Chapter 16
“RAMON?!” gulat na tanong ni Frina.
So tama ako? Ito na ba yung Ramon na kinababaliwan nya? Ito na ba yung Ramon na pinagpapantasyahan nya? Pinagnanasaan? Diyos kong mahabagin! Bakit naman po ganito?! Malabo na ba ang paningin ni Frina? O malaki na talaga ang sira ng ulo nya? Bakit ito pa po ang napili? T___T
Tsk. Binalik ko ang paningin kay Frina. Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa hitsura nya. Pero tatawa na lang ako. Wahahahahahahaha =)
Mukha kasing handa na syang kumain ng buhay.
“Frina?” tanong naman nung payat na nilalang. Si Ramon -____-
“Hindi! Konsenysa mo ‘to!” galit na wika ni Frina sabay lipat nya ng tingin sa babaeng kanina pa ay mahigpit ang kapit sa mumunting braso ni Ramon.
“A-Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ramon sa kanya. Halatang kinakabahan na. Wahahahaha. Namumutla pa.
“Ano bang dapat gawin sa coffee shop?!” Sigaw ni Frina. Nagkatinginan naman si Ramon at yung babaeng kasama nya. Halatang hindi alam ang isasagot sa tanong ni Frina sa kanila. Dahil siguro nainip na yung katabi ko, bumulyaw na naman.”Ano? Tatahimik ka na lang ba dyan? Hindi ka man lang ba mag-eexplain kung bakit gabi na e nandito ka pa at magkasama pa kayo ng hipon na yan?”
Hala ka. Iba na talaga ang tono nya. Kadalasan pa ganito ang eksena masalimuot ang ending e. Nakikita ko na ang mga susunod na pangyayari. Go Frina! Hahahaha :>
Dumistansya muna ako. Nakakahiya naman kasi sa kanila kung iistorbohin ko pa sila sa eksena nila. Haha. At saka.. Si Frina kaya yun. Ayaw nya ng naagawan ng eksena.
Yung mga sumunod na eksena.. Inasahan ko na talaga. Nakakatawa nga, yung mukha nung Ramon takot na takot kay Frina. Nyahaha =) Pati nga yung babaeng kasama nya, terrified. Hoho. Honestly.. It’s good to see Frina and her very amusing acts after several years. Bigla ko tuloy syang na-miss kahit na katabi ko lang sya.
TINOLA. San ko nakuha yun? Hahahahahaha :D
[NOTE: PARA FULL EKSENA NG AWAY NA ITO. PLEASE REFER TO HEY FRINA (WE’RE IN A RELATIONSHIP AND IT’S COMPLICATED) CHAPTER 19. YOU CAN FIND IT IN “MY WORKS” SA PROFILE KO =)]
“Oh. Teka .. Bakit gabing-gabi na nandito ka pa?” tanong naman ni Ramon sa kanya.
Aww. Tapos nap ala ang away. Nakatulog ako e. Sorry. Hahaha
“Magco-coffee..” sagot ni Frina pagtapos humupa ng tension.
“Magco-coffee?” tanong naman ni Ramon.
“Oo. Paulit-ulit?” she rolled her eyes.
Tapos parang saka lang napansin nung Ramon ang existence ko. Kupal ‘no?
“E sinong naman ang kasama mo?” bitter nya na tanong.
Ngumiti si Frina, “Si BLUE!” sabay hila nya sa akin tapos ay proud na i-prenisenta sa mga kaharap. Wow. Ano naman kaya ang tingin sa akin ni Frina this time? Brand new toy? Tss.
Hindi nakapagsalita si Ramon nung nakita nya ako. Nababakla na siguro. Hohoho
“Ano? Kinabog ka ano?” sabay kapit ni Frina sa braso ko.
“K-Kinabog? San banda?” halatang inis na tanong ni Ramon. “Blue.. Blue di ba?” tanong nya.
“Yes..” I said coolly.
“Umuwi ka na lang.. Sasama kasi si Frina sa bahay. Magcecelebrate kami ng birthday ng ate ko!” utos sa akin ng kawayan (Wahahaha; Naki-Kawayan na rin? Pauso kasi si Frina e.) sabay hila nya kay Frina palayo sa akin.
Napangiti ako kasi halatang nagseselos ang lalakeng ‘to. “Sorry.. Pero hindi pwede yun. Sinundo ko si Frina sa bahay nila..” sabi ko.
“So?” supladong tanong ni Ramon.
“So ako rin ang maghahatid sa kanya pauwi.” Hinila ko si Frina mula sa kanya this time.
“Wag ka na sumama! Hindi ka naman kasali e!” reklamo bigla nung kawayan na parang bata. Padabog-dabog pa.
“Then mabuti pa siguro.. Umuwi na kami ni Frina.” Hinawakan ko ang kamay ni Frina. “Frina.. Let’s go?” yaya ko sa kanya.
“Uy teka. Ano yan? No touch!” biglang sabi ni Ramon. Binitawan naman ni Frina ang kamay ko. Napatigil naman si Ramon saka tila nag-isip ng malalim. “Oh sige.. Sumama ka na.” sabi na lang nya dahil for sure. Wala na syang choice =)
Ang ending.. Sumama ako sa kanila para sa birthday celebration ng ate nya.
11:00 PM
Nasa tapat na kami ng bahay nina Ramon. Kanina pa kami nakarating ditto pero hindi pa kami pumapasok. Nag-iisip pa daw ng magandang plano. Hindi pa ba sapat ang cake na binili nila? O.O
“Ano bang plano?” tanong ni Frina.
“Isusurprise si Ate..” sagot ni Ramon.
“Paano?”
“Edi papatayin yung ilaw tapos paglabas nya bubuksan sabay magpapaputok ng part popper.” Sagot ni Chelsea, yung nahuling kasama ni Ramon kanina. Okay nga pala sila ni Frina ngayon. Mamaya? Hindi ko pa sigurado. Hahahaha
Teka. Mabalik tayo sa pinaguusapan nila. Syempre.. Dahil kasama naman ako ditto, mangingialam na lang rin ako. “Yun na yun? Ang corny naman. Masyadong old school.” Reklamo ko. Oh di ba? Sinama na lang nga ako nakuha ko pang magreklamo? Subukan mong sumabat Ramon iuuwi ko talaga si Frina. Hahahaha. “Traditional.. What if gawan natin ng twist?”
“Twist? Ramon asked. “Anong klaseng twist?”
“Yung may malaking box tapos ipapasok sa kwarto nya tapos sa loob ng box may surprise?” suggestion ni Chelsea.
“Sabay sasayaw to the tune of CARELESS WHISPER?” dagdag ni Frina sabay tawa nilang dalawa ni Chelsea. Mga baliw.
“Sigurado na kayo dyan? Kadiri kaya. Mag-isip kayo ng iba.” Utos ko sa kanila.
“Okay yun ah! Para Masaya naman. Tutal legal na rin naman si ate. Maganda yan!” nakangiting sagot ni Ramon.
“Bakla ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Hindi. Maganda talaga ‘to Blue.” Wika ni Frina. “Ang problema lang natin.. Wala tayong dancer.”
Lanya. Seryoso na ba sila sa idea nila? Syet.
“Oo nga..” Sabat ni Chelsea. “Si Tito kaya?”
“Si Papa? Hindi pwede. Hindi yun dancer.”
“Si Arkin at Luis?”
“Ano ba kayo? Mga minor de edad pa ang mga yun.” Sagot ni Ramon.
Seryoso na nga ata sila. Kung kani-kaninong mga apelyido na ang nabanggit e.
“What if.. Ikaw na lang kaya.” Sabay na sabi ni Frina at Chelsea kay Ramon.
“Ano? Bakit ako? Ayoko nga.” Reklamo nya. “Gwapo lang ako. Hindi ako dancer~”
Naks. Kampante Ramon? Hahahaha.
“Mag-isip kayo ng iba.” Utos nya ulit.
Natahimik naman ang dalawang babae para mag-isip. Maya-maya pa tatlo na silang hindi kumikibo. Nanahimik lang naman ako sa isang tabi. Susuportahan ko na lang desisyon nila. Kaso.. Wala naman akong kilalang dancer. Si Hanzen Faminial kaya? Kaso baka busy. Sino kaya?
Ahh! Si Henson na lang!
Magsusuggest na sana ako sa kanila kaso nung inaangat ko ang ulo ko para magsalita, sinalubong ako ng mga tingin na paniguradong may masamang plano.
Mas kinabahan pa ako nung sabay-sabay na ngumiti ang tatlo.
Lord, wag naman po sanang mademonyo ang tatlong 'to.