Kinabukasan, nag-ready ako ng isusuot ko. Alam ko naman kasi na pupunta kami ulit dun HAHAHA Sorry lolo Nestor HIHI
Nagpaka-bait muna ako sa bahay namin nung umaga. Housekeeper ang peg ng ate niyo! HAHAHA naglinis ako ng bahay, naghugas ng mga pinagkainan, naglaba. Mabuting bata be like! HAHAHA
Pagkatapos kong gawin lahat, nagpahinga na muna ako. Parang workout ko na rin yun. Sarap magpapawis eh. Edi nood nood lang muna ako niyan. Pagkatapos kong manood ng It's Showtime, naligo na ako para ready na ako mamaya.
Nung mag-aalas singko na ng hapon, umuwi na sila Mama and Papa para sunduin ako. So binilisan ko nalang ns nagbihis. EXCITED EH! PASENSYA! HAHAHAHA
Akala ko kung diretso na kami sa Cayabyab Residence, pero dumaan pa kami ng foodstrips para kumain. So nag-early dinner na kami. Umorder kami ng mami with beef and egg tapos burger. Usually kasi kapag kumain na kami sa labas, 'di na kami kumakain ulit sa bahay. Yung dalawang kuya ko nalang.
So pagkatapios namin kumain, dumiretso na nga kami sa bahay nila. Ewan ko ba! Kinakabahan ako na ewan! Ayos pa nga ako ng ayos sa sarili ko habang nasa tricycle eh. Nakakaloka!
Nung papasok na kami ng street nila, ayun! Mas lalo akong kinabahan! Gosh! Eto na talaga! HAHAHA
Pagkahinto ng tricycle, bumaba na kami nila Mama. Nakita ko siya agad. Nagka-eye to eye contact kami pero umiwas siya! Anong ibig sabihin nun? HAHAHAHA wait. 'Wag assuming.
So pumasok na kami sa bahay nila tapos tinignan at nag-pray sa corpse ni Lolo Nestor. 'Diba sabi nila, kapag bumulong ka daw sa patay, tutuparin niya yung hiling mo? Aaminin ko, hiniling ko kay Lolo Nestor na sana si Zaldy na ang forever ko HAHAHAHA close naman na families namin eh! Bakit ba HAHAHA
Pagkatapos naming nag-pray, umupo muna kami ni Mama tapos nag-kwentuhan. Ka-kwentuhan din ni Mama si Lola Violy. Same topic gaya ng dating pinag-uusapan nila, kung gaano ka-sipag at ka-bait si Lolo Nestor.
Time goes by, mga alas-syete na rin. 1 oras na kaming nandito. Para hindi ako ma-bored, inopen ko wifi ko tapos nag-hack ako ng kung ano mang network dun HAHAHAHA sorry na agad! Edi nakakapag-internet na ako. Tinignan ko kung naka-online siya. Active siya ilang minuto ang nakalipas. Lagi siyang tumatambay dun sa kapit-bahay nila, si Kuya Vanister.
Maya-maya, nagpa-tulong na rin si Mama kung paano i-hack yung wifi dun. Odiba? May pinagmanahan po ako HAHAHA
"Neng, turuan mo din si Papa mo dali. Para aga naburyong."
*Aga naburyong- hindi ma-boring."Alam na nila yan."
"Hindi pa. Dali na para dito pa tayo."
Kaya nilapitan ko nga si Papa para turuan ko din silang i-hanck yung wifi dun. Edi syempre successful! HAHAHA
Makalipas ang ilang sandali, parang narinig ko boses ni Kelly, best friend ko nung elementary.
Pagka-lingon ko, siya nga! Omy! Reunion na dis! HAHAHA so tinawag ko siya tapos tumayo ako para lapitan sila.
"Teh!"
"Uy teh! Na-miss kita!"
Tapos nag-yakapan kami HAHAHA 1 year din kasi kaming hindi nagkita! Kaya ayun.
Kasama niya sila Juryza, Rommel, Carl tapos yung iba pang barkada nila Rommel. Ayun, kwentuhan, picturan, asaran. Syempre lumapit din si Zaldy malamang. Pero maya-maya, tinawag din siya ni Tita Malene kasi maliligo sila sa kabilang bahay. Bawal daw kasing maligo sa sariling bahay kapag namatayan ka. Pamahiin kasi.
Edi sabi niya babalik daw siya. Pagkatapos nun, kwentuhan ulit kami. Puro "gutom na ako" ang naririnig namin kay Kelly kaya bumili muna sila ni Carl, pinsan niya, ng pagkain niya.
Pagkabalik ni Zaldy, kwentuhan nanaman! Pero girls' talk tapos boys' talk. Nung naubusan sila, nakinig nalang sila sa usapan namin kaso puro tungkol sa Wattpad kaya 'di rin nila maintindihan HAHAHA Nung medyo bored nanaman si Kelly, nag-aya siya na sumilip dun sa corpse ni Lolo Nestor.
"Tara teh pasok tayo."
"Sige na. Pasama kayo kay Zaldy."
Lumingon sakin si Zaldy sabay sabing
"Ni mag-pasama kayo sa kanya."
Tapos tinuro niya ako.
"Baliw ka. Ikaw ah!"
Tapos ngumiti nalang siya. ANG CUUUUUTE NIYAAAA! HAHAHA
Edi sinamahan ko nga rin sila Kelly tapos Juryza kaso pagpasok namin, naging center of attraction kami! Nandun si Tita Rizza, Tita Malene tapos Tita Rachelle. Nakakahiya lang kasi! HAHAHA so umupo nalang kami. Hindi na sila sumilip.
Nung maka-upo na kami, hiniram ni Kelly phone ko. 'Di ko alam kung anong ginagawa niya kasi hindi ko naman sinisilip. Hindi ko namalayan, nasa gallery siya! Omy!
"Ano to?!"
Tanong niya na may ngiti pa sa labi niya.
"Omy! Wala yan! HAHAHAHA"
Tapos nagtawanan nalang kami! Sinabi ko sa kanya na 'wag niya muna sabihin kahit kanino HAHAHA
Makalipas ang ilang oras, lumabas ulit kami tapos nag-kwentuhan ulit. Ang lapit ko nga kay Zaldy nun eh! Nakaupo kasi siya sa likod ng tricycle namin tapos nandun naman ako sa harap niya.
Pinag-planuhan namin yung outing kunno! HAHAHA hindi naman natutuloy lagi -______________-
So ayun,kung saan saang lugar pinag-usapan namin. Nung gumabi na rin, mga alas dyis na nang gabi, napag-desisyunan na nilang umuwi. Edi nagpaalam na sila sakin tapos kay Zaldy. Sinabihan pa nga siya na magpataba daw. Ang payat kasi niya! Masyadong conscious sa katawan. Edi ngumiti ulit siya! Ako'y nahuhulog hulog sayoooo oh! HAHAHA Ang gwapo kasi! Bakit ganun? HAHAHA
Pagkaalis nila, pumasok ulit ako sa bahay nila Zaldy. Nagkwekwentuhan pa silang lahat so nag-facebook nalang muna ako. Pagkalaan ng ilang minuto nung wala na silang mapag-usapan, niyaya na akong umuwi nila Mama.
So nagpaalam na rin kami sa kanila tapos babalik nalang kami kapag may time. Tapos lumabas na kami. Pagkalabas ko, nakasalubong ko si Zaldy! Nagpaalam din ako sa kanya
"Uy, alis na kami."
Tapos sinuntok ko siya ng mahina sa right arm niya. Then tumango tapos ngumiti nalang siya in response.
Pagkasakay ko sa tricycle, tumingin ulit ako sa kanya tapos nakita ko na nakatingin siya sakin! Omy! Kinikilig talaga ako! HAHAHA hanggang pag-alis namin, nakatingin parin siya.
Okay kumpleto na ang araw ko! HAHAHA
Pagka-uwi namin ng bahay, nag-chat ulit kami. Ayun, usap dito, usap dun. Tinanong ko siya kung bakit 'di niya ako pinapansin. Sabi niya
"Ikaw kaya ang hindi namamansin."
Tapos ayun, nag-pasahan lang kami kung sino yung hindi namamansin. Baliw din talaga eh! HAHAHA
Nung inantok na rin ako, nagpaalam na ako para matulog. Ayun 😍😍
BINABASA MO ANG
My Summer Story
Non-FictionIt was a little love but not at the wrong time. Maybe someday, if ever our tracks meet again, then maybe that's the perfect time for the two of us. THIS IS THE STORY OF MY SUMMER. NON-FICTIONATED. ALL EVENTS ARE TRUE :)