Diary ng Sawi (Short Story)

1.2K 23 8
                                    

Naisip ko lang ang short story na ito dahil sa isa kong kaklase (hindi ko naman ka-close) na palagi kong napapansin ang pagpapalit ng relationship status sa Facebook. Sobrang dalas kasi. Nairita lang ako kaya sinulat ko ang na-imagine kong nangyayaring dahilan ng nasabing gawain. HAHAHAHA :))

Gusto ko sanang tawagin ang phenomenon na ito na JEJELOVE pero 'wag nalang, Baka sumikat pa, TARUSH LANGGGGGGG!!!

--

October 21, 2011.

Dear Diary,

                Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Kung bakit naisipan kong kausapin ang isang lintik na papel.  Siguro dahil ikaw lang ang pwedeng mapagbuhusan ko ng lahat ng nararamdaman ko ngayon nang hindi ako pagsasabihan. Ang tanga ko rin naman kasi. Binalaan na ako ng mga kaibigan ko pero hindi ako nakinig. Sayo ako ngayon nagkukwento dahil ayokong marinig ang mga salitang, “I told you so.” mula sa kanila.

Diary, bakit ang sakit?

                Akala ko siya na talaga. Akala ko kami na hanggang sa huli...

October 22, 2011.

Dear Diary,

                “I told you so.” Sinubukan ko mang iwasan, hindi parin ako nakatakas sa sermon ng mga kaibigan ko. Paano ko nga ba maililihim kung binalik ko sa ‘Single’ ang relationship status ko sa Facebook. Tama ba ang ginagawa nila, Diary? Ako na nga ang nasaktan, ako pa ang mukhang mali. Sabihin mo nga Diary, masama na ba ang magmahal?

November 3, 2011.

Dear Diary,

                Long time no write. Recap lang. Nagkita ulit kami. Pero dinaanan lang niya ako na parang kinalimutan na niya ang lahat. Ugh, napakasakit pala talaga. Parang matapos lamutakin ng puso ko, binalibag iyon sa sahig at tinapaktapakan. Iyong taong minsan na itinuring mong mundo mo, ay wala na sa buhay mo ngayon. Siya ang forever ko, eh. Siya lang at wala nang iba. Mahal na mahal ko parin siya. Ano ba ‘yan, basa ka na ng luha, Diary. Pasensya na, ah. Naglalamay kasi ang puso ko mula nang mawala siya.

November 7, 2011.

Dear Diary,

                I feel so inlove again!!! Hay naku, Diary! Alam mo ba may nakabanggaan akong gwapong lalaki kanina! Alam mo ‘yung feeling na parang tumigil sa pag-inog ang mundo mo tapos parang nawala na ang lahat ng tao sa background? Para bang kayo nalang ang tao sa mundo? Basta ganoon!

                Nang tinulungan niya akong tumayo, napatingin ako sa mata niya. Naramdaman ko, ito na talaga iyon. Ang tunay na forever. Nakikita ko na magiging kami, tapos sabay kaming magtatrabaho, mag-iipon, magpapakasal, at titira sa isang malaking bahay kasama ang mga aso at dalawa naming anak. Alam mo ba ‘yun? Nakakakilig! Siguro siya na talaga.

                Nang sinabi ko sa mga kaibigan ko ang nangyari, umikot lang ang mga mata nila at sabay-sabay nagsabi ng, “Not again.” Sabi nila, ang bilis ko daw ma-inlove. Bakit ba hindi nila ako suportahan? Bakit hindi nila ako maintindihan? Masama ba ang magmahal? Sabi nila, baka hindi naman talaga ako inlove, kundi isang babae lang na inlove sa love. Pero hindi, eh.

Hindi ba kapag mahal mo, dapat mong ipaglaban? Ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin ng lalaking nakabanggan ko kanina. Dahil alam kong kami ang para sa isa’t isa! Mahal ko siya.

.

.

.

November 15, 2011.

Dear Diary,

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito. Kung bakit naisipan kong kausapin ang isang lintik na papel.  Siguro dahil ikaw lang ang pwedeng mapagbuhusan ko ng lahat ng nararamdaman ko ngayon nang hindi ako pagsasabihan. Ang tanga ko rin naman kasi. Binalaan na ako ng mga kaibigan ko pero hindi ako nakinig. Sayo ako ngayon nagkukwento dahil ayokong marinig ang mga salitang, “I told you so.” mula sa kanila.

Diary, bakit ang sakit?

                Akala ko siya na talaga. Akala ko kami na hanggang sa huli...

Diary ng Sawi (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon