Bakit nga ba ako nahumaling sa online world

21 1 0
                                    

 …usually ang mga taong nahuhumaling sa internet world or tamang sabihin nalng nating online world ay ang mga taong malulungkot, Yung mga taong gustong magtago nalang at patuloy na magsulat upang mialabas ang saloobin nila…yung mga taong may mga pinagdadaan, humahanap ng karamay at gustong iexpress ang kanilang sarili sa mga paraan na ang tanging makikita mo lang ay ang mga letrang tinatype nila, at kung saan ang nababasa mo lamang ay ang mga nararamdaman nila…  sila yung mga taong walang lugar sa totoong mundo….

O mas tamang sabihing ayaw lumugar sa totoong mundo….

Eto ang mundo ng Internet kung saan makakakilala ka ng  mga taong, makikinig, magpapayo at kahit sabihin nating hindi sigurado…

Makakaintindi sayo…..

Hindi naman talaga ako mahilig sa mga gadgets o kung sa ano pa mang makabagong teknolohiya, isa lamang kasi akong simpleng tao na ang ang hilig lang ay tumugtog, at gumuhit…

Kahit kalian ayoko sa maiingay na lugar, at sa mataong lugar… kaya nga ang bansag sakin, manang na weird..

Hindi naman sa manang ako manamit o sobrang tanda ko manamit kaso binansagan akong ganun dahil sa ugali ko.

pero teka, alam ko iniisip mo :DDD na weird ako :DD lols  hindi naman masyado..

nanggaling ako sa normal at masayahing pamilya :D, may nanay akong kikay na kung gumet up parang laging may party sa office nila ^____^’’

may tatay akong makata :D na kahit nasa malayo tuloy padin ang support at advise ang binibigay..

may ate akong Fashionista na strikto na kuripot at baliw :) pero galante magbigay ng regalo :D (sssshhh atin lang to baka makutusan ako J) pero mahal ko yan kahit ganyan siya.

At may bunso kaming dancer! Only boy pero  Aba! dinaig pa kami ng ate ko sa kalandian :D 

Eto lang naman ang family background ko :D…

Kung titingnan parang wala naman akong dahilan para malungkot at magkaroon ng problema… pero ang totoo niyan napakalungkot ko…

Ang tingin ng mga taong nakapaligid saakin ay ok lang ako, masayahin at walang problema…

Pero ang totoo?? Isa lang yan sa mascara na ginagamit ko…

Nagtataka din ako sa sarili ko… bakit kaya ganito ako?

Bakit di ko magawang sabihin sakanila kung anu man ang problema ko…

At sa sobrang dami ng tanong ko ako din naman ang sumasagot…

Dahil, ayokong mag alala sila,..

Ayokong makadagdag ng problema..

Ayokong mag iba ang tingin nila saakin..

Ayoko ng… ng…

Sa sobrang dami ng iniiwasan kong mangyare nauubusan na ko ng mga dahilan……

Hanggang sa matagpuan ko nalng ang sarili ko isang araw na nahuhumaling sa pagkokompyuter… ang sabi ko sa sarili ko sa wakas may makakintindi at makikinig nadin sa akin kahit papano…

Nung umpisa Masaya,, enjoy at parang nakakapawi ng stress dahil sa mga nakakausap mo… pero nung tumagal… parang may kulang… para bang nagrevolve na ang buhay ko sa online world….

At inisip ko….

Kailangan ko nang harapin ang totoong mundo… kailangan kong gumising sa realidad…

Na ang buhay ay hindi isang panaginip na kung kailan mo gustong gumising ay magigising ka na…

Siguro nga kailangan ko lang maging open… maging positibo sa lahat ng bagay…

At kailangan ko ding tanggapin ang mga mangyayari…..

--------------------------end-------------------

Sa mga oras kasi na ito ang nararamdaman ka, ay para bang magi sa ako.

Ang totoo niyan hindi ko maintindihan ang sarili ko…

Kaya pasensya na kung nakakdepress ang kwentong ito :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit nga ba ako nahumaling sa online worldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon