Chapter 12: Accusations and Separation
Maagang nagpunta si D.O sa tagpuan nila ni Nana kinabukasan. May ibibigay daw kasi ito sa kaniya. Alam niyang ngayon ang monthsary nila, pero dahil nga ayaw ng girlfriend niya ng mga surprises ay hindi na sila nag-eeffort na magcelebrate. Isa pa, naniniwala rin naman kasi siya na hindi batayan ang panahon na magkasama kayo kung gaano niyo kamahal ang isa't isa.
Matiyaga siyang nakaupo sa isang table na nakapwesto sa labas ng coffee shop. Hindi muna siya umorder at sinabihan ang waiter na may hinihintay siya. Mabuti nalang at hindi gaanong malakas ang bagsak ng snow ngayon kaya hindi pa napupuno ang umbrella na nagpoprotekta sa table niya.
Pagkatapos ng sampung minuto ay dumating rin ng coffee shop si Nana kasama ang isang bodyguard, na agad namang lumayo ng konting distansya sa kanila. Agad siyang nilapitan ni Nana at naupo kaharap niya. "Bakit hindi ka pa umuorder?"
Ngumiti siya. "Hinihintay kasi kita." Nagtawag na rin siya ng waiter at umorder ng black coffee para sa kaniya at cappuccino kay Nana. Tumanggi kasi ito sa pag-order ng cake.
"Oo nga pala, may ibibigay ako sayo," sabi niya noong dumating ang order nila. Nilabas niya mula sa bulsa ng pantalon ang isang kulay black na maliit na box.
Tumaas ang kilay ni Nana dahil sa hawak niya ngayon. Binuksan naman ni D.O ang box at tumambad sa kanila ang isang white gold na kwintas. Ang pendant nito ay heart-shaped na may eighth note sa gitna. Ang heart ay white gold, samantalang may maliliit na diamond naman ang eighth note.
"Ano 'to?" tanong nito ng may pagtataka.
"Pambawing regalo. Ilang buwan na rin kasi tayong hindi nagcecelebrate."
"Bakit ganyan ang design?" usisa pa nito.
"Eighth note kasi mukhang D, as in D.O. Nasa loob ng heart yung D... so..."
Nabigla siya noong kumunot ang noo nito. "How dare you, Kyungsoo?"
"Huh?"
Pero inulit lang nito ang tanong sa kaniya. "How dare you?"
Nagtaka siya sa inaasal nito ngayon. "May nagawa ba akong masama?"
"Oo."
"Ano yun? Binigyan lang naman kita ng kwintas," lito parin niyang pahayag.
Nagcrossed arms ito. "Yun na nga. Nilamangan mo yung supposed-to-be-gift ko sayo."
Napangiti siya. Yun lang naman pala, eh. Akala ko kung ano na. "Isusuot ko na muna sayo yung kwintas, okay? Mamaya mo na lang ibigay yung gift mo." Tumayo siya at lumapit kay Nana. Pumwesto siya sa likod nito at saka in-unlock ang kwintas bago ito isuot kay Nana. Bumalik siya sa upuan ng nakangiti pagkatapos. "Happy monthsary, Nana."
Yumuko si Nana upang tignan ang pendant at hinawakan ito. "Salamat, pero hindi parin kita mapapatawad sa paglamang sa gift ko."
"Sige. Gumanti ka nalang kung gusto mo," nangingiting sagot niya.
BINABASA MO ANG
Coveted (EfEP #2)
Mystery / ThrillerNew life, new job, new duties. Adjusting to new responsibilities may be easy but the cloaked figure is back and he ensures them that life won't be easy with him added in the picture. Love over friendship and family? Yeah, these things can be messy...