Pwede bang pakinggan mo ako?
Pwede bang dinggin mo lahat ng sasabihin ko?
At pwede bang ipasok mo sa kukote mo lahat ng salitang lalabas sa bibig ko?
Sige! Sisimulan ko na.
Sisimulan ko duon sa sinabi mo sa akin ang salitang mahal kita.
Nakakapagtaka.
Parang kailan lang ito pa ang sinasabi mo sa akin pero ngayon, umalis kana. Naglaho kana.
Pero alam mo? Okay lang naman na umalis ka pero sana nagpaalam ka naman. Hindi yung iiwan mo ko ng basta basta na puro sakit ang nararamdaman. Hindi yung aalis ka ng walang paalam.
Kasi alam mo ang sakit!
Ang sakit kasi kinain ako ng mga nakakasuka mong biro at nakakapunyeta mong mga pangako.
Na nalunod ako sa agos ng Kasinungalingan mo, at nilipad ako ng pakpak mo sa masukal mong mundo. Na akala ko sasaya pako, tayo. Pero mali ako. Dahil halos malunod na ako sa grabeng pag agos ng luha sa mata ko.Napakasakit pala.
Na makulong sa salitang sana.
Na maniwala sa salitang baka.
At makain ng salitang akala.
Na alam mo sana di nalang pala.
Di na ko nagpadala sa pakpak mong napakaganda pero panlabas lang pala. Na sa kinailaliman pala nito mayroong mga balahibo na parang tinik na maaaring ikasugat ng puso ko at maging dahilan para lumuha ang mga mata ko.
At sana di ko nalang pala pinasok ang mundo mo.
Nabighani lang naman kase ako sa mga bulaklak na umuusbong dito, yun ang biro mo.
Napaniwala ako sa mga mahikang pinapakita mo, yun ang pangako mo.
At nadala ako sa mga karatulang nakapaskil dito na nagsasabing, "Mahal mo ako"
Pero hindi eh! Panandalian lang pala. Kase isang umaga gumising nalang ako wala kana. Naglaho kana.
Kumbaga sa pagkain nawalan ka ng gana. Kumbaga sa pagtakbo napagod ka. At kumbaga sa manipis na tali pinutol mo na. Na ako naman talaga ang dapat na gumawa.
Napakadaya mo! Ako na yung lubos na nasasaktan ako pa yung naiwan ng ganito.
Na sana di mo nalang talaga ko inanyanyahan sa mundo mo.
Sana hinayaan mo nalang ako na magisa sa sariling mundo ko.
Hinayaan mo nalang sana 'ko.
Edi sana, iiyak lang ako kung sakaling may mawala sa gamit ko o kung makapanood ako ng isang palabas na tusok sa damdamin ko.
Na sana masasaktan lang ako kung sakaling maipit ang daliri ko sa pinto, madulas ako, madapa ako, o kung anong matalim na sumugat sa balat ko.
Edi sana yun lang.
Hindi yung eto pakong pinaikot at pinaglaruan yung aking nararamdaman.
Sana hinayaan mo nalang.
Pero kasalanan ko din. Tanga ko kasi.
Nagpadala ako sa matatamis na salita at pangako mo. Na akala ko mananatili ako sa mundo mo pero hindi. Pinasyal mo lang ako. Tapos nang mapagod ka na, niligaw mo nalang ako. Yung sa isang iglap naglaho yung mundo mong pinasok ko. Yung mundo mong masukal, puno ng biro at Kasinungalingan, naglaho ng panandalian at di ko namamalayan.
Na yung naglaho ang mundo mong pinasok ko biglang dumilim!
Na pilit kong tinatanaw yung liwanag pero napakalayo padin.
Mukhang malayo pa ang aking lalakbayin. Dahil sa sakit na iniwan mo sakin. Pero teka, wala nakong gana magsalita. Paano ko nga ba tatapusin ang tulang ito? Paano? Sige. Sisimulan ko ulit sa umpisa duon sa sinabi mo sa akin ang salitang mahal kita. Nakakapagtaka. Parang kanina lang nagsusulat pako pero ngayon, Kakalimutan na kita.- Rconpash.
~ Vote. Comment. Share. ❤😊 Thank you.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
ŞiirPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.