Kahit masakit

46.4K 538 225
                                    

"You may now, kiss the bride." Pagkasabing pagkasabi ng pari ng mga katagang yan, tumulo agad ang luha sa mga mata ko. Mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Simula pa lang ng seremonya parang ng mga preso ang luha ko. Na tila ba gustong gusto na nilang masilayan ang mundo. Na parang mga taong na-stuck sa nasusunog na bahay.

Napakasarap ikasal sa ganitong simbahan na puno ng mga puti at pulang rosas. Napakasarap ikasal habang suot ang isang simpleng puting traje de boda. Napakasarap ikasal habang tumutugtog ang paborito mong kanta. Napakasarap makita ang mga batang masayang naglalakad sa unahan mo. Napakasarap ikasal habang nakikita mo ang magulang mong umiiyak dahil sa saya. Napakasarap ikasal habang kita mo ang mga bisita mong may mga ngiti sa labi.

Napakasarap marinig ang mga katagang 'I do' lalo na at binigkas ito ng buong puso. Napakasarap marinig ang katagang 'Now I pronounce husband and wife'. Napakasarap maturingang mag-asawa. Napakasarap ikasal sa taong mahal mo.

Tandang tanda ko pa noong umabay kami ni Ate sa kasal ng Tita namin. Sabay kaming nangarap ni Ate. Siguro ang mga bata sa edad namin ang pinapangarap ay magkaroon ng maraming laruan. Pero iba kami ni Ate, pinangarap namin ay magkaroon ng perpektong kasal.

"Ate ang ganda ni Tita no." Sabi ko kay Ate. Tumango lamang si Ate tanda ng pagsangayon. "Ate paglumaki tayo, gusto ko ganyan din kasal natin."

"Sige ba. Tapos yung paligid puro rose." Napangiti naman ako sa sagot niya.

"Tas Ate ang kanta ay yung Runaway ng The Corrs. Di ba paborito natin yun."

"Sige sige. Pag ikaw ang ikakasal, ako ang kakanta. At pag ako naman ang kinasal, ikaw ang kakanta. Ayos ba yon?" Tanong ni Ate sakin.

"Oo naman!" At nagpatuloy pa ang pag pla-plano naming. Bakas sa mga mukha naming Masaya kami. Ini-imagine pa lang namin, sobrang saya na namin. Pano pa kaya pag nagkatotoo.

Pero eto ngayon si Ate, tinutupad ang pangarap naming dalawa. Tinutupad nila ng taong mahal niya.

Para tuloy akong tanga dito na parang ako ang ina ng ikakasal. Kasi patuloy sa pagtulo ang luha ko.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako dahil sa ikakasal na ang ate ko o dahil sa rasong ang lalaking mahal ko eh ikakasal na sa iba.

Oo, ang lalaking pakakasalan ni Ate ay ang taong mahal na mahal ko.

"Nikka, ikakasal na si Ate." Napatigil ako sa pagkain ng magsalita siya. Nagulat nga ako ng bigla niya akong tawagan at inimbitahan mag dinner. Once in a blue moon na lang kasi kaming magkita ni Ate. Masyado kaming busy sa trabaho.

Kitang kita sa mukha niyang masaya siya. Sa sobrang kasayahan ay may mga luha na lamang tumulo sa mga mata niya. Tanda na masaya siya. "Matutupad na yung pangarap natin!" Masaya niyang sabi sa akin.

"Wow! Ate! Matutupad na yung matagal nating pangarap." Hindi rin mawala ang ngiti ko sa mga sinabi niya. Yung Ate ko ikakasal na. Grabe lang yung feeling. "Wait, Ate. Kanino? Kasi lately wala na akong masyadong balita sayo."

"Kay Vince!"

Parang tumigil ang mundo ko. Parang nakalimutan kong huminga sa mga sandaling yon. Si Vince, ang taong dati kong minahal at patuloy ko pa ring minamahal. Highschool pa lang gusto ko na siya. Nagkakilala kami sa isang event na in-organize ng classmate ko. Niligawan niya ko at sinagot ko siya. Sinagot ko siya kahit na alam kong hindi ako ang gusto niya. Kahit na alam kong si Ate ang laman ng puso niya. Sinunod ko yung sinasabi nilang pakawalan ko siya. Ganun naman lagi diba pag mahal mo, pakawalan mo.

Kahit masakit... na makita silang dalawang Masaya, ayos lang.

Kahit masakit...na kinakanta ko ang theme song nila, ayos lang.

Kahit masakit...na makita silang ikasal, eto ako ngumi-ngiti pa rin.

Kahit masakit...na palayain yung taong mahal ko, ginawa ko pa rin.

Kahit masakit...kakayanin ko.

Mahal ko siya eh.

Kahit masakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon