VOTE VOTE VOTE! HAHAHA TENKYU!!!
CROSS’ POV
After ng work ko sa Company, tinext ko si Nica na hindi muna ako makakapunta sa bahay niya ngayong gabi dahil may iba pa akong aasikasuhin. Sumakay na ako ng kotse ko at nagdrive na pauwi sa bahay.
Pagpasok ko sa loob, nakita ko na nag-uusap si Chad at si Eya. Bakit naman gabing-gabi na ang pag-uusap nila tska kailangan ba talaga nilang magsigawan?
“No Eya, I also need to do this. Kailangan kong sabihin kay Cross ang lahat!!!!”
Hah? Bakit naman ako nadamay sa usapan nila? Curious na talaga ako kaya naman agad na akong nagtanong.
“Lahat? Anong lahat? Ano ang kailangan sabihin ni Chad sa akin?”
Parehas nanlaki ang mga mata ni Eya at ni Chad.
“C-Cross! N-Nandito ka na pala.” Nauutal na sabi ni Eya. Ano bang problema nila?
“Ano ang kailangan sabihin ni Chad sa akin?” tanong ko.
“Ano kasi Cross….. ahmmm.” Sabi naman ni Chad.
“Ano????” tanong ko ulit.
“Ganito kasi yan…..” sabi naman ulit ni Chad.
“Kasi Cross, gustong sabihin ni Chad sayo na namimiss na kita.” Agad naman sinabi ni Eya.
“Huh????” sabi ko tsaka ni Chad.
“Oo, yun talaga ang sasabihin ni Chad sayo. Kasi naman eh, lagi kang wala dito tsaka ginagabi ka parati. Kaya ayun, namimiss na kita. Diba Chad?” -Eya
“Ah-Ahmm. O-Oo, t-tama….. “ –Chad
“Tsk, yun lang naman pala eh. Hahaha. Madami kasi akong ginagawa ngayon eh. Sorry na kung ginagabi lagi ako. Don’t worry Eya, babawi na lang ako sayo.”
Alam ko naman na nagsisinungaling lang ako eh. Ginagabi kaya ako kasi lagi akong nasa bahay ni Nica at minsan naman ay sa bahay ni Carla.
“Hahaha, naiintindihan naman kita eh. O-sya, uuwi na ata tong si Chad. Gabing-gabi na eh.” Sabi ni Eya.
Pilit na lumabas sina Chad at Eya. Yun lang naman pala ang sasabihin nila sa akin, kailangan pa ba talagang patagalin?
BINABASA MO ANG
"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}
Fiksi RemajaCasanova si Girl, Casanova din si Boy. Ano? Niloloko lang nila ang isa't-isa? ================== Property of ThatNiceGuy. ALL RIGHTS RESERVED!