PROLOGUE
Masakit kasi umasa ako sa mga sinabi mo.Masakit kasi nagbigay ka ng motibo.wag mong iparamdam sakin na sweet ka tapos kinabukasan bigla-biglang maglalaho na parang bula..
maybe one day ... i'll be what you need... then for me.. it's like you doesnt exists..
---
"wala naman,mahalaga ka lang talaga sa akin.."
bumabalik balik sa isip ko yung mga Salitang yun... Umasa ako sa sinabi nya..
---
hay antagal na pala...
naalala ko pa yung unang beses ko sya nakita ... yung unang araw na nakasama at nakausap sya...
tandang tanda ko pa yung mga panahon na ang saya ko sa piling nya...
"Mary , sya nga pala si Rafael"
nginitian ko sya nun ng ipakilala sya sakin ng aking kaibigan...
simula din nun halos lagi na kaming nagkakasama ni rafael sa mga gimik... Ang saya nya kasama... ang bait bait nya sakin... Hanggang sa dumating yung time na nahulog na ko sa kanya...
Pinigilan ko naman na wag e , pero wala talo ako, nainlove ako...
sino ba namang hindi maiinlove sa isang Katulad nya? Hindi lang basta gwapo , pero sweet at caring pa!
"kumain ka na ha?"
"mag iingat ka sa pag uwi mo"
"O mag ingat ka baka madapa ka"
Ilan lang yan sa mga simpleng salita na binitiwan nya yan sakin. hayyy rafael! :) hindi ka sumablay sa pagpapakilig sakin..
Nalaman nya na gusto ko sya, Na mahal ko sya... pero hindi nya pa rin ako iniiwasan, Mas Naging Sweet pa sya sakin at Mas inaalagaan ako ng husto. Kaya ayun Mas lumalim din ang nararamdaman ko sa kanya...
"bat ganito ka sakin? bat ganito mo ako itrato..."
" wala naman, espesyal ka lang sakin :) kaya ayun,magiingat ka ha?"
bumilis bigla tibok ng puso ko...
Grabeng saya ko nun! kahit walang malinaw na namamagitan saming dalawa... feel ko ang kahalagahan ko sa kanya.. Ineenjoy ko lang kung ano yung nangyayari. Go with the flow ika nga nila.
pero bat ganon? Isang araw naramdaman ko nalang na bigla syang nagbago..
Hindi na sya Nagpaparamdam sakin sa Text o sa chat
kahit sa tawag Wala...
pag nagkikita kami sa personal kahit ngiti wala... anong nangyari kay rafael?
"may girlfriend naman kasi yun"
" naku mary! niloloko ka lang nung si rafael!"
"nakalimutan lang namin sabihin sayo"
"hindi ba nya nasabi sayo?"
hindi ako nakinig sa kanila...
hanggang isang araw nakasalubong ko syaaa.
"Mary , si Hanna ... Girlfriend ko."
halos magunaw yung mundo ko nung malaman ko ...
halos Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko,
" s-s...sya ba?... " nasabi ko yun na gustong gusto ng pumatak ng luha sa mga mata ko..
"...Masaya ko para sa inyo"
Kaya pala nya ko iniwasan dahil may girlfriend na sya.. akala ko ako yung gusto nya, akala ko ako yung Mahal nya.. umasa ako sa mga salita na sinabi nya sakin... binigyan ko ng malaking kahulugan ang bawat ginagawa nya sakin...
"Mary , Sorry"
tumalikod ako sa kanilang dalawa..
"a..ayos lang!"
Natalo ako,Hindi ko inaasahan Na laro lang pala yun para sa kanya, na wala palang meaning yung pagpapakita nya sakin ng kabaitan,kasweetan o ano pa.. Talo ako,Dahil nahulog ako sa kanya..
Nahulog ako sa mga Salitang punong puno ng Kasinungalingan...
Pinakilig lang pala nya ko,pero hindi ibig sabihin nun e, MAHAL DIN NYA KO! :(
------THE END----------
PS: DONT BE DECIEVED BY SOMEONE'S SWEETNESS.
BINABASA MO ANG
Tara Laro Tayo! Unang Mainlove Talo!
Short StoryWAG KASI PAPADALA SA KASWEETAN NYA...