Magkasama tayo ng araw. Magkahawak ang mga kamay habang naglalakad sa parke na iyon. "Pumunta ka pa talaga sa kuwarto namin ah para sunduin ako", ani ko.
"Nagulat ka ba, pasensya ka na ah mahilig ako sa surprise", sabi niya.
Kung saan-saan kami pumunta ni Irvin ng araw na iyon. Namasyal sa park, nanuod ng sine,naglaro ng arcade, kumain, at pumunta sa star city.
Kung panaginip man ito ay ayaw ko ng magising... Titig na titig ako sa mga mata niya habang magkahawak ang mga kamay namin.
"Mahal kita Zoe, mahal na mahal wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Basta tandaan mo mahal na mahal kita" -irvinTotoo ba ito nagcconfess sa akin si irvin?? O___O
Si irvin na ubod na suplado, si irvin na masungit, si irvin na laging mainit ang ulo, si irvin na perfectionist sa isang kagaya ko na isa lamang tagapagsilbi sa mansyon kung saan siya nakatira.
Si irvin na sa kabila ng lahat na iyon ay minahal ko."m-mahal din kita irvin" -zoe
Nakapikit ang kanyang mga mata habang lumalapit siya sa akin.
Magkikiss kami?
Magkikiss kami ni irvin habang nandito kami sa pinakatuktok ng ferris wheel at nagkaroon pa ng fire works.Natikman ko na ang inaasam-asam kong first kiss, napakasarap sa damadamin. Ngunit may biglang tumawag sa pangalan ko at boses ni irvin yun. Unti-unti akong nahilo at ilang sandali ay nawalan ako ng ulirat...
"Hoy! Babae! Tumayo ka dyan! Huwag kang matulog dyan sa kama ko!" -Irvin
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at si irvin ang nakita ko.
"hi irvin, hi mahal ko" -Zoe
"Hoy! Wala ka na sa panaginip bumangon ka na diyan! Wala kang kwentang tagalinis natutulog sa oras ng pagtatrabaho!" -irvin
Bumangon ako kaagad at lumuhod sa harap ni irvin.
Kung ganun panaginip lang pala ang lahat..."patawarin niyo po ako sir irvin, na nakatulog po ako sa inyong kama. Pasensya na po kayo. Huwag niyo lang po ako paaalisin"
Mahigpit si sir irvin maaari nya akong paalisihin kaagad. Nakayuko ako ng mga oras na iyon
at unti-unting tumulo ang mga luha ko..
"Bakit sino ba may sabing nakatulog ka sa kama ko" -irvin
Napaangat ang ulo ko at napatingin ako sa kanya na nakaupo sa ka kama
"p-po?" -zoe
"hindi mo gets ang sabi ko di ka nakatulog sa kama ko. Nakita kita dyan sa sahig malapit sa bintana nakahandusay ka kaya nilipat kita muna sa kama" -irvin
Tama nga nahulog ako sa upuan kasi na out of balance ako hbng nagpapalit ng kurtina ng bintana ng kuwarto niya.
"ginising kita kasi parang okay ka naman at tila nananaginip ka" -irvin
Tumayo ako at nagpasalamat kay sir irvin at nilisan ang kuwartong iyon. Buti at hindi nya ako papaalisin. Maraming Salamat
(irvin P.O.V)
Para siyang prinsesa na nakadamit katulong lang habang nakahiga siya sa sahig. Kaya naman nilipat ko siya sa kama. Ang ganda ni zoe. Ang ganda niya ay tila fan art ni Hera na makikita sa internet. Matagal na akong may gusto kay zoe, pero pinipigilan ko. Ayokong mabigo. Aalis na sana ako ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko at sinabing mahal ako. Hindi ko napigilan ngumiti.
Ansaya ko ng mga oras na iyon.
Kaya hindi ko napigilan na halikan siya sa kanyang mga labi.Mahal ko ang babaeng to dati na. Simula nang sya ay dumating dito.
Kinabukasan ay nagkasalubong kami ni zoe sa garden.
Kalma ka lang muna irvin. Sa susunod siya na ang magiging reyna sa buhay mo. Hindi lang sa panaginip kungdi sa tunay na buhay. :)
PS: Wala akong maisip sana magustuhan niyo. Comment po kayo ah ^_^
Thank you po :)