Chapter 21

97 5 0
                                    


[72]

"Oli, please...please wake up.." paulit-ulit ko iyong narinig habang nakapikit ako. Humihikbi ang boses na iyon. Galing sa isang babae na pamilyar naman sa akin. I feel like my bed was moving. Maybe I was in the hospital, heading to the emergency room. I kept on thinking what was happened pero wala akong maalala. Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay ng tumigil na sa paggalaw ang hinihigaan ko.

Nagising ako ng marinig ko na lang ang mga pamilyar na boses sa kwarto. I can't open my eyes kaya naman ipinikit ko na lang ito.

"Bros, ano ba talagang sakit nitong si Oli?Alam nyo ba? May nakakaalam ba?" dinig kong boses ni Cav.

"Sa tingin nyo, kung may nakakaalam ba satin dito ay isi-sikreto natin sa isa't-isa?" boses ni Ranz, na rinig ko mula sa kanang bahagi ng tenga ko.

"Damn bros. Anong gagawin natin ngayon?" boses ni Biboy iyon.

"Bakit hindi nyo itanong kay Owy?Sigurado akong alam nya." Sabat ni Ully.

"Sa tingin nyo maglilihim satin si Owy? Baka naman nahilo lang si Oli dahil sa pagod at sa init na rin?" sagot ni Cav.

"May nahihilo bang ganyan katagal ang tulog? I mean, mag-iisang lingo ng natutulog si Oli. What if may iba na syang sakit?" dinig kong sagot ni Ully kaya naman napaungol na lang ako.

"O-Oli!" bulalas ni Ully ng makita nyang unti-unti kong binubuksan ang mga mata ko para aninagin sila.

"Ully! Tawagin mo sila Tita atTito dali!" bulalas ni Ranz, habang lumabas naman kaagad si Ully ng kwarto.

"Bro!May masakit ba sayo? What do you feel?" tanong sa akin ni Ranz habang napakunot naman ang kilay ko dahil sa pagkasilaw sa liwanag na nanggagaling mula sa bintana.

"Bro, pinakaba mo kami!" sabi na lang ni Cav na nasa kaliwa ko.

Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga ko pero ang hirap igalaw ng katawan ko. Hindi naman ganoon kasakit ang ulo ko, pero pakiramdam ko ay nanghihina pa ako.

"Bro, mahiga ka muna. Hintayin mo muna sila Tita na dumating." Sabi pa ni Biboy na nasa gawing kaliwa ko rin.

"I'm okay guys. Please help me sit." Inalalayan naman nila kaagad ako. Ayaw pa nga nila nung una pero naiilang ako sa posisyon kong nakahiga sa kama. Gusto ko na kaagad na tumayo at maglakad-lakad. "What happened guys?" pinilit kong alalahanin ang nangyari hanggang sa sumagi na nga sa isip ko ang basketball game na huling naalala ko. "What about our game?Damn, it was my fault right? Pinatalo ko yung team."

"Wag mo na munang alalahanin yon Oli- hmm.. Lance" pagbabago ni Ranz.Ngayon ko lang bigla naramdaman na parang big deal na kapag tinawag nila akong Oli. Was there something different about Oli and Lance? It was both my name. Now, it feels so weird.

"Oli, Lance.. pareho ko namang pangalan yon. Pero bakit iwas kayong banggitin ang Oli?" nakita ko namang nagging kakaiba ang tingin nila sa isa't-isa. "Guys, just please tell me." Naiirita kong sabi sa kanila.

"Lance anak!" napalingon na lang ang lahat ng marinig nila ang boses ni Mommy.Kaagad syang lumapit sa akin para yakapin ako. Gusto ko mang kumawala ay hindi ko naman magawa dahil nanghihina pa ang katawan ko.

Bumitiw naman si Mommy sa pagkakayakap sa akin, nakita ko ang mga luha nyang tumulo sa harapan ko. It was the first time that I saw her like this. Eversince na magka-amnesia kase ako ay never ko pang nakita na umiyak si Mommy. I'm just glad that, maybe she was just too happy to be with Papa. Which is Coleen's Dad.

"Anak, I'm so sorry." She holds my face with her both hands kaya naman nakaramdam ako ng init mula roon. Nakita ko rin ng malapitan ang mugtong na mugtong na mata ni Mommy. Dahilan na rin siguro ng pag-iyak nya.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon