Chapter 4 --- A Good Night Sleep

433 8 11
                                    

▬ BJ's POV

Ano kayang problema nitong si Trix at nung nakita si Darrel eh daig pa nakakita ng mumu! Magkakilala ba sila? 

"You're Trixie, right?" tanong ni Darrel sa kapatid ko.

Aba! Magkakilala nga sila!

"Yes sir. Ah..eh..h-hello po." sagot naman ni Trix with matching sweet smile and beautiful eyes pa!

Parang may iba akong pakiramdam ah... -_____- Pero teka, anong sabi niya? Anong tawag niya kay Darrel?

"Sir???" confused na tanong ko.

"She's my student." sagot naman ni Darrel sakin.

Oo nga pala! Sa PUP nga pala nagtuturo si Darrel kung saan din nag-aaral itong kapatid ko. KALIDAD talaga ang education sa PUP kaya naman kahit kulang ang facilities eh doon piniling mag-aral ni Trix. Doon din ako graduate ng Journalism. Pagkatapos naman nun inaya ako ng kaibigan ko na mag-MA ng Creative Writing sa La Salle. I liked the idea kaya tumuloy na rin ako.  

Magagaling ang mga professors sa PUP at talagang expert na sa mga subjects na tinuturo nila. Gaya na nga lang nitong si Darrel. Siya yung pinakamahusay samin noon sa klase.

"Wow! Astig pala eh! Haha! Pare, pag may napapansin kang kalokohang ginagawa nitong kapatid ko, sabihin mo kaagad sakin! Hahaha!" sabi ko kay Darrel.

"Kuya naman eh!" pagpoprotesta ni Trix.

"Saka kapag may lalaki ring umaaligid sa batang to sabihin mo rin sakin, Pare! Hahaha!" dagdag ko pa. Trip kong asarin ang kapatid ko ngayon!

Si Darrel naman natatawa lang sa mga sinasabi ko, at siguro sa mga reaksyon na rin ni Trix.

"Magtigil ka nga diyan Kuya BJ! Lulublob na kita sa timba kapag di ka pa naglubay!!! Never akong gumawa ng kahit anong kalokohan no!!" asar na asar na sabi ni Trix sakin.

"Aba! Malay ko ba kung magaling ka lang magtago! Haha!" pang-aasar ko pa rin sa kanya.

"KUYA!!!" sigaw niya.

Hahahaha! Ang sarap talagang asarin nitong batang to. Pikon. Haha. Pero kahit pikon siya, good girl naman siya. Oo. Wala siyang ginawang history ng kalokohan. Akalain mo? 19 years old na siya pero di pa rin siya umiinom ng kahit anong alak! Nakikiparty siya pero di talaga siya umiinom. At kahit pa lahat ng taong kasama niya eh umiinom, hindi pa rin siya iinom.

Wala rin siyang boyfriend ever since. Tomboy kaya itong kapatid ko? Haha! Biro lang. ^________^

▬ TRIXIE'S POV

>.<

Eeehhh!!! Si kuya naman! Kung ano-ano sinasabi! Ito namang si Sir Darrel tawa lang ng tawa! Tsk!

"Sige pare, doon na tayo sa kanila. Iwan na nating tong bubwit dito. Basta ah... yung bilin ko...Hahaha!" patuloy na pang-aasar ni kuya sa akin.

"Asahan mo, Pare." matawa-tawang namang sabi ni Sir Darrel kay kuya.

Nakahanap ng kakampi sa pang-aasar sakin itong si kuya!!! Aarrrgghhh!!! Paguntugin ko kaya kayong dalawa?!! Tsk!

*Calling...

Trish

♫ I don't think that passenger seat

Has ever looked this good to me

He tells me about his night

And I count the colors in his eyes ♫

I answered.

I Don't Wanna Fall In LoveWhere stories live. Discover now