Bata pa lang si Raine ay naiintindihan na niya ang ilang mga bagay bagay tungkol sa kanyang pamilya. Nag-iisang anak ang kanyang ina na Si Anne Gremory. Mayaman, maimpluwensya at tinitingala ang pamilya Gremory ngunit kahit ganoon pa man ay nanatiling mapagkumbaba at simple ang kanyang ina(Raine’s mom). Mataas ang expectation ng kanyang lolo sa kanyang ina kaya ng piliin niya ang isang gang leader na hindi nabibilang sa kilalang pamilya ay nagalit ito at itinakwil ang kanyang nag-iisang anak. Hindi man marangya ang kanilang pamumuhay ay masaya naman ito at puno ng pagmamahalan. May galit si Raine sa mga mayayamang tao dahil sa nakikita niya ang pang mamaliit nila sa kanyang mga magulang. Sinasabi nila na isang hangal ang kanyang ina dahil pinili niya ang isang tao na hindi siya kayang bigyan ng marangyang at masaganang buhay. Ngunit kahit ganoon pa man ay sinasabihan siya ng kanyang ina na wag na lang itong pansinin lalo’t malapit na siyang maging kuya. Alam ng kanyang ina na delikado ang kanyang panganganak ngunit mas pinili niya itong ituloy. Ilang buwan bago manganak ang kanyang ina ay pinuntahan sila ng kanyang lolo at doon ay humingi ito ng tawad at ito naman ay ikinatuwa ng kanyang ina. Tanggap na ng kanyang lolo ang kanyang ama. Ayaw man tanggapin ng ama ni Raine ang alok ng lolo nito na mamahala sa isang kumpanya ng Gremory ay wala itong nagawa kundi tanggapin dahil na rin sa pilit ng ni Lady Anne at para na rin sa kapakanan ng kanilang pamilya. Naging maayos naman ang kanyang pagpapatakbo sa kumpanya lalo’t tinutulungan siya ng kanyang mga kasama. Ilang araw bago ang panganganak ni Lady Anne ay dinalaw siya ng mag-asawang sina Jake at Silphy Akashiya na kanilang matatalik na kaibigan. Sa unang pag-kakataon ay nakita ni Sophie ang ina ni Raine. Dito ay sinabihan si Sophie ng ina ni Raine na sana ay maging magkaibigan sila ng kanyang anak na si Raine. Sa araw naman ng kapanganakan ni Rhianne ay napuno ito ng magkahalong saya at kalungkutan dahil hindi nagawang makaligtas ni Lady Anne mula sa kanyang panganganak….
Mabilis lumipas ang panahon at nanatiling matatag ang pamilya nina Raine dahil na rin sa kanilang ama na hindi nagpapakita ng anumang kalungkutan. At tuwing nalulungkot at nangungulila naman siya sa kanyang ina ay hinahawakan niya lang ng mahigpit ang isang kwintas na ibinigay sa kanya ng kanyang ina at unti-unti ay napapawi ang pangungulila niya dahil nagsisilbi itong ala-ala niya sa kanyang ina.
Isang araw ay sinabihan siya ng kanyang ama na mayroon silang bibisitahing mga importanteng kaibigan. Lingid sa kanyang kaalaman ay ito ang magiging unang pagkikita nila ni Sophie. Galit si Raine sa mga mayayamang tao kaya di kataka taka na hindi niya pinapansin itong si Sophie kahit na nilalapitan siya nito at kinakausap. Napansin ito ng papa ni Sophie na si Jake kaya kinausap niya si Ryan(papa ni Raine) tungkol dito. At dito ay nalaman niya ang dahilan kung bakit parang ayaw ni Raine kay Sophie. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi natinag itong si Sophie at patuloy ang kanyang pangungulit kay Raine. Dahil naman sa pangungulit ni Sophie ay nainis si Raine at bigla na lang niyang nasabihan na “Ayaw ko sayo” ito. Umiiyak na pumunta si Sophie sa kanyang papa at di nagtagal ay nagpaalam na rin sina Raine.
Alam ni Raine na mali ang nagawa niya kaya kinausap niya ang kanyang papa tungkol dito. Sa kanilang pag-uusap ay nalaman niya na wala pang kaibigan na maituturing si Sophie. Kinabukasan naman ay pinilit ni Raine ang kanyang papa na pumunta kina Sophie upang makahingi ito ng tawad. Pinagbigyan naman siya ng kanyang papa at sila’y muling nagbalik kina Sophie.
Agad na humingi ng tawad si Sophie kay Raine dahil naisip niya na nagalit ito dahil sa kanyang pangungulit sa kanya. Nagulat si Raine dahil sa nauna pang humingi ng tawad itong si Sophie sa kanya kahit na pinaiyak niya ito. Simula naman noon ay madalas na silang nagkakasama at tuwing weekends ay kina Raine sila naglalaro kasama sina Rhianne at Shinry.
Naging malapit na magkaibigan si Sophie at Raine at napansin ito ng kanilang mga ama. Dito ay nagkasundo sila na kung ganito pa rin sila hanggang sa kanilang paglaki ay ipapakasal nila ang dalawa. Kahit na parang nagbibiro lang sila ng sabihin ito ay siryoso naman sila sa kanilang kasunduan. Lingid naman sa kanilang kaalaman ay mayroon na ring sariling usapan sina Sophie at Raine. Tinanong niya si Raine na kung magugustuhan siya nito pag sila ay malaki na at sinabi rin niya na may gusto ito sa kanya. Hindi naman nakasagot si Raine sa sobrang hiya niya ngunit halata naman sa kanya na gusto niya si Sophie.
Napansin ni Sophie na laging suot ni Raine ang isang kwintas na hugis puso at may nakalagay na letter “G” sa gitna. Kinwento ni Raine na ito ay ang nag-iisang regalo na ibinigay sa kanya ng kanyang ina bago ito pumanaw. Nasabi niya na importante ito sa kanya dahil ito na lang ang ala-ala niya sa kanyang ina.
Isang araw ay may isang malungkot na pangyayari ang pansamantalang naghiwalay kina Sophie at Raine.
Inimbitahan sina Raine na magcelebrate ng new year sa bahay nina Sophie. Masaya ang lahat at nagtatawanan habang sila’y nag kukwentuhan. Ngunit habang sila ay naghihintay sa bagong taon ay may biglang paputok na dumiretso sa kable ng bahay nina Sophie. Biglang nagliyab ang kable at mabilis na kumalat ang apoy. Hindi agad napansin nina Raine ang apoy kaya ng kumalat na ito ay hindi na nila naapula ang apoy. Agad na nagtakbuhan ang lahat papalabas ngunit bigla naman napatid at ito’y nahulog. Nakita naman ni Sophie ito kaya sinubukan niya itong pulutin ngunit pagpulot naman niya ay wala na siyang madaanan. Napansin agad ni Raine na hindi na nakasunod sa kanya si Sophie at nang marinig niya itong sumisigaw ay bigla na lang siyang tumakbo sa loob na hindi na iniisip kung ano ang nangyayari. Gamit ang isang unan pang hawi sa apoy ay napuntahan ni Raine si Sophie. Umiiyak ito at inuubo na rin dahil sa usok. Papalabas n asana sila ng biglang bumagsak ang isang kahoy sa kanilang dadaanan. Hindi na alam ng dalawa ang kanilang gagawin hanngang sa nawalan na ng malay itong si Sophie ngunit bago siya mawalan ng malay ay nakita niya ang mukha ng papa ni Raine. Nagawa namang makaligtas ni Raine at Sophie ngunit hindi ang kanyang ama. Bigla nalang lumaki ang apoy at hindi na nila nakita kung nasaan ang kanyang ama.
Ilang araw matapos ang malungkot na pangyayari nagluluksa pa rin ang lahat sa pagkawala ng papa ni Raine. Hindi alam ni Sophie kung paano niya maibabalik ang kwintas ni Raine dahil naisip niya na galit si Raine sa kanya dahil iniisip niya na siya ang dahilan kung bakit nawala ang papa niya. Ngunit isang araw ay nalaman niya na aalis na sina Raine sa kanilang lugar at sila ay titira na sa kanilang lolo. Nang malaman niya ito ay sinabi niya sa kanyang sarili na kailangan na maibalik niya ang kwintas ni Raine bago ito umalis kahit pa na galit ito sa kanya.
Nang magkita silang muli ay naging mas maaliwalas na ang mukha ni Raine. Dito ay nasabi niya kay Sophie na titira na siya sa kanilang lolo kaya nais niyang magpaalam ng maayos sa kanya. Habang nagpapaalam si Raine ay bigla na lang napaiyak si Sophie. Sinabihan naman niya ito na wag umiyak dahil ayaw niya itong nakikitang umiiyak. Iniabot naman ni Sophie ang kwintas kay Raine at humingi ito ng tawad sa kanya. Nagulat si Raine dahil nagtataka siya kung paano napunta ang kwintas sa kanya dahil ang alam niya ay nahulog ito nang nasunog ang bahay nina Sophie. Ipinaliwanag naman ni Sophie ang nangyari na pinulot niya ito nang mahulog ito habang sila ay papalabas sa bahay. Alam niyang importante ito para kay Raine kaya pinulot niya ito. Nagalit si Raine hindi kay Sophie kundi sa kanyang sarili. Naisip niya na kung hindi niya na kung hindi nahulog ang kwintas ay hindi mangyayari ang mga nangyari.
Bago magpaalam si Raine kay Sophie ay ibinigay niya ang kwintas dito. Sinabi niya na kagaya ng kwintas ay ganoon rin kaimportante si Sophie para sa kanya. Ipinangako naman ni Raine na babalik siya rito at kung sa kaling sa kanyang pagbabalik ay suot pa rin niya ang kwintas ay ibig sabihin na may gusto pa rin ito sa kanya at ipinangako na papakasalan niya ito.
Lumipas ang mga taon at unti unting nakalimutan ni Sophie ang nakaraan. Nagkaroon na rin siya ng mga kaibigan at isa rito ay si Gino na isa ring dahilan kaya nagawa niyang makalimutan ang mga malulungkot na pangyayari. Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi pa rin niya tinatanggal ang kwintas na bigay ni Raine kahit na hindi na niya alam ang dahilan kung bakit niya ito suot o kung sino man ang nagbigay sa kanya neto.
BINABASA MO ANG
Love Beats
Подростковая литератураThe mind forget but the heart never forget..... This is a story about a innocent promise in which two people have taken it differently as the the one remembers it and the other one forgets it...