hindi agad gumagaling sugat pa kaya sa puso. Wag ka magmadali walang humahabol sayo. Wag ka mafrustrate kung di mo pa siya malet go kasi dadating at dadating yung araw na mapapagod ka na magalit sakanya, mapapagod ka na mahalin siya at ikaw na mismo ang kusang maglelet go.
Walang paglelet go na madali pero pag nagawa mo to mas gagaan ang pakiramdam mo at mas magiging better ka as a person.
BINABASA MO ANG
Move On
Nouvelles2 words 6 letters. Hardest thing to do. Ps: Ito ay sarili ko lang opinyon at galing lang sa utak ko at sa sarili kong experience :)