03 - Panic

131K 4.9K 1.4K
                                    


After that night, bumalik kaagad ako sa dorm at paggising ko ay naabutan ko si Akemi na may hawak na libro. Lumapit ako sa kanya at pagtingin ko, ancient Erityian writings ang nakalagay sa libro.

"Hey." Nagulat naman siya at hindi man lang napansin na nasa tabi na niya ako. She tried to hide the book and I rolled my eyes because it was too obvious.

"Yeah right. Nakita ko na so no need to hide it."

"Damn it," bulong niya sa sarili niya at nilapag niya ang libro. Umupo naman ako sa harapan niya at tinignan ko rin ang librong hawak niya kanina.

Matagal ko nang nakikita ang Erityian writings sa ilang buildings dito. Ang iba ay nakaukit sa ilang parte ng mga kwarto pero hindi ko na pinapansin dahil hindi naman na iyon ginagamit. Hindi ko alam na may mga libro palang nakasulat gamit iyon.

"Gusto ko silang mabasa," sabi niya habang nakatingin sa libro. Actually, me too.

"Well . . . siguro naman hindi ganun kahirap i-decode 'to."

Tumayo muna ako para kumuha ng scratch paper at pen para sa aming dalawa. Hindi ko rin napigilan ang pagngiti ko. I can't believe I'm getting excited with this. Learning something new is, indeed, thrilling.

We tried decoding the symbols and we didn't even notice the time. Sa sobrang pagfofocus namin na maconvert ang bawat symbol sa corresponding letter nito ay inabutan na kami ng araw. Napansin lang namin 'yun nung biglang nagising si Akira at tinanong niya kami kung ano ang ginagawa namin. Nagmadali naman agad kaming magprepare dahil may klase pa kami kaya naman napagdesisyunan naming ituloy na lang 'yun mamaya.

Lumabas kami sa kwarto at mukhang nauna na sina Michiko at Mayu dahil wala na sila sa loob ng room nila. Saktong pagbaba namin ay naabutan namin sin Hideo at Mitsuo. Our eyes met and I remembered what happened last night. He suddenly broke his gaze and stood behind Hideo.

"Problema nun?" I blurted out. Darn.

"Pano lagi mong hinahampas," biglang sabi ni Akira. "Nagkaroon na tuloy ng automatic reaction kapag nakikita ka," sabay hampas niya sa akin. What? Ilang beses ko pa lang naman siyang hinahampas. "Siguro ang saya na ngayon ni Hideo dahil hindi na lang siya ang nakakatikim ng masakit mong hampas."

"Kahit naman hampasin ko siya ng tubo, wala pa ring expression 'yung mukha niya," sabi ko naman at biglang tumawa si Akira nang malakas.

Um-attend lang kami ng classes at napansin kong umiiwas ng tingin sa akin si Mitsuo. Is he really avoiding me? For what reasons? Dahil ba sa nangyari kagabi?

Hindi ko na lang din siya pinansin at pagkatapos ng klase namin ay nagpatuloy kami ni Akemi sa pagdedecode. Nalaman ko rin ang sixth sense niya dahil sinadya kong matapilok habang dala ko ang dalawang baso ng juice para sa amin. Before the glasses hit the floor, she quickly repelled them and they broke upon contact with the wall. So her sixth sense is repulsion, huh.

After a few days, nagkaroon na rin kami ng ideas about the corresponding letters, numbers and punctuations. We decoded several pages of the book. Napansin ko rin na laging nawawala si Akemi kapag madaling-araw. Lagi akong nagsasabi na matutulog na ako pero ang totoo ay binabantayan ko ang bawat kilos niya. Hideo is right. She's hiding something from us.

Pagkatapos ng Psychology class namin ay naglakad agad kami pabalik sa dorm pero napalingon ako nung nakita kong magkausap sina Akemi at Mitsuo pero hindi ko marinig ang usapan nila. Bigla namang lumingon sa akin si Akemi at ngumiti nang nakakaloko.

"Oo meron pero na kay Naomi na. Hiramin mo sa kanya kung gusto mo. Bye," sabay lakad niya papunta sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Rewind (Erityian Tribes Novella, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon