new life

25 1 0
                                    

Sharina's POV

"Waahhhh" yan lang ang masasabi ko nang makarating kami sa bahay ---i mean mansion ni tita jess . Grabe sobrang ganda dito, parang kasinglaki ng mall lang hehe . 

kanina habang bumabyahe kami , sobrang sarap pala ng feeling na makasakay sa kotse noh ? ang lamig lamig ! kala mo nasa opisina ka tas komportable , ang lambot ng upuan . Pag umasenso na ako kasama yun sa mga bibilin ko ahahha . 

bumalik ako sa sarili ko nung tinawag ako ni tita jess . 

" sharina ,  tara hahatid kita sa magiging kwarto mo . " then she smile at me genuinely .

"salamat po talaga tita jess , sige tara na po . saan po ba yun ?" tapos napangiti nanaman sya. Masayahin talaga si tita jess. 

"tara na " tas umakyat kami dun sa hagdanan , grabe tong hagdan nato . parang marmol ! tapos salamin yung hawakan . 

nakarating na kami sa second floor ng mansyon nila at huminto kami sa  isang pintuan . baka dito na yung kwarto ko . kulay blue ang pintuan !!! wahh my favorite!!

"tara pasok na tayo.." - tita jess 

"ok po " at sumunod nalang sa kanya , at pagpasok namin.....

.

.

.

.

.

.

.

"WOOOOOW!!!"  GRABBEEE!! SOBRANG GANDA!!  AT ANG LAKI LAKI PA !! CAPSLOCK PA , KASE SOBRANG NAKAKAGULAT TALAGA !

all- blue ang concept nitong kwarto nato !! kurtina , tas yung pintura! ang ganda shemay!! kwarto ko ba talaga to ?!  mas maganda pa to sa bahay nung kakllase kong anak ng mayor eh! 

"tita jess... kwa-kwaarto ko po ba talaga to ? " mahirap na baka sa iba pala tong kwarto nato , wag assuming . 

"oo naman , bakit ayaw mo ba ng itsura?" ha? totoo? akin talaga to ?!

"tita jess, gustong gusto ko nga po eh , di ako makapaniwalang sa akon ito , saka kumpleto na po ng gamit , saka favorite ko pa yung kulay . paanong ganto po yun ? coincidence lang po na favorite ko lahat ng nasa kwarto nato ? " kahapon ko lang kase sa kanya sinabi  yung mga dream ko sa buhay . and now...

here i am , nandito ako sa una kong pangarap !

"hahaha, kahapon diba sinabi mo sakin yung mga  gusto mo ? tumawag ako sa mga kasambahay kahapon para ayusin na tong kwarto mo " wahhh ang bait  talaga ! nakakatouch nato ! nanggigilid na ang luha ko .

yinakap ko si tita jess , grabe .. " tita jess salamat po talaga sobrang laki ng utang na loob ko sa inyo, pagsisilbihan ko po kayo hanggang kamatayan ko  pa. " wow ganda ng speech ko . pero totoo lahat ng yun  . 

"sige , iha , bababa muna ako , ha? enjoy mo lang itong kwarto mo  "  tas lumabas na sya sa kwarto ng nakangiti . 

ako nalang ang mag-isa rito.... inikot ko muna ang pangin ko .....grbe kumpleto na talaga , may cabinet pa ako.   Ay oonga pala ! ililipat ko na ang mga damit ko,  nasa bagahe pa pala . 

kinuha ko ang bagahe ko at , binuksan ko ang cabinet. pag-angat ng ulo ko ..... wahhh!! bat ang daaming damit dito ?! ang gaganda shemay!  parang brand new lahat 

tapos ang gaganda pa ! alam nyo yung simple lang sya , pero ang elegant ng dating . hindi sya malaswa pero pag sinuot mo masasabing may sense of fashion ka.....pero .........

KANINO ANG MGA TO ?!  kala ko kwarto ko to ? hala! baka iba pala napasukan namin ni tita jess?! may nakatira pala dito ?!  

agad akong bumaba at hinanap si tita jess .

"tita jess" tawag ko sa kanya

"bakit iha , may problema ba ?" nag aalalang tanong nito .

"ehh, wala naman po . Sakin po ba yung kwarto na yon ? " naguguluhan na talaga ako .

"oo naman ,"

"eh .. bakit po may damit na doon sa cabinet ? ilalagay ko palang po yung akin. "

"ahh, yun ba ? sayo iyon , pinabili ko na rin , nandon narin yung uniform mo sa new school mo . Ayun nalang yung suotin mo dahil ......mas ok yun  , mas bagay sayo iha . " then nag smile na si tita jess , oo nga mas maganda ang mga yon , pero may pang alis naman ako eh . 

"ayaw mo ba ?" dagdag pa ni tita jess , 

"hindi naman po, ang totoo nga po ang gaganda eh, pero nakakahiya na po , ang dami nyo nang nagawa sa akin , meron pa naman po akong mga pang alis . " --me

"alam mo iha, tanggapin mo na kase masasayang lang iyan pag hindi mo tinanggap dahil baka itapon nalang yan " ha? itatapon ganyan kagandang mga damit ? mas lalo namang sayang !

"ah sige po , tatanggapin ko na po , sayang naman po eh , basta po promise ko po , pag nakapag aral na ako dun sa bago kong school mas pag bubutihan ko papo , then bibigyan ko kayo ng maraming medals !"  masayang sabi ko , siguro naman hindi imposible na mahonor ako dun noh ? may utak naman din ako . 

   "o sya , iha bumalik kana sa KWARTO MO  pag may nakita ka don na bagay na hindi sayo, sayo na iyon , siguro ayun yung mga bagay na pinamili ko , okay ? magpahinga ka na rin kahit bukas  na ayusin yung gamit mo , iuutos ko nalang kila manang. 

"ay, hindi na po, ako na pong bahala sa gamit ko , kaya ko na po yun tita jess. " then nag smile na ako sa  kanya 

 "ok, papahinga na rin ako, napagod ako sa byahe eh" 

"sige po, sweet dreams haha " tas yinakap ko sya . "thank you po ulit sa lahat "

    nang umalis na si tita jess dumiretso na ako sa kwarto ko daw hihi, ang sarap pakinggan may sarili na akong kwarto .

pagkapasok ko ay nahiga na ako , siguro nga bukas ko nalang aayusin yung gamit ko , may jetlag din ata ako , tas humiga na ako sa kama . 

"wahh, sobrang lambot !" tapos yinakap yakap ko yung  mga unan . 

nang nakatulala ako sa kisame , naisip ko yung mga nangyari kung paano ako napunta sa palasyong ito . 

kamusta na kaya si mang pulding ? (yung tinatanungan ko ng oras?) 

eh yung mga kaklase ko kaya ? sino na kaya yung bagong president ng school ? sana naman maayos nya yung FNHS mahalaga sa akin ang paaralang iyon . 

yung mga na tutor ko , last na tutor ko na pala iyon sa lugar namin .... unexpected talaga ang mga nangyari .

parang kahapon lang , mahirap pa ako sa daga , ngayon nakatira na ako sa mansyon ni tita jess . 

naalala ko pa yung kabagalan ng tricycle  ni manong , ang nagligtas kay tita jess pati na rin yung mga doktor . Pero pasalamat pa rin kay manong driver dahil di kami makakarating sa ospital pag wala sya , kahit mabagal ang takbo ah .

hay,, bukas  panibagong araw nanaman pero bagong buhay na talaga ang dadanasin ko .    ........

hindi ko namanlayan nakatulog na pala ako , napagod na talaga ako sa byahe ...


zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Royalty AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon