3

68 6 1
                                    


Woohyun

Linggo ngayon, kaya naman maaga kang gumising dahil sisimba kayong magkakasama. Kahit na antok na antok ka pa dahil napuyat ka kagabi, pinilit mo pa rin ang sarili mong magising at mag-ayos.

Nang matapos ka nang mag-ayos ay bumaba ka na agad ng kwarto mo, at binati ang mga magulang mo na nakaayos na rin.

"Baby, how's your sleep? You look bloated."

Agad ka namang napahawak sa pisngi mo dahil sa sinabi ng Mama mo. Pupunta ka na sana sa salamin na malapit sa kanya ng harangan ka ng Papa mo.

"Nagjo-joke lang ang Mama mo, Baby. Ikaw talaga, ang seryoso mo sa buhay. Tara na, 7 o'clock na , baka ma-late tayo sa 8 am class." sabi ng Papa mo sa'yo na naging dahilan para ngusuan mo ang Mama mong nang-asar sa'yo kanina.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kayo sa simbahan. Umupo kayo sa may bandang unahan, at mamaya-maya pa ay nagsimula na ang misa. N'ong una, medyo nakakaramdam ka pa ng antok, pero nang Salmong Tugunan na, at narinig mo ang boses n'ya bigla ka na lamang nagising, at napatitig sa kanya.

"Sangkalupaáng nilaláng, galák sa Poó'y isigáw!" pakantang sabi niya habang nakatingin sa'yo.

Nakipagtitigan ka sa kanya, at hindi mo ba alam pero sa mga titig na 'yun, nakaramdam ka na agad ng kilig. Agad ka namang tumingin sa gilid mo para malaman kung d'on siya nakatingin, pero nagulat ka na lamang ng bigla ka niyang ngitian.

Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
At purihin ang Diyós na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kaniyá'y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyós na Dakila:
"Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.

Matapos niyang kantahin 'yun ay hindi mo na rin natanggal sa kanya ang mata mo. Na kahit tapos na ang part mo ay sa kanya ka pa rin nakatingin. 

Bigla naman siyang napatakip ng mukha niya at iniwas ang tingin sa'yo.  Napailing ka na lang kasi naramdaman mong dahil sa tingin mo kaya siya nag-iwas ng tingin. Pinalipat ka naman ng Mommy mo sa kabilang dulo ng upuan kaya medyo napalayo ka na sa lalaking nakita mo kanina. Bago ka pa man makaupo ay pasimple mo siyang tiningnan at nakita mo siyang nakatingin sa'yo habang may sinasabi sa'yo, kaso dahil sa kalabuan ng mata mo ay hindi mo na naintindihan ang sinasabi niya.

**

Pauwi ka na ngayon at kasabay mo ang bestfriend mong si Aria. Tatlong araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon, hindi mo pa rin maalis sa isip mo 'yung boses nung lalaking nakita mo nung isang araw. 

"Bakit kaya napaka-pamilyar niya?" tanong mo sa sarili mo.

"Tulala ka na naman. Dahil na naman ba 'yan dun sa lalaki sa simbahan nung Linggo? Bes, usong mag-move on." pang-aasar niya habang naglalakad kayo sa hallway ng school nyo.

"Che!" sabi mo sa kanya at mas binilisan ang lakad palayo sa bestfriend mo.

HIndi mo na napansing may tao sa unahan mo, kaya nabangga mo siya at napaupo sa sahig ng corridor niyo. Mabuti na lang hapon na kaya kahit napaupo ka, walang masyadong nakakita.

"Sorry, hindi k-..." 

HIndi mo na naituloy ang sasabihin mo dahil bigla siyang nagsalita.

"I love you, i love you" pakantang sabi niya kaya napatingin ka sa kanya at nakita mong siya pala 'yung lalaki nung isang araw.

'Pwede bang lamunin mo na ako, Lupa?'

"Hello, Miss. Nice to see you, again. Oh, nagpatak pala 'yung puso ko mabuti nasalo mo." nakangiting sabi niya at kinuha ang bookmark niyang puno ng hearts.

"Akala ko kung ano." pabulong mong sabi at tumayo na.

"Ayokong madaliin ka. Gusto kong makuha ang puso mo sa sincere na paraan, hindi 'yung basta-basta lang." nakangiting sabi niya at tinapik ka sa balikat mo bago siya umalis.

INFINITE ImaginesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon