K A I B I G A N
All Rights Reserved. Copyright 2013: A Teen Fiction/ Comedy/ Romance Story written by Author_S.
This is a TRI-CHAPTER story made and inspired by some of my students.
Kung crappy ang story, pasensya na. Masaya lang talaga ako sa mga nakita ko kaya nagawa ko itong krimen na ito. HAHAHA. What was the story is all about? Want to have an idea?
READ!!! :))))
=======================
Bestfriends daw. Hanggang kailan ba talaga dapat tawaging magbestfriend ang dalawang tao, at kailan naman pag naging Lovers na?
Mahirap turukan ng sampung injection sa katawan pero mas masakit ang ma-friend zone.
Ano kaya ang gagawin neto ni Karen sa buhay niya gayong tila wala namang pagtingin ang bestfriend niyang si Jhello sa kanya?
======================
ENJOY. :D
=====================================
UNANG KABANATA:
Napakahirap naman talagang maging isang bestfriend no? Super hirap. 'Yung parati mo siyang kasama lagi mo siyang kabiruan, lagi mo siyang katext, lagi mo siyang tinutukso, lagi ka rin niyang inaasar, harutan dito, harutan doon, pero 'yung feeling na hanggang doon lang kayo? 'Yun yung masakit na part. 'Yung akala mo, habang tumatagal na kayong magkasama, lumalaki na rin 'yung chance na maging kayo, pero hindi pala. Isang ilusyon lang pala. Hanggang doon na lang pala talaga ang lahat. Mababago pa kaya 'yun kung siya mismo ang nagsabing, "KUNTENTO NA SIYANG BESTFRIEND NIYA LANG AKO?"
Ako nga pala si Karen Angela Reyes, isang butihing mag-aaral sa Cavite State University. Medyo nerd pero kalog naman ako. Di ako katulad ng ibang GC kong kaklase na puro lovelife din. Buti pa ako, walang lovelife, punagpapantasyahan meron!
"AYIEEEEEEEEE!" Sigaw ng bestfriend kong si Camille na walang ginawa kundi kalkalin ang bag ko at kumuha ng mga ipantutukso sa akin at sa boyfriend ko, i mean, sa bestfriend ko na boy, "ANO ITO HA? PICTURE ITO NI JHELLO HA?"
"HOY! Ano ba, Cams. You put it there na at baka makita niya yan, I'll kill you if he see that! SERIOUSLY!" Sabi ko with clenching teeth.
"Eto na po oh? Eto na." Tapos ibinalik na ni Cams 'yung gwapong picture ni Jhe sa loob nung pouch ko, "Eh bakit kasi hindi mo sabihin sa mokong mong bestfriend na gusto mo siya ng magkaalaman na tayo? Hindi 'yung hanggang pantasya ka lang?"
"Alam mo naman di ba, Cams? Hindi niya pwedeng malaman kasi baka bigla na lang akong ilagan nun. Isa pa, hindi ako ang tipo ng babaeng gusto ni Jhe. Kilala ko taste nun, hanggang bestfriend lang talaga kami." Sabi ko. Kahit masakit, sige go! Yun lang naman ang katotohanan eh, and nothing but the truth.
Sobrang sweet kasi ni Jhe. Sino bang hindi maiinlove sa isang Angelo Barintos? Sa isang, ok, medyo gwapo, sakto lang, oh sige na, cute na kung cute, mabait, sensitive nga lang, medyo moody ng kaunti, gentleman, maalalahanin, at higit sa lahat, mapagmahal. Palatawa rin 'yung gagong 'yun pala. No doubt, I fell for him but not badly. Nagseselos lang naman ako sa mga babaeng lumalandi at kumekerengkeng sa kanya. On the other hand, I am not the type of woman na umaangkin sa taong hindi naman akin, tinitiis ko lang 'yung mga panahong nagseselos ako, though, sabi nga ni Cams, wala namang dapat ipagselos. Pero, kuntento na rin ako. Masaya na ako dahil kahit papaano, nakakasama ko siya, higit pa sa isang kaibigan... kasi nga we're best friends!!!