57th Chapter

145 14 8
                                    

•••••

[Pryztel]

Binalik na nila ako sa kwarto ko. Pagod na pagod ang katawan ko sa mga nangyayari.

Nakahiga lang ako sa kama pero nakadilat naman ang matang kanina pa namamaga. Hinayaan na muna nila akong mapag-isa.

Hawak ko pa rin ang phone nya. Tiningnan ko yun ulit. Yung wallpaper nya,nakanganga ako. Nakakainis ka talaga Zic. Umalis ka kaagad ng di man lang ako nakapagpaalam.

Binuksan ko ang lockscreen, wala kasing password ang phone nya.

Napatingin ako sa mga applications. Pinindot ko ang gallery. Puro selfie nya lang ang laman.

Isa-isa kong tiningnan lahat ng pictures nya. Naaalala ko na naman ang lahat ng to. Namimiss kita Zic. Hinaplos ko ang mukha nya sa screen.

Nag-open ako ng panibagong folder.Isang heart sign ang pangalan nun.

May 229 photos sa folder na yun. Ang dami naman. Pinindot ko ang unang picture. Nagulat ako nang picture ko pala yun nung unang date namin. Yung sobrang pula ng pisngi ko at may hawak pang natutunaw na ice cream sa kamay ko.

Nagscroll pa ako ng nagscroll.Puro stolen shots ko lang naman lahat.Napangiti ako. May picture pa ako nung unang kain ko ng street food. Saka habang nakatambay lang ako sa rooftop. Pati nung habang naghahanda kami sa foundation day.

At ang di katanggap-tanggap ay yung nakanganga ako habang natutulog. Trip na trip nya ba talaga ako?Pati sa pagtulog ko nakabantay pa sya.

Biglang may nag-appear na message sa ibabaw ng phone. Binasa ko,isang facebook notification.

"Sakuragi Fujishima and 157 others commented on your video"

T-Teka,ibig sabihin--

Hinanap ko ang facebook app nya. Pagkabukas ko tama nga ako,nakalog-in ang account nya.

955 Friend Request
68 Messages
179 Notifications

Grabe pano nya nahahandle ang ganito?Inopen ko lahat ng notifications. Flooded ng likes at comment.

Pero yung pinakauna ang naisipan kong buksan. Isang video. Kusa itong nagload at nagplay. Grabe tumibok ng napakalas ang puso ko nang makita ko sya sa video. Sya lang mag-isa at nakaupo lang sa kama nya.

Uploaded 1 hour ago.

"Hello sa inyong lahat. Alam kong naghihintay na kayo ng kasunod na pangyayari sa amin nung babaeng mahal ko. Alam nyo kasi,medyo nalulungkot ako ngayon kasi kailangan naming magkahiwalay pansamantala. Sadly,pinauwi na ako sa amin at di ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya. Isang yakap lang ang naging pamamaalam ko sa kanya. Ngayon,kung makikita nya man to,gusto ko lang mag-sorry ulit. Namimiss na talaga kita. Hon ewan ko kung pwede pa kitang tawagin nun basta gusto ko pa eh. Honey ko,Im sorry for making you cry. For making you believe in all the lies. Pero Hon,lahat ng yun totoo para sakin. Totoong mahal kita,totoong may nararamdaman ako para sayo. But I left because I gave space to the both of us to settle things up. Im always hoping na sana kahit ganito katragic ang nangyari sa atin, one day magkikita ulit tayo,at sana sa panahong yun ready ka ng buksan ulit ang puso mo sakin kasi ikaw,simula't sapul ang laman ng puso ko. Hindi ka kilala ng audience ko pero ngayon gusto kong isigaw sa buong mundo na ang babaeng mahal na mahal ko ay ikaw lang, Pryztel Yuan Yukawa"

I was speechless. Bawat salitang binitiwan nya tusok na tusok sa puso ko. Anong kwento ba ang sinasabi nya?Ibig sabihin lahat ng nangyayari sa buhay namin dinadiary nya sa facebook?!

Pinagpatuloy ko ang pags-scroll napakadaming videos dun at ang daming likes. Nang tiningnan ko lahat tama nga ako. Grabe pano nya nagawa to ng di ko nalalaman?Oo nga pala di ako nagfefacebook. -____- Pero bat di ko to nakita nung last time na nangstalk ako?

And lastly yung isang video na inupload nya,puro slides lang ng picture pero ang ganda ng background song.

Pinanuod ko lang kung pano nya nilagyan ng mga caption ang mga stolen pics kong nakanganga.

Bawat slide may sinasabi sya,pinaparamdam nya kung gaano nya ako kamahal. Hayy huli na ba ang lahat at ngayon ko lang to naappreciate?

Natigilan ako sa nakita ko sa half time ng video. Bakit may picture sya nung bata pa ako?

Its caption was: (The first time I saw an angel) Ha?!Nakita na nya ako dati?

The next picture was a picture of mine with a boy. Seven years old pa yata ako nito.Bat di ko maalala ang memory na to?!

The next slide was a caption only:

Do you remember me?

Kinabahan ako. I tried to scan my memory and the next slide brought all my childhood memories back. The slide depicts a little kid kissing my forehead.

I'm Zikairo Fiore the boy who promised to marry you when we grow up.

I almost dropped my jaw when I remembered him. Sya yung bestfriend namin ni Corrs noon. Sya ang lalaking nagsagip sakin nung malunod ako. Sya ang lalaking umiyak nung umalis ako ng Tokyo.

Nakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko sa kanya. I pushed him away when all he did was to find me para tuparin ang promise nya. But why do we have to meet at a certain planned situation? At ngayon pinakawalan ko na sya. I felt so stupid for letting him go.

I heard his voice whispering in my ear saying his last words , "Remember that I will always love you"

May mumunting luha na namang tumulo sa mata ko. I will always remember that Zic,at panghahawakan ko ang sinabi mo. Mamahalin kita hanggang sa muli tayong pagtagpuin ng destiny. Naniniwala ako,ikaw at ako ay para sa isat isa. Kaya simula ngayon I will fix myself first para pag-iniharap mo na ako sa family mo maging worth it ako kesa kaninong babae.

•••••
x

oxo


DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon