Ikaw
Ikaw! Ikaw nga ba ang right person para sa kanya? Ikaw na nga ba ang Mr. Right niya? Ikaw na nga ba ang huling magpapatibok sa kanyang puso? O baka naman IKAW ang mananakit sa kanya?
Masakit sa isang tao ang iwan na kanilang minamahal. Yung tipong minahal mo ng sobra pero yun pala hindi ka pala minahal, iba pala ang mahal niya.
Ngunit sa storya kayang ito ay mapapatunayan na ang story ay laging happy ending?
-----
My name is Kamille Anne Suarez. I'm 2nd year college at no boyfriend since birth. Gustuhin ko mang magkaroon ng boyfriend pero ayaw ni mama at saka wala din namang nanliligaw sa akin.
Sabi nga ng mga kaklase ko ang ganda ganda ko daw pero walang nanliligaw. Tatlo kaming magkakaibigan, si Maica at Abby. Silang dalawa may boyfriend na. Si Maica magtatatlong taon na sila ni Ian. Si Abby naman maglilimang buwan na sa katapusan sila ni Drake. Magkaibigan rin yang si Ian at si Drake.
Kailan ko kaya mahahanap ang forever ko? Yung first and last na magpapatibok ng puso ko. Yung hindi ako lolokin at sasaktan sa bandang huli. Yung hinding-hindi ako magkakamali na siya yung pinili ko.
"MS. SUAREZ!" nagising ako sa katotohanan dahil sa malakas na sigaw ni Ma'am Lopez. Isang terror teacher. Ayaw niyang walang nakikinig sa kanya. Palibhasa'y walang asawa. Paanong walang aantukin e, math ang tinuturo. Yung mga squared cube cube na yan!
"Yes ma'am?" Agad kong tugon habang pinupunasan ang mga laway na tumulo mula sa aking bibig. Agad nagtawanan ang mga kaklase ko. Natawa rin yung crush ko. Napayuko nalang ako sa kahihiyan.
"Wag kasing tutulala sa klase ni Ma'am" tatawa-tawang bulong ni Jack. Omg! Di nga!? Kinausap ako ni crush? Omg omg. Help me! Hihimatayin yata ko sa kilig at kulang nalang ay maihi ako sa panty ko. LUPA KAINIS MO NA AKO NGAYON NA AS IN NGAYON NA TALAGA!
Feeling ko pulang pula na ko sa kahihiyan. Nakatayo pa rin ako hanggang sa napansin kong hindi pa rin tumitigil ang mga kaklase kong nagtatawanan kaya napaupo ako bigla.
Jack Andre Sison, isang heartthrob at may ari ng kanilang school. Pala-asar siya at medyo mayabang.
Lumingon siya sa kinauupuan ko at napangisi ng kaunti at saka sinilip ng saglit ang kanyang cellphone. Napakunot naman ang noo ko. Problema no'n?
"Hoy" muntik na kong mapasigaw ng gulatin ako nina Maica at Abby. "Recess niyo na, tutunga-tungaga ka pa diyan" tatawa-tawang sabi ni Abby.
"O ano naman?"
"Laway mo kasi tumutulo" pinanusan ko agad iyon bago pa man maturn off si crush.
Agad nila akong kinaladkad patungong canteen. As usual, bibili ako ng iced tea at pizza worth 17 pesos. Tipid tipid din no! Siyempre pag nagka-boyfriend ako, gastos here gastos there!
BINABASA MO ANG
Ikaw (one-shot) {PART 1}
Short StoryPart 1 Ikaw. Ikaw nga ba ang right person para sa kanya? Ikaw na nga ba ang Mr. Right niya? Ikaw na nga ba ang huling magpapatibok sa kanyang puso? O baka naman IKAW ang mananakit sa kanya? Masakit sa isang tao ang iwan na kanilang minam...