Chapter 38- Missing Kate

357 7 5
                                    

Syfred

~*~*~*~*~

Sa tanda kong 'to kinikilig pa ako?

Tanggap naman ako ng mga magulang niya kahit na nung sinalubong ako ay may dalang itak 'yung Kuya at Tatay niya.

'Wag na 'wag daw akong magkakamaling saktan 'yung bunso nila.

Hindi ko gagawin 'yun no.

Magpapakamatay siguro muna ako bago mangyari 'yun.

Siyempre nakakatakot kaya kung ibang tao ang papatay sa 'yo.

Nasa ibang bansa ngayon ang mga magulang ko kaya hindi ko pa magawang ipakilla ng pormal si Kate.

Alam naman na nila na nililigawan ko siya.

Okay lang sa kanila pero nung nalaman nila na gusto din siya ni Shaun, parang nagbago ang isip nila.

Patulog na sana ako pero nakita ko mula sa terrace ng kwarto ko na kakadating lang ni Shaun. gabi na a?

Sa terrace kasi ng kwarto ko makikita mo 'yung gate. 'Yung entrance ng bahay.

Mula sa baba napatingin sa akin si Shaun.

Ang sama talaga ng tingin niya.

Kaya sinalubong ko siya sa sala at tinanong kung ano ang nangyari.

"Masaya ka na? *hik* Karibal na nga kita kila daddy hanggang kay Kate ba naman? Lagi mo na lang akong *hik* inaagawan!" Salubong niya sa akin.

"Hindi ko siya inagaw sa 'yo. At tsaka pwede ba, himasmasan mo muna 'yung sarili mo. Ayokong makipag-usap sa lasing!"

"Ang yabang mo a! Porket nakukuha mo lahat ng gusto mo? Siguro *hik* siniraan mo ako kay Kate no? *hik* Wala kang kwentang Kuya!"

"Bakit ako ang sinisisi mo? Palibhasa puro lakwatsa ang alam mong gawin sa buhay noon! Tsaka hindi ko na din kasalanang immature ka!"

"Sumosobra ka na a!"

Hindi ko ine-expect 'yung sumunod na nangyari. Sinuntok niya ako sa mukha!

Ayoko na sanang patulan kasi nga lasing 'yung tao.

Tinalikuran ko na lang pero sinuntok pa ulit ako sa braso kaya hindi na ako nakapagtimpi sinuntok ko na din.

Kung hindi pa siguro kami pinigilan nung mga kasambahay namin hindi ko alam kung gaano kalala ang aabutin namin.

Kinabukasan hindi ko na nakita si Shaun. Tama lang. At baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

Ginawa ko na lang ang daily routine ko.

Almusal, ligo, bihis, punta kila Kate.

Hindi na ako bumaba ng sasakyan.

Nagulat siya nung makita niya ako.

"Saan mo nakuha 'yang mga sugat mo?"

"Nahulog ako sa hagdan. Sobrang tuwa ko kasi kahapon nagtatatalon ako doon sa hagdan hanggang sa nadulas ako tapos nahulog na nga."

"Kawawa naman 'yung sahig nabahiran ng dugo mo."

"Thank you ha! Pa-kiss nga!"

Hala ka tinawanan lang ako! Hindi ako makangiti, bumubuka kasi 'yung sugat sa bibig ko ang hapdi pa man din.

Nag goodbye kiss na siya sa pisngi ko at sabi niya 'wag na daw akong mag-abalang pagbuksan siya ng pinto.

Sabagay, nakakaawa 'yung mukha ko.

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon