-------------------------------------------------------------"Bakla! Payakap nga" sabi ko kay Carl yung kaibigan kong bakla.Di ko alam kung bakit ang hilig kong mangyakap ng mga bakla.
"Ano ba tong baklitang to!" Sabi nya na medyo naiinis kasi pangalawa na yata ito ngayong araw at baka madagdagan pa mamaya.araw-araw ko tong ginagawa sa kanya siya lang kasi yung close ko na beki.Baka mamaya biglang maging lalaki to at masapak ako.
Yinakap nya na rin ako
"Yieee di mo talaga ako matiis labyu bakla!" Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin
"oo na sige na labyu too"at kumalas na siya sa pagkakayakap
"Tara na nga bakla nag bell na oh baka nalate pa tayo" sabi nya
"Tara na!" Sabi ko naman at naglakad na papuntang classroom.Ako si Kim Dela Fuente 16 years old at may bestfriend akong baklita na si Carl Alfon grade 8 palang bestfriend ko na tong baklang to hahaha
Nung nakapasok na kami sa classroom buti wala pa si ma'am
*****
*Recess*
Nate's POV
"Pre! Di ko alam yung gagawin ko para maka close si Kim".sabi ko sa dalawa kong kaibigan
Kumakain kami ngayon sa cafeteria at pinagmamasdan ko sa di kalayuang table si Kim,grabe sobra akong naiinggit sa Carl na yan sobrang close nila.nakikita kong laging niyayakap ni Kim si Carl at hindi ko maiwasang mainggit.
Ako nga pala si Nate Almeda.17 years old na matagal nang may gusto kay Kim
"Mamsh may dumi ka sa mukha hahaha"narinig kong sabi ni Carl
"San mamsh?" Tanong naman ni Kim sa kanya habang kinakapa kung saan yung dumim
"Ako na nga hahah"sabi naman ni Carl at pinunasan nya yung ketchup na malapit sa labi ni Kim
"Thank you mamsh mwa"sabi naman ni Kim kay Carl habang nakangiti
Kahit konti ba di man lang sya nagkagusto kay Kim?kung ako yung nasa harapan ni Kim ngayon tapos ngumingiti sya? Feeling ko nasa langit nako.OA man pakinggan pero wala eh, tinamaan na talaga ako sa kanya.
"Magkunwari ka kayang bakla pare"sabi ng isang tropa ko
"Gag*! Hahaha as if naman na magawa yun ni Nate? Diba?...nate?"
Oo nga noh para ma kaclose ko si Kim! Ok lang kung pag tawanan ako ng mga tao dahil naging bakla ako basta makaclose ko lang si Kim ok na!
"Wag mong sabihin na gagawin mo yun,Nate?
Narinig kong sabi nila saken.habang ako naman nakatulala at iniisip kung gagawin ko ba o hindi
"Tama!" Sigaw ko at biglang napatayo.biglang tumahimik sa buong cafeteria at lahat ay nakatingin saken.pati na rin si Kim na napatigil sa pagtawa at napatingin saken bigla akong napaupo at napayuko.
Narinig ko namang tumawa ng mahina yung mga kaibigan ko.mga loko talaga.
Maya maya biglang bumalik na sa ingay ang cafeteria.tiningnan ko si Kim.nakatingin rin sya sakin.nung nakita nya kong nakatingin sa kanya,umiwas sya ng tingin at...namula yung pisngi niya.nagblush ba siya? tsk wag ka ng umasa
"loko ka ba pare?" Tanong nila saken
"Nagbibiro lang naman ako nun eh sineryoso mo naman"sabi nung kaibigan kong nag suggest na magkunwari akong bakla
"Yun lang yung paraan para ma kaclose ko siya!" Sabi ko sa kanila
"Bahala ka pare basta nandito lang kami pag nagkaproblema"sabi nila sabay tapik sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Bakla! Payakap nga (One-Shot Story)
Short StoryYung tipong gagawin mo ang lahat mapalapit lang sa taong gusto mo kahit ikahiya mo man ito