My Girl and I

23 1 0
                                    

"Bakit ko siya tutulungan? Sino ba siya? Oo.. Sino nga ba siya?"

"Bakit ganito nalang ako sakanya?"

"Bakit masaya ko kapag kasama siya?"

"ANO BANG MERON SAKANYA?"

SIYA.. SIYA.. "MAHAL KO NA BA TALAGA SIYA?"

Panibagong taon nanaman.. Parang kailangan lang, hindi mo talaga aakalain na ganon kabilis tumakbo ang oras..

"WELCOME BACK TO SCHOOL, PADUANS"

Yan ang una mong makikita pagpasok mo palang ng gate ng School. Makikita mo ring bubungad sayo ang mga maiingay na estudyante na nakita muli ang mga kaklase't kaibigan na akala mo'y isang dekada'ng di nagkita. Ingay ang bumabalot sa buong Campus, first day kasi. Ako, eto tahimik lang hindi ko pa kasi nakikita yung mga close friends ko, kawawa naman ako..

"Hoy! Gino! Andito ka na pala? Musta na? Walang pinagbago ahhh.. Na-miss kita 'tol!!" Nang makita ako ni Paul ay agad niya akong inakbayan at sinabi ang mga bagay na 'yan. Si Paul ang isa sa mga ka-barkada ko.

"Paul! Kamusta na? Hahahaha!! Balita ko, may bago kang chix ah? Sino ba yan? Pakilala mo naman sakin!" Agad ko namang sinagot ang pagbati niya.

"Ah yon ba? Maganda siya! E ikaw kamusta ka? Wala ka parin bang chix diyan? Para ka namang Manong oh, oh sadyang mas gwapo lang talaga ko sayo, 'tol?"

"Hahahaha!! Sira ulo, anlakas mo magbuhat ng sariling bangko!"

Napuno ng kamustahan at paguusap ang pagkikita namin ni Paul. Hanggang sa dumating at nagkita-kita na din kami nina Zedrick at Ian na kabarkada ko din..

Mai-kwento ko lang, isang akong consistent honor student simula first year, ngayong 4th year na ko dito sa St. Anthony of Padua School ita-try ko paring i-maintain yun. At to tell you honestly din, wala pa 'kong nagiging girlfriend kahit medyo may pagkabulakbol ako, ako nalang din ang hindi pa nagkakaroon ng girlfriend saming magtotropa.

CHAPTER#1: Ang una naming pagkikita..

"Awww! Ang inett!" 

"Sorry sorry. Hindi ko sinasadya, pasensya na talaga! Eto na yung panyo ko oh, pupunasan ko na lang." 

"Hindi na kailangan! Umalis ka na!! Badtrip oh.."

Unang araw na unang araw at umagang-umaga sa Canteen, natapunan ako ng isang babaeng Jologs kung manamit na ewan ng kape habang nagkasalubong kami.. Grabe, ano itsura ko nito pagpasok mamaya sa Classroom. Amoy kape na ko.

"Pare, malas mo naman ngayong araw, natapunan ka pa ng kape ng nung panget ng babaeng yun! HAHAHAHA Malas mo naman!" Pangaasar sakin ni Zedrick.

"Malas talaga, kung pwede ko lang talagang murahin yung babaeng yun at sugurin, ginawa ko na e." Pagalit kong sinabi habang sila'y nagtatawanan.

"KRRRRRRRRIIIIIIIINGGGG!!"

Nag-bell na,  hinanap narin namin kung sang section kami mapapalagay. Magkaklase kami ni Zedrick sa C-1 habang si Paul sa C-3 at si Ian naman sa C-4.

"Tara na, Zed! Punta na tayo sa room baka ma-late pa tayo. SIge, Ian at Paul kita nalang tayo mamaya sa Canteen sa break." Sigaw ko.

"Okay, Class, Good morning! I'm Mrs. Thelma Rodriguez, you're adviser for this whole school year."

Pagbati ng teacher ko sa unahan. Medyo naninibago pa ko at iba na nga mga kaklase ko, parang hindi ako makaka-get along, parang may iba.. Habang nalingon lingon ako upang makita ang mga kaklase ko, natanaw ko likod si Jologs Girl na nakatapon sakin ng Kape kanina. Naasar at nabadtrip ako, sa lahat ba naman kasi ng magiging kaklase ko, siya pa? Malas talaga diba? At feeling ko din magiging malas buong school year ko nito.

"Class, kailangan niyong magpakilala dito sa unahan isa isa."

"Pare, magpapakilala daw. Nahihiya ako hahahaha!" Bigla akong kinausap ni Zed.

"Una daw magpapakilala yung mga nasa likod, hahahaha!! Nandun pala yung panget na nakatapon ng kape sayo e. Una pa atang magpapakilala?" Sinunod nito.

"Hi guys ako si Julienne Anne Zamora, ahhhh.. ah new student ako dito, galing akong sa  probinsya."

"Oh may new student tayo.." pagbati sakanya ni Mrs. Rodriguez

"Julienne? Hahaha! Ang layo ng pangalan niya sa pananamit niya ha!" Sumigaw ako para mapahiya siya at nagtawanan noon ang klase.

Umalis na siya sa unahan dahil narin siguro sa hiya.. Natapos ang pagpapakilala at nasabi na ang mga important matters sa amin ni Mrs. Rodriguez.

BREAK TIME..

"Sino ka ba sa akala mo ha?!! Para ipahiya ako sa klase? Hindi porke't bago dito magagawa mo nang kutya-kutyain ako!!"

"Aray!! Ba't ka ba nanghahampas ha? Kulang pa yan sa pagtapon mo sakin ng kape, Jologs!"

"Ang liit na bagay pinoproblema mo? Ang yabang mo!"

Biglang nag-walk out si Jologs Girl ng sinabi ang mga yon sakin..

"Mukang may makakalaban ka na dito pare ah? Hahaha!" Pangaasar ni Paul.

"Sus. Kala mo kung sino baduy naman!" Mungkahi ko.

"Baka mainlove ka dun ah?" Sinunod ni Ian.

"Nako hinding hinde, panget panget nun e."

Nang makauwi na ko ng bahay.. Biglang sumagi sa isip ko ang muka nung babaeng yon? "AKO MAIINLOVE SA MGA GANONG TAO? PROBINSYANA? TATANGA-TANGA AT HIGIT SA LAHAT, JOLOGS? WAG NALANG NO!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girl and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon