His POV
"Mahal na mahal kita..." bulong ko sa kanya
"Mahal na mahal din kita..." sabi din niya sa akin.
Nakahiga siya sa aking mga binti habang nakatingin sa aking mga mata. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal na meron siya sa akin. Mga mata niyang nagpahulog sa akin. Mga mata niyang gusto ko akin lang nakatingin. Sa akin lang...
"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, walang araw na hindi kita minahal. Bawat Segundo, minute o oras mas lalo kitang minamahal. Sa di ko malamang dahilan, mahal na mahal kita. Pinuno mo ang kulang sa akin. Ikaw ang nagging dahilan kung bakit ako mas lalong naniniwala na ang pagmamahal ay walang hinihinging kapalit. Mahal kita at alam ng nasa taas yun kung gaano kita kamahal... mahal kita kahit wala ako sa tabi mo. Mahal kita kahit di ko na nasasabi" sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok. Ngumiti ako sa kanya at binaba ko ang aking ulo upang mahalikan siya.
"Sana di na matapos ang araw na ito, sana lagi nalang tayong ganito. Sana tumigil ang takbo ng oras. Sana wala ng problemang dumaan sa ating buhay. Mahal kita" ngiti niya din sa akin.
Sana nga mahal ko... sana di na matapos ang oras na to.
-------------
Her POV
Nagising ako ng maramdaman ko ang init sa aking muka. Minulat ko ang mga mata at nakita ko ang sinag ng araw na tumata dito. Maaga na, mas lalo akong napangiti ng makita ang lalaking nasa aking tabi.
Mas lumapit ako sa tabi niya at yinakap ko siya. Ang saya saya ng gabi naming dalawa, panatag ako na mauulit muli yun. Hinawakan ko ang kanyang kamay nagbabakasakaling magiging siya pero hindi. Napangiti ako dahil ang himbing niya matulog.
Tinignan ko ang orasan sa aking gilid. Mag 11;30 na pala, anong oras din kami natulog kagabi. Binalik ko ang tingin ko sa lalaking katabi ko. Gigisingin ko na to may pasok pa ito eh!
"Mahal..." bulong ko sa kanyang tenga pero manlang siya gumalaw
"Mahal... bangon na may pasok ka pa mahal... uy!" hawak ko sa balikat niya grabe namang himbing ng tulog nito.
"Mahal! Uy... gising na" ngayon inalog ko na ang kanyang balikat. Nilapit ko ang aking muka sa kanya. "Mahal..." sabi ko habang papalapit ang aking muka sa kanya.
Natigil ako ng may maramdaman akong kakaiba. Di man lang siya gumalaw kanina habang natutulog. Dinala ko ang aking kamay sa dibdib niya at saka nilapit ang tenga ko sa kanyang bibig. "Mahal..." bulong ko sa kanya kasabay din nun ang pagtulo ng luha sa aking mata.
"Mahal naman eh..." huli kong sinsabi bago ko tumulo ang sunod na sunod na mga luha ko. Di siya humihinga. Di ko rin naramdaman na ang tibok ng puso niya. Anong nangyayari?...
After 2 years ...
"Palakpakan natin ang panginoon... " sinunod naming ang sinabi ng pari nagsipalakpakan kaming mga dumalo sa misa ngayong linggo.
Paglabas ko ng simbahan nakaramdam ako ng saya. Alam kong natutuwa sa akin ang nasa taas ngayon, alam kong masaya din siya para sa akin.
Naglakad lakad ako para makapunta sa aking karoroonan, hindi ako namasahe ngayon gusto ko rin kasi mapag isip isip habang naglalakad ako.
Napahinto ako sa isang palaruan na dinadayuhan ng maraming tao malapit dito sa simbahan. Maraming tao ang naglalaro dito karamihan mga bata, may mga matatanda rin dito upang bantayan ang kanilang mga alaga.
Makikita mo ang saya sa mga bata na naglalaro, mga pawis nilang galing sa pagod kakalaro, mga mabilis nilang paghinga kagagaling sa pagtakbo at mga tawa nilang kaysarap pakinggan. Mga batang hinihiling na sana wag na matapos ang araw na iyon para sa kanila.
Alam ko, mapa bata o matanda hinihiling na sa oras na masaya ka at kasama mo ang mga taong mahal sana ay wag na matapos ang araw na iyo para sa inyo. Hihilingin mo na sana maulit ang araw na ito, ang araw na kasama mo sila sa oras na masaya ka.
Pero kahit anong hiling mo na sana wag na matapos ang araw na iyon para sa inyo, di maiiwasang may darating na mga pagsubok sa buhay niyo. Mga pagsubok na magpapalungkot sainyo, magpapaiyak sa inyo, magpapahiwalay sa inyo.
Sabi nga nila pag may pagsubok na dumaan sainyo, kayanin nyo magkasama wag kayong bibitaw, kapit lang.
Pero paano kung ang pagsubok na dumating sa inyo, ay nakayanan mo mag isa ng wala siya? nakayanan mong lagpasan kahit wala na siya? nakayanan mong kumapit sa pag asang malalagpasan mo din yan kahit wala na siya.
Matapos ng pagsubok na yun, tatanungin mo ang na sa itaas kung bakit kailangan pa siyang mawala? Bakit siya pa? bakit sa oras na masaya na kami dun pa siya mawawala? Anong rason para kunin siya sa akin?
Pero kahit anong rason ang matanggap mo lam mo sa sarili mo na di na siya maibabalik ng mga nito, di mo na siya makakasama.
Ang kailangan mo nalang ay tanggapin ang nangyari, wala ka sa mundo na kapag masakit at ayaw mo sa nangyari eh babaguhin mo. Hindi ganun ang buhay. Masakit man o hindi, ayaw mo man o gusto kailangan mo parin ito tanggapin para sa ikabubuti ng lahat... para sa iyong sarili.
Yan ang natutunan ko sa mga araw na lumipas na wala siya tabi ko, pero kahit ganun di ko man siya makita ramdam kong nandun ang kanyang mga ngiti at pagmamahal na binigay niya sa akin. Di ko man siya nakikita ramdam kong ginagabayan niya ako.
Sa dalawang taong lumipas unti unti kong natatanggap na ang nangyaring yun.
Tanggap ko na sa sarili ko na oras na niya nun.
Tanggap ko na sa sarili ko na di ko na siya makakasama pa.
Tanggap ko na sa sarili ko na ang taong mahal ko ay nasa ibang mundo na.
Tanggap ko na lahat ganun ang buhay kailangan mong tanggapin ang mga bagay bagay, masakit man o hindi, ayaw mo man o gusto kailangan mo parin ito tanggapin para sa ikabubuti ng lahat... para sa iyong sarili.
Di mo kailangan magbago sa oras na mawala ang taong mahal mo, ang gawin mo ituloy ang nasimulan niyong dalawa. Di mo man siya nakikita sa tabi mo, pero ramdam mong nandun siya para gabayan ka.
Ako si Wendie Lustimo, na nangangakong habang buhay na mamahalin ang nagngangalang si Kyle Lustimo sa hirap at ginhawa, sa sakit at saya, nandito man siya o wala. Ang mahalaga ang pagmamahalan naming ang panghabang buhay na dadalhin niya hanggang sa taas.
BINABASA MO ANG
Time so Fast (One-Shot)
Non-Fiction"Life is too short" Lahat tayo hinihiling na sana tumigil ang takbo ng oras. Lalo na kung ayaw mog matapos ang araw. Sana maulit yung panahong masaya ka, tumatawa ka, kasama mo siya at buhay ka pa. Lahat tayo laging tinatanong na bakit kailangan may...