Entry 11.0

24 2 0
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:  Kay Foobar ulet, 

Nakwento ko sa mga kaibigan ko na nag-fan ka nga. Saka yung story mo na Love Story in Wattpad.

Natawa ako. Bakit?

Bigla ba naman akong ni-link sa'yo? Wahahaha. Walanghiya, tayo daw yun.

Kung hihingiin mo nga pala yung pangalan nila, ibibigay ko yun sayo ng buong puso para maipa-shoot to kill mo na sila. Haha.

To my loyal friends--> tamaan sana kayo. Mga timang. 

Cindy---> Welcome to the club! :)

People are funny. They spend money they haven’t earned, to buy things they don’t need, to impress people they don’t like.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Cindy's POV)

This is it. This is really really is it is it.

Wooh. Kinakabahan ako. Eto na ang pinakaaabang-abangan ko--

The Math Club of the Philippines Interschool Competition (Nationwide).

Ang dami ng representatives ng school namin. Siguro, mga tatlong van din yung napuno namin. Kaso, nakakaasar. Ang tatahimik nila. Malala pala talaga kapag naging GC ang mga lalaki.Saka mga tensed din siguro. Besides, we had prepared long enough to have this intense determination to win.

Halu-halo yung emotion ko. Masaya na kabado na excited na kabado na masaya.  Haha.

"Psst!"

Nilingon ko yung paligid ko. Nakita kong si Kent yung sumitsit sa akin. 

"Kabado ka?"

Tumango ako ng marahan. "Medyo. I feel butterflies in my stomach. Haha. Pero ang saya. Ang laki pala ng school na ito no?" Nilibot ko yung paningin ko sa buong school.

Maganda rin yung school nila. May flower farm saka ang lawak ng daanan.

Nung tinawag na kami ni Sir Nolasco para papasukin sa Audio-Visual Room kung saan gaganapin yung competition, napanganga talaga ako.

Hindi ko naman ine-expect na ganito kadami yung mga participants. Sabagay, sa bawat division ba naman, mga 25 yata eh. Haaa. Na-pressure tuloy ako bigla.

Di ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Kent. Inakbayan niya ako.

"Ok lang yan. Relax ka lang. Wag mong isipin na nasa contest ka. Ang isipin mo, nagsasagot ka lang ng workbook sa bahay. Pag hindi mo alam, eh di hulaan."

Napatingin lang ako sa kanya. Kinindatan niya ako.

Argh. Ang gwapo niya talaga.

"Salamat."

"Kailangan natin yung gawin para manalo. Di ba?"

Nilibot ko yung paningin ko sa buong paligid. "Mukhang malabo. Ang dami natin eh."

"Tsk. Ang labo mo. Nakipag-compete ka pa kung alam mo namang imposible kang manalo. Anong gagawin ko sa'yo pag nag rank one tayo?"

Siyempre, magpe-play safe muna ako. "Pakainin mo ako."

"Hindi naman pwede yun. That's unfair. O ano? Pustahan?"

"Ano namang ipupusta mo? Wala pa akong maisip eh."

I'll Stay in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon