Chapter 40: Dare to be naked

3K 97 7
                                    


AUBREE'S POV:

           SA totoo lang ay kinakabahan ako. Hinawakan ni Gee ang kamay ko dahil walang tigil ang pagpapaputok ko sa daliri ko.

          "Hon....relax. Hindi kita pinipilit okay? I really just wanna be with you, 'yun lang. Gusto lang kitang masolo," mahina niyang sabi. I just smiled coz' I really don't know how to react. I kept myself and my muscles calm.

           Huminto ang taxi sa lobby ng hotel. Ako ang nagbayad ng pamasahe. Hindi ko siya hinayaang maunang mag-abot.

          "Room for two please, overnight," confident kong sabi sa reception. Pero sa totoo lang ay nahihiya ako. Iniwan ko munang maupo si Geela. Pagbalik ko sa kinaroroonan niya ay parang biglang bumagsak ang balikat ko at sumikip ang dibdib ko. Kausap niya si Tweeny. Yeah, small world. (Pero buwisit! Of all places.)

            Paglapit ko sa kanya ay bigla niya akong hinapit sa beywang na parang sinasabi niya sa kausap niya na sa kanya ako. Nagdiwang naman ang puso ko. (Oh ha, who you ka Twinkiebellz! )

            "Uhm Hon, si Tweeny, dito rin pala siya naka check-in. Pero uuwi na rin ngayong gabi, may flight siya to Malaysia."

( Hindi ba puwedeng sa North Pole?! )

            "Hi," plastik kong bati. Naiininis ako, paharang-harang sa landas naming dalawa.

           "Hi, nice to see you both again. Hmmm...mukhang inlove na inlove talaga kayo sa isa't-isa ha," comment niya pero inaakit girlfriend ko sa tono nya.

            Hinilig ni Gee ang ulo niya sa balikat ko. "Yah, oo naman! Eto nga, gusto akong masolo tonight," sabi niya sabay kindat.

            Hindi ko tuloy alam kung seryoso siya o front niya lang o pinagseselos lang niya si Tweeny? Siyempre, bakit nga ba kami naging close ni Gee? Di ba to practice sweetness and romance to win Tweeny? Iniisip ko tuloy, totoo kayang natabunan na ng pagmamahal ko ang feelings niya kay Tisay? :( Nag-blush ako sa sinabi ni Gee sa word na 'solo'.

            Bumaling sa akin si Tweeny. "Naku Aubree, you need a lot of patience."

             Ano raw? Ano'ng patience? Saan daw? May nangyari ba sa kanila noon? Ouchie! Ang sakit kung totoo ang iniisip ko!

          "Oh! You don't need to worry, kabisado ko na ang bawat himaymay nitong si Geela," ganti kong malanding sagot. Kala niya, siya lang ang marunong ha. Siya naman ang biglang natigilan.

           "Oh well, I need to go," sabi ni Tweeny sabay halik sa pisngi ni Gee. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Shit lang, ayoko ng may nakikitang humahalik sa kanya, sa kahit na anong parte niya.

            Pagpasok ng kuwarto namin ay hinagis ko sa kama ang bag ko at pabalagbag na nilapag ang susi ng room sa tokador. Pormal lang ang itsura ni Gee, may mga matang nagtataka.

           "Bakit?" tanong niya.
           "Ano'ng bakit?" tanong ko nang umupo ako sa paanan ng kama at tinatanggal ko ang sandals ko. Humarap siya sa akin ng nakapameywang.

            "Yan! 'yang haba ng mukha mong 'yan?"
           "Wala."
           "Wala?! Eh kulang na lang ako ang ihagis mo sa kama eh. Buti sana kung may gawin ka matapos mo akong ihagis?" sagot niya sabay ngisi. Nakakainis lang panunukso niya.

           Tinanggal ko ang tali ko sa buhok at nilagay sa bag ko. "Wala ngaaaa.....nakakainis!"
          "Ano?! Wala 'tas nakakainis? Ano ba talaga?"

          Sumampa siya sa kama at pumuwesto sa likuran ko. Biglang minasahe ang balikat ko.

          "Alam ko na, stress ka lang sa school diba? Halika, masahehin kita."

Cie-Ree-Na (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon