I dedicate this chapter to my bessy! ^___^
Beb, thanks sa pag basa mo and support sa story ko kahit na bitin and matagal ako mag UD.
You're The Best <3
labyouuuu!
----------------------------------------------------------------------------
Nagising akong hawak parin ang kamay ni Step at hanggang ngayon hindi parin sya nagigising. Unti-unti na naman bumalik sa isip ko ang mga sinabi ng doctor kanina, at hindi ko alam kung anong gagawin sa tuwing naaalala ko yun. Gusto kung umiyak pero mismong luha ko pagod narin ata kaya kahit masakit na sa loob ko ang nangyayari wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko.
Sa tuwing titignan ko siya laging awa ang nangingibabaw sakin. Parang mas gugustuhin ko pang ako nalang ang nasa katayuan nya kesa sa sya ang nakikita kong nagdudusa sya habang nakikipag laban para sa buhay nya. Ayokong mawalan ng pag-asa na balang araw magigising sya at babalik na sa dati ang lahat. Pero kahit anong gawin ko hindi ko parin maiwasang panghinaan ng loob kapag nakikita ko syang nahihirapan ng ganito.
Pero alam ko na ang isang Stephanie Colline Santiez ay hindi alam ang salitang suko kaya alam kong lalaban sya hanggang sa kaya nya at gagawin nya ang lahat para manalo sya. Ang isang Stephanie ay hindi sumusuko kaya kailangan kong lakasan ang loob ko para sa kanya.
Maya-maya may kumatok sa pinto at pumasok si tita ng may dalang pagkain. Ngumiti lang ako sa kanya at muling tinuon kay Step ang atensyon ko.
"iho, kumain ka muna at kagabi pa walang laman iyang tiyan mo" alok sakin ni tita pero tinanggihan ko lang sya at napailing na lang din sya sa naging tugon ko sa kanya.
Isang katahimikan ang bumalot sa buong kwarto hanggang sa naisip ni tita basagin iyo.
at ang mga sinabi ni tita ang nagbigay ulit sakin ng lakas para lumaban para kay Step.
-----------------------
hanggang dito po muna .. ** ^____^V
BINABASA MO ANG
The Arrange Marriage (On-Going)
Genç KurguPaano ka makikisama sa taong ni minsan hindi mo pa nakikilala? Tapos malalaman mo pa na Arrange Marriage kayo? Ano kaya mararamdaman mo? Matutuwa ka o maiinis ? Basahin nyo nalang to para malaman nyo kung anong Feeling ni Stephanie that time :) Ito...