PAG-ULAN

844 5 1
                                    

Umuusbong nanaman ang pagulan ng kalungkutan sa puso ko.
Alam ko naman na kahit mag payong ako mababasa lang ako.
Pero bakit kahit labanan ko ang pangungulila at kalunglutan dito sa puso ko patuloy padin ang pagulan.
Ni hindi ko alam kung kailan titila ito.
Dahil alam kong sa pagbaha lang ng mata ko ito papatungo.

Patuloy ang pagbuhos ng ulan.
Dinadama ko padin ang pag alis mo.
Kinakain padin ako ng sikreto sa puso ko.
Naniniwala pa din ako mapaghanggang ngayon sa pangako mo.

Hindi nako makapagsalita.
Parang ang pagiwan mo ang siyang nagtahi sa aking labi.
Parang ang pagbitaw ang siyang naging dahilan kumbat lumamig ang aking mga gabi.
Parang ang pirapiraso kong puso ang naging dahilan kumbat ang lugar ko'y nagdumi.
At parang ang naging dahilan ng pagulan ng kalunglutan sa puso ko ay ang pagiwan mo ng walang pasabi.

Habang patuloy ang ulan, patuloy din na bumabaha ang mga luha sa mata ko.
Patuloy ang pananalanta nito sa puso ko.
KUNG ANG PAGPUTOL  NG PUNO ANG SIYANG NAGING DAHILAN SA PAGBAHA,
ANG PAGPUTOL MO NAMAN NG KONEKSYON SA AKIN ANG DAHILAN KUMBAKIT AKO LUMULUHA.

Napapagod na akong maglakad sa ulan.
Napapagod nakong maghanap ng masisilungan.
Patuloy padin ang pagbaha.
Kailan nga ba ito titila.
Kailan ba sisikat ang araw.
Sa madilim ko bang mundo may magaalay pa ba ng ilaw?
Umalis kasi ang ikaw.
Sa sugat ng puso ko patuloy ang pagdapo ng mga langaw.
Kailan ba titila ang pagulan.
Kailan ba ako magigising sa katotohanan.

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon