Iikot lang to sa mundo na kung saan ako lang ang ASSUMERANG TAO -_-
Ako si Joan , 16 yrs old . Walang ano ano. Isa akong simpleng babae na wala ginawa kundi ang tumunganga sa Timeline ng Crush ko. Silip ang Posts , Comments , Pictures , inshort "STALKER AKO".
Bakit sa lahat lahat ng ini-Stalk ko , sya lang nag patibok ng puso ko ?
Bakit sa lahat lahat ng iniidolo ko , sya lang ang napansin ko ?
Bakit kase sya pa ? Sya pa na imposibleng magugustuhan ako.
Maputi sya , morena ako. Mayaman sya , gutom ako. Gwapo sya , kamusta naman ang Peslak ko ? Nakakainsulto diba ? Yan ang buhay na kung saan mag aassume ako ng todong todo 😢