Chapter 24

970 24 16
                                    

(Sabra's POV)

"FUCK YOU ALL!" Sigaw ni Christia.

Ewan! Natakot ako sa sigaw niya. Parang may halong pambabanta sa boses niya.

Naramdaman ko nalang ang kamay ni John na pinunasan ang basa kong pisngi.

"Sorry, Sabby. Pati tuloy ikaw, nadamay." Tapos niyakap niya ako.

"Okay lang iyon, John." Pero sa totoo lang, ang sakit sabihan ng maharot. Bwisit na Christia yun.

"Halika na sa loob." Inilapit niya ako sa kanya sa pamamagitan ng paghawak sa bewang ko.

Tinulak ko siya ng marahan.

"Teka, John."

"Bakit?" Nag-aalalang tanong niya.

"Yung s-sinabi ko kanina..."

Napatigil siya.

"Sabby, you don't know How happy I am to hear that. H-hindi ko alam." Sabi niya habang hawak-hawak ang magkabila kong pisngi.

Hinawi ko naman ito.

"John, sorry pero sinabi ko lang yun para tumigil si Christia. Wag ka masyadong masaya dyan."

"A-ahh Ano?! Bakit? Sabby, mahal na kita!"

"Hindi kita pwedeng mahalin. . . . . . SA NGAYON. Ayaw kong madamay sa away niyong mag nobya." Umupo ako sa couch at napabuntong-hininga.

Umupo rin siya sa tabi ko at hinawakan ang isa kong kamay.

"Lalo kang madadamay sa sinabi mo kanina, alam mo ba yun?" Hinalikan niya yung kamay ko.

"Tsk! Oo, alam ko. BWISIT."

"Wag kang mag-alala. Hinding-hindi kita iiwanan sa ere." Sabi niya tsaka niya inilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan ako sa noo.

Sige na nga! MAHAL KO NA TONG BWISIT NA TOH!! Wala eh! Hindi mapigilan ng puso ko. Pakshet! Ayaw ko siyang mahaling pero palagin nag po-protesta tong puso ko.

"Tulog na tayo?"

Napatingin ako kay John na hila-hila ako sa kwarto niya. Matutulog lang naman kami eh. NA MAGKATABI. Eh ano ngayon? Wala naman kaming gagawing masama.




Nagising ako sa hininga ni John. Nakaharap kasi kami sa isa't-isa ngayon. Ang baho! Pero chos lang. Ang bango ng hininga ng mahal ko. EWW, KADIRI.

Siniko siko ko siya.

"Hoy, John! Hoy!"

"Hmmm, Sabby. Wag ka munang magulo. Natutulog ang tao eh." Tapos niyakap niya ako ng mahigpit.

"John, mahal mo na ba talaga ako?" Sabi ko ng mahina.

Dumilat siya at hinalikan ako sa noo.

"Sabby, MAHAL KITA. Hindi to biro lang."

Ewan! Parang bumilis ang tibok ng pesteng puso ko.

"Wag kang kiligin, Sabby. Hahaha!" Sabi niya.

Kinurot ko siya sa tagiliran niya. Napaka eh!

"Aray! Hahaha! Ikaw ah!"

Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi. Mabilis naman siyang bumitaw at tinutukan lang ako. Hinawi niya yung mga hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko.

"John, mahal kita. Ewan, pero mahal kita."

Nambilog yung magaganda niyang mga mata.

"Totoo yan? Mahal mo ako?"

Hindi ko siya sinagot pero inilapit ko yung mukha niya sakin at hinalikan siya ng marahan.

"I... Love... You too... Sabby." Sabi niya habang hinahalikan ang lahat na parte ng mukha ko.

Tumigil siya sa paghalik at binigyan ako ng smack.

"And I'll try my best to keep you by my side."

Napangiti ako. Ngayon lang ulit ako nagmahal ng ganto.

Sabay kaming pumasok ni John ngayon.

Lahat ng tao, nakatingin sa amin. Nagbubulungan sila. Eh, lakompake!!

Inakbayan ako ni John at hinalikan yung ulo ko.

"Wag mo silang intindihin."

Nginitian ko siya.

Hinatid ako ni John sa room ko.

Papasok pa lang ako nang may pumigil na lalake sa pinto.

"Sabra! Ano? Masarap ba si John?"

Wala anu-anong sinampal ko siya.

"FUCK! Totoo naman ah! Gustong-gusto mong tumikim ng iba't-ibang putahe! Pati nga teacher dito sa university, tinikman mo na!"

Wala akong maisagot.

Tumakbo ako papunta sa comfort room. Doon ako umiyak ng umiyak.

Lumabas na ako at naghilamos.

"Hi, SABRA!"

Napatingin ako kung sino yung nagsalita.

Si Christia.

Lumapit siya sakin.

"Kamusta? Kamusta ang malanding babae na hindi na nakuntento sa prof dito at sinulot pa yung boyfriend ko?"

"Wala kang alam kaya wag kang magsalita na parang alam mo ang nangyari sakin noon." Sagot ko.

"Actually, wala talaga akong alam. Pero naghanap ako ng paraan para malaman yang baho mo. Oo, ako ang bumuhay sa tsimis. Ang tsismis na matagal na sanang namatay. I am the one who spread the word. Sabi ko nga diba? I will make your life a living hell. Sige, bye!" Tsaka siya umalis.

Napatulala ako. Napaupo bigla sa narinig ko.

Akala ko, pwede na akong mag bagong buhay. Hindi pala.

Hinding-hindi mawawala ang lamat sa pangalan ko.


____________
A/N: Hello po! Nakapag-update na rin after how many months. Grabe lang, may nagbabasa pa ba nito? HAHAHA! Tsaka nasa what's hot tayo ngayon!! Perstaym ko! HAHAHA!! Sorry pala sa napakatagal kong update. Busy sa college life. Mahirap maging accountancy student. So, ayun nga. Hope you like the update. Mag-uupdate ako ngayon palagi kasi sembreak na eh. And sorry for the very long message. Sige! Mahal ko kayong lahat! :*

P.S. May manliligaw ako ngayon. Sasagutin ko na ba? 2 months pa naman siyang nanliligaw eh. Help naman dyan! NBSB pala ako. HAHA!! Don't hesitate to write your suggestion/advice in the comment box. ;)



I'M HIS HOUSEMATE [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon