Chapter Twenty One

62 10 10
                                    

Two updates for a day. Enjoy chinggus.

_eLLemarie_

---

Elle's POV

Kakarating lang namin sa hotel at kasalukuyang naka-sakay kami sa elevator papunta ng designated rooms namin.

"Girls ano agenda natin?" Tanong ni Sugar.

"Swimming tayo? Ayain niyo ang EXO." Aya ni Nowella.

"Wushuu. Gusto mo lang makita na nakahubad si Jong In eh." Tukso ni Casey at napuno ng tawa ang buong elevator.

"Grabe? Nakahubad talaga? Hindi ba pwedeng half-naked lang? Shirtless lang teh, wag kang exagerated." Gaga talaga 'tong si Nowella. Hahahaha. Abs lang ni Kai ang habol niya.

"Hoy ikaw, mamaya na ang paglalaway mo sa abs ni Kai Oppa." Saway ni Llanah, "Hindi pa tayo sigurado kung may free time tayo mamaya. Baka may activity na ipagawa sa atin." Dugtong niya.

"Yannie-ah~ Sabi ni Chanyeol hindi pa daw mag-uumpisa ang activities ngayon kaya may free time pa tayo." Sabi ko sa kanya.

"Oh? Jeongmal? (Really?)" Di makapaniwalang tanong ni Cess. Tumango lang ako.

"3 days lang ang activity day natin. Kaya may tatlong na araw pa tayo para mag-enjoy." Sabi ko pa.

"Yeeeeeees!" Hiyaw nila. Napangiti lang ako sa excitement nila.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa 50th floor. At pagkabukas ng elevator...

"WOW~" 'Yan ang tanging nasabi namin.

Damn. Hotel pa ba ito? Parang bahay na eh.

"Girls. Akala ko ba, individual rooms?" Nakangangang tanong ni Allona.

"Akala ko nga rin eh." Sabay naming sagot sa kanya.

"I'm glad you liked it."

Napalingon kami sa nagsalita.

"Kris Oppa."

Ngumiti siya, yung labas-gilagid na ngiti niya. Pero ganunpaman, ang gwapo niya pa rin.

"Oppa, akala ko ba. Individual rooms?" Tanong ni Cess kay Kris. Umiling lang siya, "Iba yung sa inyo. Suho and Luhan had it specially reserved for you girls. Narinig niyo naman siguro ang sinabi ni Luhan kay Ellaine kanina." Panunukso ni Kris kay Ellaine. Yung kapatid ko naman namula, parang kamatis. Hahaha.

"Isn't it unfair for the others?" Tanong ko kay Kris.

Kumibit balikat siya, "Well... yes. But, you should know by now that you can't stop Suho by doing anything he wants. Mabait siya, oo, pero kapag may gusto siya ay gagawin niya ang lahat para lang makuha 'yun." Paliwanag ni Kris. Ayaw ko nang umangal pa kaya tumahimik na lang ako.

"Anyways, the rooms are upstairs. Sad to say but there are only six rooms. So the four of you must pair up. I'm sorry. I can't give you the best accomodation." Umiling ako, "Ano ka ba Oppa, sobra-sobra na nga 'to eh." Sabi ko at tumango-tango lang ang iba bilang pagsang-ayon, "Wala namang problema sa amin kahit tabi pa kaming walo sa iisang kwarto." Dagdag ko pa.

"Majayo (That's right)." Singit ni Berns.

"And this is already the best hotel accomodation I've ever experience from one of the Top Hotels in France. So don't worry, Oppa." Agad na napangiti si Kris.

"Keurae (Okay). Enjoy yourselves ladies." Sabi ni Kris saka lumakad papuntang elevator.

"Arasso (Alright) Oppa." Sabi naming lahat pero bigla naman siyang lumingon ulit, "Oh, and by the way we will have a dinner tonight at Kyungsoo's restaurant. We will leave at 6 o'clock. So get ready. Your pairs will fetch you here later."

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon